Chapter 28

53.1K 2.1K 1.2K
                                    

Experience




Hindi nawala ang ngiti sa labi ko, nakita ko din kung paanong ang naka-simangot na mukha ni Hunter kanina ay mas lalong nalukot. Hindi ko na ulit siya binigyan pa ng pansin. Mabuti na lamang din at ang mga sumunod na tanong ng ibang kasama ay tungkol na sa trabaho.

I can't share more about my babies. Hindi ko naman sila itatanggi, never ko silang itatanggi. But I feel like...someone in the room doesn't deserve more information about them.

Nag-procede ang meeting after the break. Pansin ng lahat ang pagiging masungit ni Hunter. Halos kalabanin niya ang lahat ng suggestions ng mga kasama namin.

"What about...let's try to vote about it?" suggestion ng isa sa kanina pa niya kadiskusyon.

Sumang-ayon ang lahat. Lahat ng sang-ayon sa suggestion niya ay mag-taas daw ng kamay. Gumala ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto ng isa-isa silang na-taas, ang botong 'to ay salungat sa gusto ni Hunter.

Nag-taas ako ng kamay. This vote is not something personal...I believe in the decision of the majority.

Naramdaman ko ang pag-lingon ni Hunter sa akin, halos ako kasi ang huling nag-taas ng kamay. Hindi ko sinuklian 'yon. Not everything is about him, for goodness's sake!

"Thank you for today everyone," sabi ng isa sa mga kasama naming pagkatapos ng meeting.

Tumayo na din ako para ayusin ang mga gamit ko. Mabilis kong iniligpit ang dala kong ipad para hindi na ulit ako ma-iwan sa loob ng conference room.

"Yung mga may proposal...bring it to my office," seryosong sabi ni Hunter.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kasabay nang paglingon ng katabi kong si Engr. Fontillian. Sa kanilang dalawa ay ang lingon ni Engr. Fontillian ang in-acknowledge ko.

"Ipasa mo na," nakangiting sabi niya sa akin.

I smiled back. No way!

"Next time," sagot ko sa kanya. Sapat lang ang lakas no'n para sa aming dalawa.

Naglakad na ako palabas ng conference room, napansin ko pa ang pananatili ng upo ni Hunter sa kinauupuan niya na para bang may hinihintay siya.

Saktong paglabas ko ng conference room ay nakita ko message mula kay Mommy. Tinatanong niya kung pwede niya akong tawagan. Ako na ang nag-video chat sa kanya.

"Mommy..." tawag ko pagkasagot niya ng tawag ko.

Iyak kaagad ni Hartemis ang narinig ko kaya naman nawala ang isip ko sa paligid ko, naka-tuon lahat 'yon sa umiiyak kong baby.

"Kanina pa umiiyak," mommy said kaya naman bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.

Rinig na rinig ang iyak niya. Nasasaktan ako habang naririnig ko 'yon. Gusto kong tumakbo kaagad pauwi para kargahin at halikan siya.

"Hartemis..." malambing na tawag ko.

"Baby, Mommy's here..." dugtong ko pa.

Inilapit ni Mommy ang phone sa kanya para marinig ako. Malambing kong kina-usap ang baby ko. Napangiti ako ng dahan dahan siyang tumahan.

"I told you. She just missed her mom," sabi ni Mommy kay Ate let sa kabilang linya.

Para bang kanina pa sila nag-iisip ng rason kung bakit umiiyak ang baby ko.

"I love you. I miss you too..." malambing na sabi ko pa, pa-ulit-ulit.

Gustuhin ko mang umuwi ay may kailangan pa akong tapusin na trabaho. I promised my self before na uunahin ko si Hartemis above anything else, pero kailangan ko ding tatagan ang loob ko. I'm doing this for her. I'm working for her...hindi pwedeng mahina ang loob.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon