Chapter 2

1.8K 56 0
                                    

Ludo POV

Tinahak  na namin ni Ina ang daan patungo sa simbahan.Malapit lamang ito sa aming tirahan kaya nilakad nalang namin ito.

"Kristina....."tawag ni Aling Gina kay Ina,si Aling Gina ay kaibigan ni Ina magkalapit lang ang pwesto ni Ina at Aling Gina sa may pamilihan.

Si Ina ay nagtitinda nang mga bulaklak habang si Aling Gina naman ay mga kakanin ang kanyang itinitinda'.

"Napaka aga niyo yata".nakangiti nitong tanong kay Ina.

"Alam mo naman may batang sabik mag simba".pabirong sagot ni Ina.

"Ay,,Kasama mo pala si ganda".masayang saad nito.


"Napaka ganda nang iyong anak kristina sayang nga lang bibihira lang siyang lumabas".Sigurado madaming mahuhumaling sa kanya."naghihinayang na saad ni Aling Gina kay Ina.

Tumingin si Ina sa akin.

"Mauna kana Ludo may importanteng pag-uusapan lang kami ni Gina."

Mukhang mahalaga nga ito kaya naman ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na mauna.

Habang naglalakad papuntang simbahan ay may nakita akong isang mabalahibong aso na papatawid sa gitna nang daan.

May mabilis na sasakyan ang papalapit dito at malapit na itong masagasaan.
Kaya mabilis ko itong tinakbo at di inalintana ang pagtaas nang aking bestida.

Kinakabahan ako sa kahihinatnan nang isang mumunting aso.

Nang makalapit ako sa kanya ay dali dali ko siyang niyakap at napaupo sa gitna nang daan .
Kasabay nang pagpikit nang aking mga mata ay narinig ko ang tunog nang gulong nang sasakyan.
Madiin ko ipinikit ang aking mga mata.

Lumipas ang ilang minuto wala akong naramdaman na sakit sa aking katawan.

"Miss ayos ka lang?"tanong nang taong nasa harapan ko.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at dahan dahang itinaas ang aking ulo.

"O...o...opo..."nanginginig kong sagot sa
nakatulalang lalaking nasa harapan ko at tahimik na nakatingin sa akin'.

"Ludo anak ko!!!".narinig kong sigaw ni ina.

Mabilis akong tumayo habang nasa bisig ko parin ang isang mabalahibong aso.

"Ayos ka lang ba?Diyos kong bata ka aatakihin ako sa puso."natatarantang saad pa niya.

Nakita ko na parang naiiyak na ito.
Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap.

"What else did you do there let's leave now!!"malamig na sambit nang isang lalaki.

"Pasenya na mauna na kami".hinging paumanhin nang lalaking muntik nang makasagasa sa amin.

Lumingon ako sa lalaking nagsalita at nabigla ako sa aking nakita.
Napaka-tangkad at kisig niya abuhin ang kanyang mga mata makakapal ang mga kilay at matangos ang ilong ang kanyang labi ay kasing pula nang kanilang mga rosas na itinitinda.

Biglang tumahol ang asong nasa aking bisig kaya naman lumingon ito sa aking direksyon.

Nakakatakot ang kanyang mga mata napaka lamig kung tumingin.

"Lets go".mariin niyang saad habang nakatingin sa akin.
Nakatingin siya sa akin ng mataman.

Ngumiti ako sa kanya.

Dali-daling lumapit sa kanya ang lalaki at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan.




Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon