Chapter 1: HAPPY FAMILY

15 0 0
                                    

Cheska's POV


(Meet Zandro, nag-iisang nerdy guy na kilala ko. I mean, bukod sa pagiging matangkad, macho, at pagiging mayaman eh dumagdag ang bluish pero singkit niyang mga mata, eyeglass at yung nagustuhan kong baby face niya. He's kind'a quiet person, masungit/supladito at minsan mayabang. However, crush siya ng karamihan. Eh sino bang hindi kikiligin pag dumaan siya? Minsan kikindatan ka pa like the h*ck, talaga namang malalaglag yung underwear ng iba, yung tipong aalis na lang yung kaluluwa mo sa katawan mo. May pakindat kindat pa, crush ba ako nun?)


"Cheska, gumising ka na. Bumangon ka na at tigilan mo na yang imagination mo dahil hindi magiging kayo." Sabi sakin ng ate ko na kanina pa pala ako ginigising


"Sh*t, panaginip na naman pala yun. Hayst, makapaghilamos na nga lang." Bulong ko at bumangon agad


"Ano ba kasing napanaginipan mo at kinikilig ka habang tulog?" tanong sakin ni papa


"Panaginip lang po yun pa." maikling sagot ko at ngumiti


"Teka, tama b'ang narinig ko? Kinikilig habang tulog si bunso?" Pagsingit naman ni mama sa usapan


"Oo nga daw mahal. Paano ba yan edi panalo nako hahaha." ani papa sabay mapang-asar na tawa na ikinakunot naman ng noo ni mama.


"Ma,Pa, panaginip lang po yun." singit ko sa kanila


"Eh akala ko pa naman kung napano ka na. Pero alam mo, hindi naman kita pinagbabawalan kasi college ka na rin naman basta pangako mo samin ng mama mo na magtatapos ka ha." saad sakin ni papa sabay akbay at tapik sa braso ko


"Hay naku, eh kanino pa nga ba magmamana ng kagandahan 'yan kundi sakin din naman. Tingnan mo oh, inlove na inlove ka sakin hanggang ngayon." pang aasar naman sa kaniya ni mama.


-Hayst, maganda daw ako? san kaya banda yun? Hindi ko nga makita sa mukha sa dami ng pimples ko eh. Pero alam kong swerte ako kasi napapunta ako sa lovely family. Home sweet Home kumbaga. Una, nandyan si ate na sumusuporta sa pangangailangan ko in terms of schooling. Tapos si papa na kumakayod sa trabaho para sa araw-araw naming gastusin tapos si Mama na nag-aalaga tuwing may masakit sakin, alam niyo yun? Apat lang kami pero wala ng kulang na hahanapin. Okay, back to reality.


(Ngayon ang unang araw ng pasukan dito sa University. Excited akong makilala ang mga new persons to complete my year in school including new professors at syempre new crushie ko. Di ko kasi alam kug magiging kaklase ko si crushie Zandro. To be honest, hindi ko alam kung same kami ng course na kinuha. 'Di ko rin alam kung same kami ng University na pinasukan)


(Kringggggg!) Bell rings. Sign para pumunta sa field para sa sectioning at malaman ang location ng room na papasukan namin.


-Habang nag-aanounce ng sectioning, nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng field just to find my crushie but unfortunately hindi ko siya nakita kaya nagfocus na lang ulit ako sa pakikinig.


"And now, for the Bachelor of Science in Economics, your Professor's Mr. Kevin Zandro Ramos." ani ng announcer sa field.


"Hayst naku naman, bat same pang may Zandro sa pangalan?" pabulong na lamang akong nagsalita para hindi marinbig ng iba.


-Natapos na ang sectioning pero hindi ko nakita ang crushie ko. Sa ibang university na ba talaga pumasok yun? Or baka nag stop muna kasi walang pera, hahaha. Just Joking. Good thing is kasama ko ang bestfriend ko this semester.


"Bes, tara mag breaktime muna. Masyado kang focus dyan eh." saad sakin ng bestfriend ko kaya sumama na lang din ako.


"Ah bes, kilala mo ba yung crushie ko nung high school days natin?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway.


"Ha? Sino dun? Yung matangkad o yung pandak?" sagot nito sakin na ikinasimangot ko


"Bruha ka talaga. Syempre yung matangkad. Di'ba sayo yung pandak? Tsaka loyal ako noh, Stick to one kaya to." sagot ko sa kaniya na nagpahinto naman sa paglakad namin sa papuntang Cafeteria.


"Ah oo bes, si Zandro yun diba? yung chinito boy na nerd tapos bestfriend niya si Sean na crush ko na mayabang na kolokoy sa room? Oo bes, naaalala ko na." sagot nito sakin. Hindi talaga niya maalis sa usapan ang crush niya.


"Tama ka." Simpleng sagot ko sa kaniya.


"Teka, wag mong sabihing nam-" Hindi na siya nakapagsalita dahil tinakpan ko ang bibig niya.


"Oo na bes, miss ko na nga siya. Eh kasi naman may pakindat kindat pa siya sakin eh di nya naman pala ako type." ani ko na nagpagilid naman ng luha ko sa mga mata.


"Pero teka, alam mo ba kung anong university ang pinasukan niya?" hirit na tanong ko pa sa kanya


"Hay naku bes, estudyante lang ako. Hindi ako detective at investigator slash interviewer." pilosopong sagot nito sakin.


"Nasa simple at happy family na'ko tapos dagdag good vibes pa yung pananalita mo. Salamat ha." simpleng saad ko


"Ano ka ba bes? Syempre bestfriend kita eh. Basta pag need mo ng tulong or what, andito lang ako ha." ani niya


"Oo bes, salamat." Maikling sagot ko sabay ngiti."Naku pano ba yan? Baka nandun na next teacher natin sa room. Tara na at baka mapagalitan tayo, first day na first day pa naman hahaha." saad nito sabay hatak sakin pabalik sa room na nagtatawanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost PieceWhere stories live. Discover now