CHAPTER 45

21.6K 783 204
                                    

Love Contract

"YOU actually don't need an excuse if you wish to enter my room," malanding bulong niya.

Kinilabutan ako. Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

"Na...Nagugutom na ako. Excuse me."

Marahan ko siyang itinulak saka nagmadaling lumabas. Halos liparin ko na ang pinto makalayo lang sa kanya. Bakit gano'n? Bakit parang hindi ko mapigilan ang sarili kong maakit sa kanya? Hindi ba dapat masama pa ang loob ko sa kanya?

"I thought you were hungry? Why are you still standing there?"

Napaangat ako ng tingin. Hindi ko napansing nakalabas na rin pala siya. Ipinagdaop ko ang mga palad ko.

"Uhm...kakain na nga."

Umiwas ako ng tingin saka naunang pumunta sa dining. Pansin ko ang pagsunod ng mga titig niya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious. Nakalimutan ko pa namang magsalamin kanina.

Nagulat ako nang mapansin kakaiba ang set up ngayon ng lamesa. May candlelight. Tapos may bulaklak. Mukhang dinner date ang peg.

"Do you like it?"

Napangiwi ako. Kailan niya pa ito hinanda? Hindi ko kasi napansin kanina.

Tumikhim ako. "Maganda, pero hindi naman kailangan may paganito."

"You refused to dine with me outside. So, I could only improvise an indoor dinner date."

Napaiwas ako ng tingin. Inalalayan niya akong maupo. Nakonsensya tuloy ako bigla. Hindi kaya masyado na akong hard sa kanya?

"I don't know how else I can show my sincerity, but I will keep chasing you until you forgive me," seryosong untag niya.

Napalunok ako. Bigla akong nahiya. Kung tutuusin pareho kaming may kasalanan sa isa't isa. Kaya lang parang naumid bigla ang dila ko kaya hanggang tango at tipid na ngiti lang ang naitugon ko.

Pinagsilbihan pa niya ako. Naisip ko bigla na ang dami niya palang ginawa para sa 'kin pero masyado kong pinalalim ang isang pagkakamali niya.

"Nakakain na si Bambi," untag niya nang mapansin niyang nagtatabi ako ng pagkain.

Napatigil naman ako. "Sa...Salamat."

"You don't have to. It's my responsibility to take care of her... and her master."

Sinupil ko ang ngiti ko. Wala na. Nakakatunaw kasi ang mga titig niya. Nagpatay-malisya lang ako at saka itinuloy ang pagkain.

"Uhm, totoo bang hindi na puwedeng pumunta rito si...si Shelley?" pag-iiba ko ng usapan.

Saglit siyang napatigil at sinalubong ang mga mata ko.

"She had caused too much trouble. She deserves it. Banning her is my kindest offer." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kitten, I can go to the great lengths to protect you."

Tipid akong ngumiti.

Binawi ko ang kamay ko saka tumayo. "Ako na ang magliligpit."

"No, leave it to me."

"Hindi. Ako na. Hindi puwedeng ikaw na lang palagi."

"But-"

"Simula ngayon ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin. Kailangan nating hatiin ang gawaing bahay para hindi tayo mahihirapan."

"I can do all of these-"

"Hindi. Ayaw kong umasa sa 'yo palagi. At saka, simpleng gawain lang 'to. Makokonsensya ako kung wala man lang akong ginagawa."

Against the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon