Chapter 11

1.2K 55 2
                                    

"LUDO POV"

Namumulang umiwas ako nang tingin sa kanya.

"No!, I will not leave until you agree to sell your land!."seryoso niyang pahayag.

"Kahit anong gawin mo hindi mo ako mapapayag mister!."

Nakangisi itong tumingin kay ina.

Nakakakilabot ang uri nang kanyang mga titig.

"Then I will kill you!."at may dinukot siya sa kanyang likuran.

Isang uri nang baril at tinutok niya ito sa noo nang aking ina.

Sa sobrang takot ay dali-dali akong lumapit kay ina at yinakap ito ng sobrang higpit,naluluha akong napatitig sa lalaking may abong mga mata.

"P-pakiusap mister wag mong saktan ang aking ina...."
umiiyak kong pakiusap sa kanya.

Mariin itong nakatingin sa akin,walang anumang makikitang emosyon sa kanyang mukha.

Ang aking ina ay natulala sa ginawa ng lalaking may abong mga mata .

Si letlet at aling marta ay nasa isang sulok at tahimik na umiiyak.

Ang asong si art arf ay patuloy pa rin sa pagtahol.

"I'll give you one more day!."pagkasabi niya 'yon walang lingon siyang umalis.

Napaupo na lamang si ina sa sahig.

Lali-daling namang lumapit ang mag-ina sa amin.

"Sa tingin ko'kailangan mo nang ibenta ang inyong lupa kristina,kita mo naman ang itsura nang lalaking 'yon mukha siyang nakakatakot."pahayag niya kay ina.

Makikita mo ang takot sa mga mata ni aling marta habang nagsasalita ito.

"W-wala naba talagang ibang paraan,napamahal na sa akin ang lugar na ito.
Kaya napakahirap para sa akin ang bitawan ito..."maluha-luhang sambit ni ina.

Kung may magagawa lang ako para matulungan si ina,gagawin ko kahit ano pa iyon at kahit gaano kahirap.

Tahimik naming ipinag patuloy ang naudlot na pagkain.

Walang sino man sa amin ang naglakas loob na magsalita.

Habang kumakain ay tahimik akong nag-iisip nang paraan para makatulong kay ina.

Kailangan kong makausap ang lalaking may abong mga mata.

Alam ko kung sino ang makakatulong sa akin.







----------

Sumapit ang hating-gabi ngunit hindi parin ako madalaw-dalaw ng antok.

Iniisip ko parin ang mga kaganapan kanina.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap ko ang lalaking may abong mga mata.

Baka mabago ko pa ang kanyang isip.

Nakakatakot ang naging eksena kanina.

Pero hindi ko paring maiwasan humanga sa kanya.

Siguradong makukurot ako ni ina kapag nalaman niyang humahanga ako sa lalaking 'yon.

Sa sobrang lalim nang aking iniisip ay nakatulugan ko na ito.



































Please vote ❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon