CHAPTER 41

15.4K 761 151
                                    

Drunken Confession

NAKIPAGTITIGAN ako sa kanya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Kami pa rin daw? As in?

Napalunok ako. Halos magdikit na kasi ang mga labi namin sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin . Nakaharang sa magkabilang gilid ko ang mga braso niya.

"Nagbibiro ka lang po, 'di ba?" kinakabahang tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya.

"It seems that you need more dopamine in your body. Your brain is taking longer than usual to process everything that I've said."

Pagkasabi no'n ay bumaba ang mukha niya at sinakop ang mga labi ko. Nabato ako nang ilang segundo. Pero nang maalala kong pagkakataon ko na ito ay naisipan kong tugunin siya. Kaya lang papikit pa lamang ako nang putulin niya ang halik. Napadilat ako.

"Do you understand now?" masuyong tanong niya.

Tumango ako. Kinintalan niya ako ng halik sa noo.

"Good. Kissing really helps boost one's dopamine levels, but there's a more effective way," aniya sabay bulong sa akin ng ibig niyang sabihin.

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang itinulak. Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Mauuna na ako," tarantang sabi ko saka tinunton ang elevator.

Nakita ko pa ang malapad niyang ngiti na animo'y nanalo siya sa sabong. Tama ba namang ibulong niya sa akin ang bagay na 'yon?

Mabuti na lang at walang nakakita sa amin. Sana nga wala. Mukhang may mga nagsidatingan pa namang mga sasakyan kanina.

"Oh? Bakit para kang hinabol? Anyare?" usisa ni Vanessa pagkaupong-pagkaupo ko sa swivel.

"Wa...Wala. Akala ko kasi late na ako."

Napahawak ako sa dibdib para pakalmahin ang puso ko.

"Ay, hindi lang akala. 8:03 na kaya. Naglakad ka lang ba galing Spire?" aniyang muli.

"Uhm, oo."

Feeling ko talaga mas marami pang sanga ang sungay ko kaysa sungay ng usa. Kasi ang daming beses ko nang nagsinungaling. Bakit ba kasi sila tanong nang tanong ng mga hindi nila dapat itanong?

"Oy, ano'ng nangyari kagabi? Nakapag-usap ba kayo ni Sir? Buti na lang wala pa siya. Alam mo namang allergic 'yon sa late comers."

Napangiwi ako. Ang daldal nitong si Vanessa. Hay.

Kung alam niya lang, higit pa sa pag-uusap ang nangyari.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging kinalabasan ng mga pangyayari. Para pa rin akong nakalutang sa ibabaw ng mga ulap. Totoo ba talaga 'yon? Okay na kami ni Puppy?

Kinurot ko ang sarili ko pero nakaramdam ako ng sakit kaya hindi nga ako nananaginip.

"Ay, hala! Nabaliw na ang isang 'to. Okay ka lang ba?" untag ulit ni Vanessa.

Magtatanong pa sana ulit siya nang may dumating.

"Good morning, Sir!"

"Good morning, Sir Gaston!"

Kanya-kanyang bati ang mga empleyadong sa kabilang mga cubicle. May malaking aisle sa pagitan namin at madadaanan ni Puppy ang harap ng cubicle namin ni Vanessa. Bumati rin kami ni Vanessa.

"Good morning!" bati pabalik ni Puppy.

Pansin kong nagkatinginan ang mga empleyado. Si Vanessa ay napatingin din sa akin.

"Magugunaw na yata ang mundo. Bakit parang ang gaan ng awrahan ni Sir ngayon?" pasimpleng tanong ni Vanessa.

Nagpatay-malisya lang ako saka inabala ang sarili ko sa pagbubukas ng computer. Pero pansin ko rin ang pasimpleng pagtitinginan ng mga empleyado sa kabila, na animo'y nakakita sila ng milagro.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon