3•3 - Not Just a House

353 24 8
                                    

3 - Not Just a House



"Kali, walang humahabol sa inyo."



Litong-litong nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang apat. Hinihintay kong may magsabi sa kanila na joke lang 'yon pero ilang segundo na ang lumipas at nanatili silang seryoso. "A-Anong wala? May—"



"Nakita mo na rin?!"



My words were cut by Joaquin's loud voice. Napalingon kami sa kaniya at para bang tuwang-tuwa siya habang nakaharap kay Tyler. Kaharap din nila sina Maco, Yoel, at Herbert na pare-pareho namang mukhang nalilito.



"Sabi sa inyo hindi ako nababaliw eh!"



Napakunot ang noo ko dahil sa huling sinabi ni Joaquin. Hindi ko na kinailangang magtanong nang ipaliwanag ni Gia ang nangyayari.



"Kanina pa sinasabi niyang pinsan mo na may white lady raw na may mahabang buhok, eh wala naman kaming nakikita." Huminga siya nang malalim. "Sabi rin ni Yoel, may third eye daw siya, pero wala rin siyang nakikita."



"Takbo lang kami nang takbo, Ate Kali, kasi nananakot si Kuya Joaquin," nakasimangot na sumbong ni Wynn. Pareho sila ni Jing na mukhang takot na takot.



Napalunok ako. "P-Pero, nakita ko rin..."



"Nakita rin ni Tyler! Sabi sa inyo eh, ayaw n'yong maniwala!" Nangibabaw nanaman ang boses ni Joaquin sa buong kwarto. Sasawayin ko sana siya nang bigla niyang sabunutan ang sarili niya. Bigla na lang siyang mukhang takot na takot. "Pero puta bakit si Sadako pa? Takot ako ro'n eh. Ilang gabi akong di pinatulog n'ong movie na 'yon dati eh. Pa'no kung lumabas siya bigla diyan sa—"



"Joaquin!" I called him. Hindi ako sumigaw, pero madiin ang pagkakasabi ko sa pangalan niya. Hinintay kong tumingin siya sa 'kin at pinandilatan ko siya. "Tinatakot mo sina Jing at Wynn."



"Eh nakakatakot naman talaga, 'di ba? White lady 'yon na may sobrang habang buhok. 'Di ka ba natakot?"



Napakurap-kurap ako. Hindi ako natakot, Joaquin. Sobrang natakot lang. Pero hindi makakatulong kung sasabihin ko 'yon.



Huminga ako nang malalim. "Hindi totoo ang mga multo."



Napabuga ng hangin si Joaquin. Nakabuka na ang mga labi niya at mukhang handa nang kontrahin ang sinabi ko nang bigla siyang natigilan. Napakunot ang noo ko nang manlaki ang mga mata niyang tumatagos na ang tingin sa 'kin. Para bang may kung ano sa likuran ko na tumatakot sa kaniya.



"Joaquin," I called him again in gritted teeth. If he's trying to prank me, it's not funny.



"Kuya Joaquin naman eh!" pag-angal din ni Jing na napayakap na sa kuya niya. Si Wynn naman ay napakapit na rin kay Gia.



"Joaquin, ano ba!" Napasigaw na ako. "Tumigil ka nga—"



I froze.



It was the same cold air on my nape.



Doon ko lang napansin na hindi lang si Joaquin. Pati sina Tyler, Maco, Herbert, at Yoel, nanlalaki na rin ang mga mata habang nakatingin sa kung ano man ang nasa likuran namin nina Gia, Wynn, Jero, at Jing.



Nanginginig ang mga kamay ko no'ng dahan-dahan akong lumingon. Pero bago ko pa tuluyang makita ang tumatakot sa kanilang lima, hinila na ako ni Tyler. Tumakbo kaming lahat palabas ng kwartong 'yon.



Sunod lang kami nang sunod kay Joaquin na nangunguna sa pagtakbo. Parang siya ang pinakatakot sa 'ming lahat. Nilingon ko ang dahilan ng pagtakbo namin at para bang himalang bumilis ang mga paa ko.



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon