ID 3

271 5 0
                                    

"G!"

"Grace."

Lagi ko naririnig ang boses nila. lagi nila ako tinatawag pero ayaw ng mga mata ko bumukas. Parang hinihila ako lagi ng antok.

"Ilang taon na rin siyang na coma. Pero normal na ulit ang heartbeat niya."

Tanging ang boses lang nila ang naririnig ko. Kahit ang aking bibig, ayaw na rin bumuka.  

May nakita akong napakaliwanag. May isang babae na lumabas sa liwanag.

"Mommy?"

Nakangiti ito habang palapit na palapit ito sa akin.

"Come with me, Grace," malambing na saad ni Mommy.

Inilahad niya ang kan'yang kamay sa akin.

Sasama ba ako sa kan'ya? Si Mommy lang ang nagmamahal sa akin. Si Daddy, si Gretta lang ang paborito niya. Kahit magkakambal kami, mabigat ang loob ni Daddy sa akin.

"Sige po, Mommy!"

Sasama na lang ako kay Mommy. Total, miss na miss ko na ito at gusto ko rin siyang makasama.

Nakangiting inabot ko ang kamay ni Mommy at nagsimula na kaming naglalakad patungo sa maliwanag na lugar.

"Grace! Grace!"

Napalingon naman ako dahil tinatawag ang aking pangalan. Nakakunot ang aking noo na nakatingin sa babaeng nakahiga at puno ng aparato. 

Kamukha ko siya. 

Nakikita ko kung paano ito i-pump ang kan'yang dibdib ng nakaputing gown na babae.

Savannah?

Si Savannah. 

"Grace, please!" Hiyaw niya.

Nakatitig lang ako sa bawat galaw nila. May electric pump na sila ginagamit para  sa akin.

Ako ba iyong nakahiga?

Bakit mabigat ana ang nararamdaman ko. Parang ayaw ko ng sumama. Parang may pumipigil sa akin.

"Grace, lets go," malambing na saad ni Mommy.

Napabuntonghininga naman ako.

"Mom, saka na lang ako sasama sa'yo. May aayusin pa ako," nakangiting saad ko rito. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil mawawalay na naman ako kay Mommy.

"Siguro nga hindi pa ang oras mo, anak. Pero tandaan mo, mahal na mahal ko kayo ni Gretta. Mag-ingat kayo lagi. Alagaan mo ang iyong sarili."

Niyakap ko naman ito ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Mommy!"

"Grace, kayong dalawa ni Gretta ay isang Salva-....."

"Mom!"

Nilamon na ng liwanag si Mommy.

"Ahhhh!" nilamon rin ako ng kadiliman.

Parang pagod na pagod ako. Masakit ang buong katawan ko. Dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata.

"W-Wa-Water." paos na boses na saad ko.

"G!"

Bumungad agad sa akin ang napakaguwapong mukha ni Kei. Kumuha ito ng bulak at binasa ito ng tubig. Iyon ang ginamit niya na idampi-dampi sa aking tuyot na mga labi.

"Ano ang nararamdaman mo? Wala bang masakit sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Kei sa akin.

Ngumiti naman ako. "I-I'm okay. Saan si Van?"

"Umuwi muna saglit. Maya maya nandito na iyon."

"Kei, inaantok ulit ako," nanghihinang saad ko sa binata.

"Go sleep, G. Epekto iyan ng gamot kaya mahina ka pa rin."

Parang hinigop na naman ang mga mata ko.

"Mommy?"

Hindi ko maintindihan. Bakit nakikita ko si Mommy.

"Grace, remember what I told you before?"

"Mom?"

"Salvacion," aniya na nakikita ko sa mga mata niya ang galit.

Nakakunot naman ang noo ko. Naalala ko noong bata pa kami. Lagi sinasabi ni Mommy na paglaki namin, hahanapin namin si Salvacion.

"Mom! Mom!"

Nanlumo naman ako na naglaho na ito.

"hmmmm..."

Mabagal na naman ang paghinga ko. 

"Okay naman siya. Nag-a-adjust lang siya dahil halos pitong taon na makina ang bumunuhay sa kan'ya," Rinig ko na boses babae.

"W-Water," nanghihinang saad ko. Everytime na gigising ako, lagi akong nauuhaw.

"Grace?!"

Mabilis naman lumapit sa akin si Van at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang haba ng tulog mo," Natatawang saad ni Van sa akin.

"How many days," tanong ka na mahina ring napatawa.

"Not days. Take note, a year," aniya habang hinahaplos-haplos ang aking buhok.

"Buti na lang kamo, magka-match kayo ng dugo ni Javi. At nasalinan ka kaagad ng dugo," saad naman ni Kei.

Javi?

"Javier Salvacion?" tanong ko sa dalawang Doctor.

"Yeah. Tamang-tama na nandito siya sa hospital. Naghahagilap kami ng dugo at wala kang ka-match sa amin. So si Javi nandito din pala sa Germany at binisita ang kaibigan niyang naka-confined dito sa hopital. At nalaman niya ang nangyari sa'yo, ayon nga. Nagka-match kayong dalawa," mahabang litanya ni Van.

Napabuga naman ako ng hangin.

napakasuwerte ko pa rin. Maraming beses na binigyan ako ng pagkakataong mabuhay. Talagang hindi ko pa panahon.

"Salamat sa inyong dalawa," nakangiting saad ko sa dalawang Doctor na matalik kong kaibigan.

Saka ko na pasasalamatan si Javi kapag nakabalik na ako sa Pilipinas.  Weird, nagkataon talaga na pareho kami ng type ng dugo.

INNOCENTLY DANGEROUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon