3•4 - Our Father

357 25 2
                                    

4 - Our Father



"Kailangan na nating umalis dito."



Tyler looked so serious and so determined when he said that, as if he's not the one bleeding among us all. My eyes were just following his every move when he suddenly looked at me. "Tumayo ka na."



Parang nagising ulit ang diwa ko dahil sa tono niya. Ano ba talagang problema niya sa 'kin? "Wait, pa'no si Joaquin? Humingi tayo ng tulong—"



"Kali, wala na ang pinsan mo—"



"Alam ko!" Puwede namang hindi ako sumigaw, pero hindi na talaga ako natutuwa sa ibang pakikitungo niya sa 'kin. Pare-pareho naman kaming hindi alam ang nangyayari. "Ano, iiwan na lang ba natin siya ro'n?! Nang gano'n?!"



"Kali." Seryoso rin ang ekspresyon ni Jero noong tumayo siya sa pagitan namin. Nilingon niya rin si Tyler. "Pre."



Sabay kaming napabuntong-hininga at nag-iwas na lang ng tingin. Wala akong idea sa nangyayari sa 'ming dalawa.



"Pero, hindi nga ba tayo tatawag ng pulis?" tanong ni Yoel.



"Ano'ng sasabihin natin?" tanong din ni Maco pabalik. "May white lady po na itinulak 'yong kasama namin sa bintana? Sa tingin mo, may maniniwala sa 'tin?"



Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Paano nga namin 'to sasabihin sa mga pulis? Paano ko 'to sasabihin sa mama ni Joaquin? Papaniwalaan ba nila kami? Papaniwalaan ba nila ako?



"Tara na, bago pa ulit may lumitaw na multo—"



"Hindi totoo ang mga multo!" Akala ko kalmado na 'ko, pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mapasigaw kay Herbert. Pati ako, nagulat. "S-Sorry—"



"'Di ba, nakita naman nating lahat?" parang natatakot na katwiran niya. "Pinatay nga si Joaquin eh—"



"Hindi 'yon multo," putol ko sa sinasabi niya. Tumalikod na rin ako kaagad at lumapit kay Gia na tinutulungan si Wynn na alalayang tumayo si Jing.



"Okay ka lang?" tanong niya kaagad sa 'kin. Tumango lang ako.



Pinasan ulit ni Jero ang kapatid niyang napilayan yata. Lumabas kaming lahat sa hallway na 'yon at napatigil nanaman.



"I-Ito ba 'yong dinaanan natin kanina?" rinig kong tanong ni Yoel mula sa likuran namin. "Bakit parang—"



"Nag-iba," sabi ni Maco na para bang siguradong-sigurado siya.



Ako rin. Alam kong hindi 'yon ang dinaanan namin. Pero paanong magbabago nang ganoon kabilis ang hitsura ng hallway?



"Bahay yata ng lagim 'to, humingi na tayo ng tulong!" kinikilabutan na sabi ni Herbert. "Nasa'n ba kasi 'yong mga bag natin?"



"'Yong lalaking sumundo sa 'kin kanina..." Ramdam kong tumingin silang lahat sa 'kin noong nagsalita ako. "Si Theo, tinawag niya 'tong Scarper House."



"Scarper?" pag-uulit ni Gia. "Wait, hindi ba 'to ang bahay ni Sir Emiliano?"



"Ba't pa tayo naglinis?" parang frustrated na tanong naman ni Herbert.



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon