Kabanata 25

112K 3.1K 4.2K
                                    

***



"Lets... Let's have a date later after your class."



Lunch na namin pero iyong sinabi pa rin ni Zahira ang paulit-ulit na nagp-play sa isipan ko. Magd-date kami mamaya. Iniisip ko palang ang bagay na iyon ay kumakabog na ang dibdib ko. Iyon ang unang beses na magddate kami ni Zahira kung sakali, unang beses ko ring mararanasan ang bagay na iyon at sa kaniya pa. Halos lahat ng una ko ay sa kaniya nangyari.


"Oh my god! Seryoso?!"


Agad kong tinakpan ang bibig ni Pam dahil hindi na siya tumigil sa pagtili nang sabihin ko sa kaniyang may date kami ni Zahira mamaya. Kinikilig ang gaga at halos lahat na ngayon ay nakatingin na sa amin, curious kung anong pinag-uusapan namin ni Pam.

"Tangina! Teka lang," pinaypayan nito ang sarili niya gamit ang mga kamay niya. "Kinikilig ako, punyeta ka! Kaya pala ang blooming mo ngayon."

"Aray!" Reklamo ko rito nang paluin niya ako sa braso. "Manahimik ka na. Andyan na siya." Sambit ko at naupo na nang maayos nang pumasok na si Zahira.


"Good morning, ma'am." Everyone greeted.

Kagat ang ibang labing napatingin ako sa kaniya at naalala ko iyong nangyari sa amin kanina sa faculty. My heart skipped a beat. Napalunok din ako dahil hindi ko inaasahan iyon, ni hindi man lang sumagi sa isipan kong magagawa ko ang bagay na iyon.

Zahira looked at me, this time ay hindi na ako nag-iwas. Nakita ko ang pag-angat ng balikat niya saka siya tumikhim. Gaya ng dati ay nagpa-pre-test muna siya bago ang discussion na may recitation.


"May extra ballpen ka?" I asked Pam.

Hindi ko mahanap iyong ballpen ko. Sa tingin ko ay nahulog iyon kanina sa faculty. Kinakabahan na ako dahil nasa number one na kami at wala pa akong nasusulat.


"Ma'am, walang ballpen si Em-"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Pam pero huli na dahil nasa akin na muli ang atensyon ni Zahira, hindi lang atensyon niya kundi pati ang lahat ng kaklase ko.

"Use this," Zahira said at napalunok ako dahil siya pa mismo ang lumapit sa akin para ibigay sa akin ang ballpen niya na agad ko namang kinuha.

"Gusto ko nang humimlay! Ang haba ng hair mo, dai!" Bulong ni Pam sa akin, kinikilig na naman dahil sa pagpapahiram ni Zahira sa akin ng ballpen niya.

"Shut up, Pam. Sumagot ka na nga." Tinignan ko ang papel niya at hinila ko ang buhok nito dahil sa nakasulat doon.

Imbes na sagot ay pangalan namin ni Zahira ang naroon. Napahilamos na lang ako sa mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.


"Pre-test lang naman, hindi ito recorded. Isa pa ay si Ma'am Zahira ang magch-check, baka perfect ang score ko kapag nakita niya ito," kumindat-kindat pa siya.

"Nasisiraan ka na ba?"


"Malapit na." Humagikgik ito. "Eh 'di sana all may love life, 'di ba? Hampasin kita riyan. Hayaan mo na akong kiligin sa relasyon niyo. Iyon lang ata ang purpose ko sa buhay."

"Tanga, eh 'di maghanap ka." Bulong ko. Nagsusulat pa rin ako sa papel ko kahit hindi ko na maintindihan iyong tinatanong ni Zahira sa amin.


"Ayaw ko. Mas ayos na sa aking kiligin sa relasyon ng iba."


Hindi ko na sinagot pa si Pam dahil masyado nang seryoso si Zahira na nakatingin sa akin. Siguro'y napansin na niya ang kanina pa naming pag-uusap ni Pam.

Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon