Devin Francisco 11

653 63 4
                                    

Mayroon nga talagang balat sa puwet si Biskwit. Literal.

Habang kami ay papunta na sa bahay ng nanay ko't nasa kalagitnaan ng National Highway, bigla na lamang may sumalpok na tricycle sa likod ng oto ko. Rinig na rinig ko pa kung paano iyon kumaskas sa may rear bumper ko.

Naaberya pa nga ang pamilyang Pransisko.

Siyempre, bumaba muna ako para kausapin 'yong drayber ng tricycle at para tingnan kung gaano ba kalaki ang damage na ginawa niya kay Because.

Hindi naman ako na-high blood pero medyo naging brusko ang boses ko dahil niyabangan pa ako n'ong drayber imbis na humingi ng pasensya.

Wala naman daw gaanong gasgas 'yong rear bumper ko. Kakamot-kamot pa siya sa batok niya.

Wala ngang masyadong gasgas pero yupi, mayroon. Ang laki pa nga, eh.

Napahinga ako nang malalim habang nagpipigil na huwag lumabas ang pagiging siga ko. Dapat kalmado lang para hindi ako mag-trending sa social media.

Marami kasing nakikiusyoso sa paligid kaya dapat cool as fuck pa rin ako. Uso pa man din 'yong bini-bidyohan ang aberya sa daan o komprontasyon ng mga tao kaya napadasal na lang ako kay Bossing.

Kunin N'yo na lang po 'tong si Manong.

Dyowk lang.

Dahil hindi naman ako masamang tao, hindi ko na lang siningil si Kuyang drayber. Iyong kinikita niya sa pagpapasada ay sapat na siguro para sa kaniyang pamilya o sakto na rin para sa sarili.

Pinagsabihan ko na lang siyang mag-ingat-ingat sa pagmamaneho dahil kung ibang tao ang naaberya niya, baka i-report pa siya sa pulis.

Sinabi ko ring may bata kaming kasama sa loob ng oto. May pusa pa kaming umaasa sa amin. Mabuti na nga lang at hindi malakas ang impact ng pagkakabunggo niya sa amin.

Kasi kung nagkataon, makikipagbakbakan talaga ako sa kaniya.

"Daddy? Okay ka lang?" masuyong tanong ng asawa ko habang hinihimas-himas ang braso ko.

Nakatutok ang atensyon ko sa daan pero saglit ko siyang tinapunan ng tingin para bigyan ng isang ngiting aso.

Kahahatid lang namin kina Biskwit at Pusa kina Mameh at kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang Tagaytay. Diyahe nga dahil naubos ang treinta minutos ko kay Manong kanina.

Nandoon na sana kami ngayon sa Villa Ibarra.

Medyo nawala tuloy ako sa wisyo. Sobrang maingat kasi ako sa oto. Ayaw na ayaw kong nagagasgasan o narurumihan 'to kahit kaunti.

Alagang car wash at wax ito. Ako pa mismo ang gumagawa n'on dahil ayaw kong ipagkatiwala sa iba.

Isa pa, 'di bale kung kotseng kuba ang nabangga ni Kuya kanina, eh.

Bakit naman itong BMW sedan dan pa?

Huminga ako nang malalim. Sumipol pa ng maraming beses bago ko inabot ang kamay ni Aurea pero dahil nakatingin nga ako sa kalsada, iba ang nakapa ko.

"Ay, sorry," pa-inosente kong sabi habang nagpipigil mapangisi.

Ang init n'ong nakapa ko, eh. Ang ikli ba naman nitong suot ng misis ko kaya pinadali na naman niya ang buhay ko. Madali ko siyang mamamanyak sa ganitong puwestuhan.

Humagikhik si buntis bago isinandal ang ulo sa may balikat ko. Pinagsiklop pa niya 'yong mga kamay namin.

"Happy dapat today, 'di ba? Smile ka na for me, please?" pakiusap niya, nagboses bata pa.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon