“ANAK, okay ka lang ba?” nahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mama. Tinignan ko siya at tumango bago muling sumubo ng pagkain. “Nasa harap ka ng pagkain pero yung isip mo parang nasa kabilang mundo.” naiiling niyang dagdag.
“Pansin ko rin na matamlay yung mga mata mo kaninang dumating ka rito, may nangyari ba sa school?” tanong naman sa akin ni Tita Annie. Agad naman akong umiling habang tipid na nakangiti.
“Wala naman po, napagod lang po siguro yung mata ko kare-review dahil sa midterm.”
“Sigurado ka? Kung gusto mo magsabi ng nararamdaman huwag kang mahihiya sa amin ng Tita mo. Nako, Calli huwag mong uugaliin na dibdibin iyan mag-isa. Nandito naman kami e.” madramang wika ni Mama kaya bahagya akong natawa.
“Ma, ang OA mo naman! Hindi naman sobra-sobra yung dinadala ko sa dibdib ko. Cup A nga lang ako,”
“Loko ka talagang bata ka! Hay nako, kumain ka na nga riyan.” natatawang tugon niya sa akin.
“Sa kalagitnaan ng pagdradrama ng mama mo, naisisingit mo pa talaga ang biro.” naiiling na komento ni Tita kaya mas natawa ako.
“Totoo naman po kasi na hindi naman ganoon kabigat ang nasa dibdib ko. Double meaning man o hindi,” depensa ko.
“Hmm… oh siya sige na. Basta kapag kailangan mo ng kausap, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ah?” tugon ni Mama kaya tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay naglinis na rin ako ng katawan at diretso na ring nahiga sa kama. Gusto ko na rin kasi agad na ipahinga ang katawan ko pero hindi pa ko madalaw-dalaw ng antok.
Nakailang ikot na ko sa higaan habang nakapikit upang maghanap ng kumportableng puwesto ngunit sadyang gising na gising pa ang diwa ko.
Napabuntonghininga ako at kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan ko, kailangan ko munang pagurin ang mga mata ko para naman kahit papaano ay antukin ako. Ngunit nanood na ko sa YouTube, Tiktok, at Facebook ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Malapit na mag-alas dos ng madaling araw ay gising na gising pa rin ako.
Pinatay ko na ang cellphone pati na ang wifi at nagpasya na tumayo upang maghanap ng makakain sa kusina. Nakaramdam ako ng pagkagutom dahil ilang oras na ang nakalipas nang kumain kami ng hapunan, tunaw na tunaw na ‘yon sa tiyan ko.
Nakakita ako ng leche flan sa ref kaya kinuha ko ang isang tupperware at kumuha ng kutsara bago nagtungo sa lamesa. Binuksan ko naman ang ilaw sa kusina kaya hindi madilim habang kumakain ako.
Sa totoo lang ay iniisip ko ang narinig kong sinabi ni Aris kay Mika noong Thursday sa building ng Engineering. Hindi ko alam na may napupusuan na pala siya, ayoko naman siyang pilitin na sabihin kung sino dahil hindi naman ako sigurado kung magkaibigan na ba talaga kami. At saka ayoko rin na isipin niyang interesadong-interesado akong malaman kung sino.
“Hayy… bakit ko nga ba iniisip?” tanong ko sa sarili habang nakatulala sa kawalan.
May part kasi sa akin na gustong-gusto kong alamin pero may part din sa akin na pumipigil. Ayokong pangunahan siya dahil siya lang naman ang tanging makakapagsabi kung kailan niya ito kayang sabihin.
Napasapo ako sa noo ko. Sa sobrang pag-iisip ko roon ay dalawang gabi na rin akong walang sapat na tulog, at ngayon ay nahihirapan ulit akong matulog dahil naiisip ko na naman ang tungkol doon.
“Aris… Aris… Aris…” bulong ko habang nakatitig sa leche flan. “Kung ni-reject mo si Mika, sino ang sinwerteng napili?” natatawa kong wika.
But why am I acting this way? Ano bang pakialam ko?
Napailing na lang ako at inubos na ang kinakain bago muling bumalik sa kuwarto.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...
