BMDN Chapter 13

108K 3.2K 600
                                    

Naging mabilis na dumaan ang mga araw, isang linggo simula ng bumalik ako sa bahay nila Kisza. Nag papasalamat ako at naging magaan ang mga nag daang araw, lumipad na kasi patungong Spain si Sir Spencer. Ang alam ko ay sampung araw sya doon, nag kakausap sila ni Kisza via skype ay pag oras na ng pag uusap nila ay iiwana  ko si Kisza sa kwarto nya para tumulong sa pag lilinis ng bahay.



Dalawang araw nalang at uuwi na si Sir Spencer. Nang bumalik ako dito ay kinausap nya ulit ako at sinabing iwasan kong pumunta kung nasaan sya, iwasan kong mag pakita sakanya. Pabor naman sakin iyon, noong una akala ko na mahirap iyon dahil nasa iisa lang kaming bahay. At isa pa sya ang nag hahatid at sumusundo samin sa school. Pero kinabukasan maaga syang umalis ng bahay kaya yung driver ang nag hatid samin sa school, ang driver na din ang sumundo ng hapon. Siguro nga ay sya na ang umiiwas para maiwasan ang pag aaway namin.






Sabado ngayon kaya walang pasok si Kisza. Nasa kwarto pa sya at natutulog, kaya nag luto na lang ako ng a-almusalin nya. Panay parin ang parinig ni Leslie, na mas okay na daw na hindi na ako bumalik. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman sya ang dahilan kumg bakit bumalik ako dito. At isa pa wala naman syang alam sa nangyayari samin.

Ang sabi pa ni Venus baka naiingit lang si Leslie dahil halos pitong taon na syang nag tatrabaho dito pero hanggang ngayon kasama nya parin ang mga bagong katulong sa isang kwarto. Napag lumaan na nga daw sabi ni Venus.


Pagkatapos mag luto ay umakyat na ako sa kwarto ng anak ko. Katulad ng nakagawian hinawi ko ang kurtina ng kwarto nya para pumasok ang liwanag na nanggagaling sa araw. Saka ako bumaling sa natutulog na si Kisza.


Simula ng pumunta ang Daddy nya sa Spain ay dito ako sa kwarto nya natutulog. Natatakot daw kasi sya, hindi nya ako iniwan sa kwarto hanggang hindi nya ako napapayag. Kaya sabandang huli pinag bigyan ko ang gusto nya at saka wala naman si Spencer kaya walang magagalit.




Ngumiti ako kay Kisza ng mag mulat sya ng mata. Siguro naramdaman nya na may nakatitig sakanya. Ngumiti din sya sakin.


"Good morning" sabi ko saka sya hinalikan sa noo.

"Morning mom" sabi nya na ikinabigla ko. Napatingin ako sakanya at mukhang hindi naman nya napansin kung ano ang tinawag nya sakin.


Umupo sya sa gitna ng kama at nag inat.


"Kain kana ng breakfast?" Tanong ko, tumango naman sya bilang sagot. Inalalayan ko syang tumayo at dumiretsyo kami sa banyo para makapag toothbrush sya at nakapaghilamos. Pagkatapos nyang gawin iyon ay bumaba na kami para makakain sya.





Umupo na sya sa sa dinning table kaya nag umpisa na akong ihanda ng pagkainsa harapan nya.

Pinanood ko lang syang kumain.


"Ang sarap po" sabi nya pag katapos kumain. Iniligpit ko ang pinag kainan nya at hinugasan.



"Ate Nina" tawag nya saki habang buhat buhat ang isang upuan.


"Aanin mo yan Kisza?" Nag tatakang tanong ko.


"Tutulungan ko po ikaw mag wash ng plates" nakangiting sabi nya dahila  para lumabas ang biloy nya sa pisngi.



"Ako nalang, mababasa ka pa upo ka nalang don" sabi ko.  Nakita ko naman ang pang nguso nya kaya wala akong nagawa kung hindi sundi ang gusto nya. Ayoko kasing nakikitang nalulungkot ang anak ko.



Inilagay ko ang upuan sa tapat ng kitchen sink saka ko sya binuhat at inilapag doon. Tawa sya ng tawa habang nag hubugas kami ng plato, yung sponge kasi ay pinabubula ko at pinapatalsik sakanya.
Kaya hindi kami matapos-tapos sa pag hubugas.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon