Kabanata 26

89.1K 2.8K 2.5K
                                    

***







"Where do you want to go after this?"




Inubos ko ang kaunting laman ng wine glass ko bago sumagot kay Zahira. "Hmm, it's already nine, maybe we should go home after this... magpaquiz ka na naman kasi bukas, baka hindi ako makapagreview kapag mas late pa tayo umuwi." Sambit ko at hindi siya tinignan dahil sa sinabi ko.



We're done eating. Inuubos lang naming iyong laman ng baso namin. Nakapagbayad na rin naman si Zahira at maya't maya ay aalis na kami kaya tinatanong niya ako kung saan kami pupunta pagkatapos nito.




"Let's go so you still have time to study later. Malapit na rin ang finals niyo."




Ngumuso ako. Bakit ba kasi niya ako niyayang makipagdate? Eh 'di sana nag-aral na lang pala ako? I rolled my eyes and followed her when she stood up. Nabusog ako sa kinain namin pati na rin sa wine na ininom namin. Nabusog din ang mga mata ko sa ganda ng view ng restaurant. Kung pwede lang ay aaraw-arawin ko ang pagpunta rito.



"You can sleep in my room."



Bubuksan ko na sana ang pintuan ng room ko nang matigilan ako dahil sa sinabi ni Zahira. Napalunok ako at muli ko siyang nilingon. Hawak nito ang doorknob ng pintuan niya at nabuksan na rin niya ito.




"I'll just take a shower." Sambit ko at pumasok na sa kwarto ko.




Kauuwi lang namin ni Zahira. Maayos naman ang naging date namin. Walang tawanan na nangyari hindi gaya sa ibang nagd-date na naroon, puno sila ng kwentuhan. Siguro dahil first date namin iyon. But the thought na nagdate kami ni Zahira ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin kahit bukas ay may quiz na naman kami sa kaniya.



Nang matapos akong magshower at makapagpalit ay kinuha ko ang isang libro ko sa accounting at isang highlighter, dadalhin ko iyon sa room ni Zahira dahil napagdesisyonan kong doon ako magrereview at matutulog.


I knocked on her door but she didn't answer so I decided to open it at pumasok na lang sa loob. Sa tingin ko ay nagsh-shower pa siya pero nang mailapag ko ang book ko sa bed niya ay lumabas na siya sa shower room. Tuyo na ang buhok niya and she's already wearing her pajamas. Napatingin ako sa study table niya, naroon ang nagkalat na papers at nakabukas na laptop.



"You want coffee?" I asked her.



"Later," tipid niyang sagot. "You can review here on my table." Tuloy niya.


"Dito na lang ako sa bed," I yawned, inaantok na ako. "Anong gagawin mo?"



"Gagawa ako ng questionnaires for your final exam. You review, Ember."



Sumampa ako sa bed at sumandal sa headboard saka binuksan ang libro. "I'm sleepy," reklamo ko pero sinubukan ko pa ring magbasa.



It's already 11, mag-iisang oras na ako sa page 143 pero hindi pa rin iyon pumapasok sa isipan ko. It's like reading Zahira's expression—na kahit ilang oras ko siyang tititigan ay hindi ko pa rin ito maintindihan. Muli ko siyang tinignan, she's so busy typing on her laptop, nagsusulat din siya at todo buklat sa mga papel na nasa ibabaw ng table niya. Jeez, bakit ang sexy niya habang nag-aaral? Naalala ko iyong profile picture niya sa instagram niya, nag-aaral siya roon. Sino kayang kumuha sa picture niyang iyon?




"Review, September. Wala sa mukha ko ang quiz niyo bukas at exam niyo next week. I know that I am beautiful but please riyan ka muna magfocus sa pagrereview. But if you're sleepy na then go and sleep." She said, sobrang seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon