Chapter 16

3.1K 250 41
                                    

Hindi ko makuha ang mga nangyayari. Hating gabi na pero nandito parin ang team nila Raphael. Kausap rin ni mommy at daddy ang papa ni Raphael, si Tito Marco sa cellphone, tinawagan ni tito Marco.

Nakakaramdam na ako ng antok pero dahil ramdam ko na masama ang sitwasyon namin ngayon ay hindi na ako makatulog.

Umuupo ako sa sofa at nag iisa. No ones tell me kung ano namin si Elizabeth. Bakit siya may galit kay dad.

Seryoso silang nag uusap ng sumulyap si Raphael sakin. Kalaunan ay nilapitan niya ako.

I don't know how he can manage all of his responsibilities.  Si Ysmael ay masyadong pribadong tao kaya walang nakakaalam kung ano ang passion nito sa buhay. Si Raphael naman ay masyadong hinahabol ng spotlight sa showbiz pero lahat ng kanyang galaw ay pribado. Pwera nalang sa anak ng presidente na once raw sila nagkasama noon ni Raphael sa isang cruise ship.

Pinangangalandakan nito na nagdate kuno sila doon, which is walang komento si Raphael doon.

I heard about it on the news.

Nangunot ang noo ko ng umuklo siya para mag abot ang titig naming dalawa. His hands cage me.

"You can sleep now. My team is here."

Umiwas ako ng masulyapan ang papa niyang nakatitig samin.

Pero hindi ako nagpatinag. Humalukipkip ako habang kinukulong ni Raphael sa sofa na inuupuan ko.

"Tell me. Who's Elizabeth? Kung alam mo ang tungkol dito you better tell me."

Nagtitigan kaming dalawa. Fuck it! Bakit sobrang guwapo niya? Nang hindi ko matiis ay napunta ang tingin ko sa papa niyang seryosong nakikipag usap sa mga tauhan nila. Mukhang hindi nagkaka edad at kamukhang kamukha ni Raphael. The body, the features and mostly expressions. Siguro si Ysmael may nakuha pa kay tita Isabella, ang mga matang mukhang anghel,and the rest ,kay tito Marco na.

Mukhang narinig iyon ni Nathan kaya lumapit siya sa amin.

Tinaasan ko siya ng kilay, tila nanunumbat. He knows.

"Can you explain this Nathan?" gumaralgal ang boses ko. Umayos ng pagkakatayo si Raphael at bumuntong hininga.

"Princess, Oo na. Alam ko ito. Dad told me about this pero hindi ko iniisip na lalala ito ng ganito. It's been decades? Pero hindi parin siya maka move on kay Dad."

Huh? "So, Tama ang hinuha ko? She's dad's ex?"

" Ex-fiancee." Pagtatama ni Nathan.

"What the f-" tumitig ako bigla kay tito Marco na nakanguso at may nililist down na sitwasyon. Alam ko na nakikinig siya, ganoon rin si Raphael. Kailangan ko na yatang pigilan ang sarili ko lalo na pagdating sa proper manners.

"-h-heck?" shit. Bakit pakiramdam ko nagpapa good shot ako para sa papa ni Raphael? Damn no!

Umiwas ako at inisip ito.

Habang nag iisip ay sinasabi sakin ni Nathan lahat. Na dapat si daddy noon ay papakasal kay Eli pero nakilala ni Dad si mommy. Dapat kasi sana ay merging ng company ng mga Lee at Montemayor ito noon kaso umurong si dad at nagkaproblema kaya siya gumawa ng paraan abroad.

Nathan also told me that minsan na pinagtangkaang patayin ni Eli si mommy at iyon ang balak niya ulit ngayon!

Shit! Mommy is pregnant! Nasa panganib ang buhay niya! Ang problema namin ay lalong lumala ngayon.

"Nathan, mom's pregnant. H-Hindi dapat ganito." sabi ko sa mahinanh boses.

Hirap na hirap rin si Nathan sa pag iisip .

Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now