Panandaliang Saya

3 0 0
                                    

Tunay ngang masakit maging biktima ng panandaliang kasiyahan,
Hindi mo alam kung hanggang saan at kailan ka lalaban.
Masakit isipin ang mga panahon nating nagdaan,
Ngunit alam kong masaya na ang iyong kasalukuyan.


Sa tinahak nating landas ng nakaraan,
May bumabalik na sakit ng pagkabigo ngayon na aking dinaramdam.
Kay hirap maging masaya ng panandalian lamang,
Bumabalik ang kirot ng pighating namumukadkad sa aking kasalukuyan.


Mahal, Bakit? Bakit landas natin ang napiling paglaruan?
Bakit ang mga problemang dumating ay ating hinayaan?
Kay raming tanong sa aking isipan,
Ngunit kasagutan man ay hindi ko matagpuan.


Sa bawat hamong ating nilabanan,
Patuloy tayong bumagsak hanggang masira ang pagmamahalan.
Sabay tayong nagmahal at lumaban,
Ngunit sa pagsuko'y nauna ka at ako ang naiwan.

Isang madayang laban ang naganap.
Sapagkat ang tunay mong kasiyahan ay iyo ng nahanap
Paalam aking mahal at salamat sa lahat.
Nawa'y muli tayong pagtagpuin ng tadhana sa hinaharap.

🎉 Tapos mo nang basahin ang ᴄᴏᴍᴘɪʟᴀᴛɪᴏɴs ᴏғ ᴏɴᴇ sʜᴏᴛ sᴛᴏʀɪᴇs, ᴘᴏᴇᴍs ᴀɴᴅ ᴘᴏᴇᴛʀɪᴇs 🎉
ᴄᴏᴍᴘɪʟᴀᴛɪᴏɴs ᴏғ ᴏɴᴇ sʜᴏᴛ sᴛᴏʀɪᴇs, ᴘᴏᴇᴍs ᴀɴᴅ ᴘᴏᴇᴛʀɪᴇsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon