Chapter 12 "Hall Monitor (part 1)"

133K 4.5K 1K
                                    

a/n:Dedicated to NaiiveLeviie.Hope you like it.:)



Saisumi's POV

Naglalakad ako sa corridor habang nagbabasa ng isang libro na hindi masyadong makapal.Pinadala ni Mom ang librong to.Sabi nya basahin ko daw para madagdagan ang kaalaman ko tungkol sa S.O.

Mabagal lang ang paglakad ko.Nakapamulsa ang kaliwang kamay ko at ang kanan ang pinanghahawak ko sa libro.

Sabi dito...if you're already a part of Strike Organization,no matter—

*Boogsh!*

Napaatras ako ng biglang may bumunggo sakin.Hindi naman ganun kalakas ang pagkakabunggo nya pero tumumba yung nakabunggo ko.

Isa syang babae na akala mo,hindi kilala ang suklay.May dala syang kahon na kumalat ang laman sa sahig.Puro yun pang decoration.

"A-ah.Sorry.Nagmamadali kasi ako."

Sabi nya.Nagsimula na syang ibalik sa kahon yung mga gamit na kumalat sa sahig.

Isinara ko ang librong binabasa ko at tinulungan sya sa pagpupulot.

"Para saan tong mga to?"-Ako

Tinignan nya ako na parang nagsabi ako ng isang napakalaking joke.Geez.....Parang nakakapikon yung tingin na yun ha?

"S-seryoso ka?Hindi mo alam?"

"Hindi ako magtatanong kung alam ko."

Napakamot sya sa ulo dahil sa sinabi ko.She don't have enough commonsense.Ridiculous.Tss.

"Ah...eh...para to sa Grimson Festival next week."

Grimson.....festival?

Ngayong buwan na ba yun?Bakit hindi ko alam? *shrug*Sa bagay,hindi naman kasi ako nakikinig kapag may nag-a-announce samin.

"Ahm...mauna na ako.Kailangan na kasi to sa auditorium."

Tinulungan ko syang tumayo tsaka ako tumango.Sabay kaming naglakad papunta sa magkabilang direksyon.

Pagkadating ko sa pinto ng room namin, agad akong napahinto dahil sa mga kaklase kong naririnig kong nagkakagulo sa loob.

Papasok pa ba ako? Para kasing may mga nakawalang hayop sa loob ng classroom namin.

"Sai?Anong ginagawa mo dyan? "

Agad akong napalingon sa likod ko. Sigurado akong si Louie ang nagsalita.

"May klase ba? "

Tanong ko sa kanya pagkalingon ko.

"Hm... ang alam ko, walang lessons or lectures ngayon pero kailangan nating pumasok dahil pag-uusapan ang booth natin para sa Grimson Festival. "

"Tss.Yun lang pala. Hindi na ako papasok. "

Maglalakad na sana ako paalis pero bigla nya akong hinawakan sa kanang braso.

"Nope. You can't leave yet, Sai. Sabi ni Liryu, siguraduhin kong makikipag-participate ka ngayon. "

"At bakit naman? "

"Para daw magkaroon ka ng dahilang pumunta sa Grimson Festival. Nung nakaraang taon daw kasi, para kang nang-iwan sa ere. "

"Hay...! Ayoko! Papagurin lang ako ng lintik na Festival na yan. "

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon