CHAPTER 43

18K 772 182
                                    

So Near Yet So Far

NARIRINIG ko ang iba't ibang boses pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Sobrang sakit kasi ng ulo ko. Pakiramdam ko ay mababasag iyon kahit kaunting galaw lang.

Nasaan ako?

"When will she wake up, Doc?"

Boses iyon ni Puppy. Teka, nasa ospital ba ako?

"We can't really tell. We just have to wait. Epekto rin ng gamot kaya mahaba ang pagtulog niya. But she's definitely far from any danger. There's nothing for you to worry about. Wala naman siyang internal head injury. Just call our attention when the patient wakes up."

"I will, Doc. Thanks."

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang nasa ospital nga ako.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko nang maalala ko na ang nangyari. Nawalan siguro ako ng malay kaya napunta ako rito.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Kahit nakapikit ako ay alam kong lumapit sa akin si Puppy. Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at dinala sa mga labi.

Gusto ko sanang bawiin iyon pero parang wala akong lakas. At gusto ko na lang na steady nang ganito ang posisyon ko sa paghiga.

"You've been asleep for more than 12 hours. When are you going to wake up?" kausap niya sa 'kin.

Pigil na pigil kong gumalaw. Masama ang loob ko sa kanya.

Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya kasi may pagkakamali naman talaga ako sa nangyari sa baby namin. Pero bakit hindi man lang niya ako pinakinggan muna? Naniwala agad siya kay Shelley. Tapos nabunggo pa ako sa cabinet. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Hindi ko matanggap na parang mamamatay-tao rin pala ang tingin niya sa 'kin.

Muntik na akong mapangiwi nang paulit-ulit niyang hinalikan ang kamay ko. Hindi pa siya nakontento. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa pisngi ko. Kaunting-kaunti na lang talaga at mabubuking na akong gising.

Ayaw ko kasi siyang kausapin. Hindi ko kaya. Baka kasi may masabi pa ako sa kanyang hindi maganda kaya hangga't maaari ay iiwasan ko muna siya.

Narinig ko na naman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang may pumasok sa kuwarto.

"Hindi pa rin ba siya nagigising?"

Muntik na akong mapadilat nang wala sa oras. Boses iyon ni Ate Angelica!

Nandito rin siya?

"The doctor said she is safe now. Pero hindi ko pa alam kung kailan siya magigising, " dinig kong sagot ni Puppy.

"Epekto nga lang 'yan siguro ng gamot. Mabuti na lang pala hindi gano'n kalakas ang pagkakabunggo niya."

Malalim na bumuntonghininga si Puppy.

"I'm really sorry about what happened. It's all my fault."

Hmp! Sa akin siya may kasalanan pero kay Ate Angelica siya nagso-sorry. Magsama sila ni Shelley na parehong judgmental. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko.

"Kanina ka pa sorry nang sorry. Hindi mo naman sinasadya ang nangyari, 'di ba? Isa pa, grateful naman ako kasi inalagaan mo ang pinsan ko. Hindi ko akalain na ikaw pala ang ama ng naging baby niya."

Muntik na akong mapasinghap. Tama ba ang pagkakarinig ko? Mukhang marami nang alam si Ate Angelica. Idinilat ko ang kabilang mata ko para silipin sila. Nakatagilid sila at hindi nakatingin dito kaya hindi nila napansin na gising ako.

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon