CHAPTER 40

15.7K 784 187
                                    

Momentary Instinct

INILANG hakbang ko si Bambi. Nabunggo ko pa sa balikat si Puppy pero hindi ko na nagawang mag-sorry kasi sabik na sabik ako sa alaga ko. Nag-squat ako para mayakap siya.

"Sobrang na-miss kita, Bambi!"

Pinaulanan ko siya ng halik sa mukha. Kumawag naman ang buntot niya at dinilaan ako sa pisngi.

"Na-miss mo rin ba ako, hmm?"

Umungot siya at sumiksik sa balikat ko. Niyakap ko siya ulit. Parang lalo siyang tumangkad kahit ilang buwan pa lang kaming hindi nagkikita.

"Sobrang nag-alala ako sa 'yo no'ng malaman kong nawawala ka. Akala ko talaga hindi na tayo magkikita ulit," kausap ko sa kanya.

Umungot lang siya ulit na parang sinasabi niyang na-miss niya rin ako. Parang nabunot ang isang tinik sa dibdib ko dahil sa wakas ay nagkita na kami. Pero paanong napunta siya rito?

Teka...

Tumayo ako saka humarap kay Puppy Gaston. Tinitigan ko siya nang mariin pero nag-iwas siya ng tingin.

"Ikaw lang pala ang kumuha kay Bambi? Bakit hindi mo po siya ibinalik sa bahay namin? Alam mo bang nataranta ang mga tao roon? Lalo na ako no'ng ibinalita sa aking nawawala siya!"

Namaywang ako at lumapit pa kay Puppy pero umilap lang ang mga mata niya.

"Ninakaw mo po ba si Bambi?"

"I didn't!" mabilis niyang tanggi.

Umiling ako. "Hindi ako naniniwala. Paano siya napunta rito? Marunong ba 'yang lumipad?"

"I just saw her in front of Omega Towers, so I took her in."

"Weh? 'Di nga?"

"I'm... I'm telling the truth."

Umikot ako sa kanya at siniyasat ang pagmumukha niya kung nagsasabi siya ng totoo. Napakamot siya ng batok at namumula rin ang kanyang magkabilang tainga.

Hmm. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Pero kaduda-duda kasi nawala ang matapang niyang awra. At mukha siyang maamong tupa.

"Uhm, okay."

Napabuga siya ng hangin na parang nakahinga nang maluwag. Tumalikod na ako pagkatapos kunin ang tali ni Bambi pero agad na humarap nang maalala.

"Pero bakit hindi mo siya isinauli? At dinala mo pa siya rito! May balak ka talagang dukutin siya, ano?" nang-aakusang untag ko.

Napaatras naman siya at halatang nagulat sa sinabi ko.

"No. It was not my intention to keep her," seryosong tugon niya.

Tinitigan ko ulit siya nang mariin pero umiwas na naman siya ng tingin.

"E bakit po may pa-restricted area pa?!" singhal ko.

Sunod-sunod siyang napalunok. Hmp! Sinasabi ko na nga ba, guilty siya. Siguro tuwing tulog ako inilalabas niya si Bambi para makalanghap ng hangin. Kaya lang ngayon ay nahuli ko siya. Mabuti na lang pala at naisipan kong lumabas.

"I just... I just wanted to surprise you, that's why I hid her for a little while."

"Oh, okay."

Napatango-tango naman ako. Akala ko naman may masama siyang balak sa alaga ko. Aba, dadaan muna siya sa mga kamay ko.

Tutungo na sana ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw na talaga ako pero napatigil ako.

"Hold on."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon