Chapter 14

27 1 0
                                    

Nanatili akong nakatingin sa mga mata ng haring nasa harap ko, naguguluhan pa rin sa mga pinagsasabi niya nang bigla niya na lamang akong talikuran at dumiretso sa bintana. 

I can sense the sincerity in his eyes earlier but I can't just believe anything that he say. Lalo na at pulos paninira iyon patungkol sa Magus Empire. Wala akong ideya sa koneksyon ng emperyong ito kay Haizea, oo. Ngunit alam kong hindi nagsisinungaling si Haring Astaseul sa akin. 

Ilang araw pa lang ako sa mundong ito pero sa hindi malamang dahilan ay buo na ang tiwala ko sa kanilang magkapatid. King Astaseul and Lorcan will never lie to me and I can attest to that.

Mayamaya pa ay muling bumaling sa akin ang hari kaya agad ding nawala ang aking atensyon sa mga iniisip ko. 

"Hindi ko sila sa 'yo sinisiraan but the fact that the king itself sent you here without knowing anything confused me. They know that I will always have that soft spot for Haizea kaya ikaw ang pinadala nila rito. Clever, huh?" he said flashing a sweet yet dejected smile for me. 

I gulped. Hindi malaman ang tamang gagawin nang umiwas na naman siya ng tingin sa akin na para bang may naaalala siya sa tuwing sumusulyap sa mga mata ko.

Si Haizea ba iyon? Dahil ba magkapareho ang kulay ng mata namin? Pero bakit? Hindi ba't si Haizea ang tumapos ng digmaan sa pagitan ng dalawang emperyo? Anong pagtataksil ang ibig niyang sabihin?

If Haizea betrayed them, how did that happen? Ang kwento sa akin ni Haring Astaseul ay noon pa sila magkakilala ni Haizea kaya paniguradong taga Magus Empire rin siya.

What the hell? Am I missing something here?

"How did she betray you?" 

Sa wakas ay may lumabas din sa bibig ko. Walang imik siyang umiling bago bumalik sa pagkakaupo tuloy ay magkaharap na naman kami. Kalmado naman ang puso at isip ko pero hindi ko lang talaga maiwasang maguluhan sa mga sinasabi niya.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin kaya ako na mismo ang nagdesisyong bumasag no'n. "Anong koneksyon ang mayroon kayo ni Haizea?" tanong ko ulit na mukhang hindi niya naman pinagtutuunan ng pansin dahil sa ibang bagay naka pokus ang mga mata niya. Sa kwintas. 

Wala sa sarili akong nagbaba ng tingin doon at kusang kumilos ang isang kamay ko upang ipailalim iyon sa damit na suot ko. As if this piece of cloth will protect the necklace from anyone. Napairap ako sa sarili.

"Silly, girl. You really think I'll steal that necklace of yours? Ni hindi pumasok sa isip ko kahit kailan ang bagay na iyan, Astraea," seryosong ani niya nang mag-angat ng tingin sa akin. 

"Bakit hindi? Diba nga ay matagal niyo na itong hinahanap?" usal ko saka mahinang natawa.

Sigurado ako sa narinig ko kanina sa usapan nila ni Penelope kaya hindi niya pwedeng itanggi na hindi sila isa sa interesado sa kwintas na ito.

They can't fool me.

Not Astraea Fauna Escobar.

Not the holder of this precious stone. Not me. 

Ngayon ay siya naman ang tumatawa sa akin na agad nagpaangat ng kilay ko sa inis. It's pissing me off, tunog nang-aasar ang tawa niyang iyon kapareho ng kay Atticus kanina. Isa pa iyon!

"Matagal ko ng hinahanap, oo. Gusto ko lang ulit masulyapan ito pero hindi ko iniisip na agawin iyan sa 'yo, Astraea. Ganoon ba talaga kasama ang tingin mo sa emperyong ito?" 

"Ulit?" kuryosong tanong ko at hindi na pinansin ang nahuli niyang sinabi. 

He nodded. 

"I won't entertain any questions now, Astraea. You can go home," sabay ngiti niya sa akin. It was a genuine one, bagay na pinagtataka ko dahil parang ang bait niya naman ata sa akin. 

NEXUS SERIES #2: Holder of the Precious Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon