7

4.4K 124 21
                                    


KAHAPON lang kayo nagkakilala ng Jared na iyon," nakasimangot na sabi ni Christian nang sumungaw ito sa dining room habang abala si Serena sa paggagayak ng mesa.Bigla itong nahinto sa paghakbang nang matitigan siya. May isang saglit na gumuhit sa mga mata nito ang paghanga, na marahil ay hindi naman talaga nakita ni Serena dahil nahalinhan iyon ng iritasyon.


"Bakit kailangang anyayahan mo siyang maghapunan dito sa atin?" patuloy nito, tiningnan ang pagkakaayos ng mesa.


She licked the sauce on her finger. Pagkatapos ay nginitian ang kapatid at isa-isang inilagay ang linen napkin sa ibabaw ng pinggan.


"We are neighbors, Christian. At natural lamang na makilala natin ang pinakamalapit nating kapitbahay. Pareho tayong ngayon lang muli nagbalik dito sa asyenda."


May ilang sandali ang pinalipas nito bago nagsalita. "Hindi ko gusto ang lalaking iyon. Mukhang mayabang."


Umangat ang kilay niya sa sinabi nito. Mayabang? Iyon ba ang assessment ni Christian dito? Was it because Jared seemed to be so sure of himself?


Sandaling gumitaw sa isip niya ang anyo ni Jared Atienza. Tall, dark, and ridiculously handsome. Jared was very male. Devastatingly so. Squared jaw, dark, and penetrating eyes. At may katawan na tila lumabas mula sa mga pahina ng GQ.


"We also invited his grandmother," wika niya. Sinuyod ng tingin ang pagkakaayos ng mesa. She smiled with satisfaction.


"Bakit kailangang gamitin natin ang dining room na ito?" Inikot nito ang tingin sa malaki at maluwang na silid at sa mesang para sa labindalawa-katao.


May maganda at antigong aranya na nakatanglaw sa antigong mesang kainan. Ang makintab na mga upuan ay upholstered at tulad ng edges ng mesa, may mga elaborate carvings. At may apat na putahe ang ipinaluto ni Serena kay Tiya Adel at sa nag-iisang katulong na natira sa Villa Manzanares.


"Pang-animan ang mesa sa dining room malapit sa kusina, bakit hindi doon? Napakarangya ng hapunang ito, Serena. Mula nang dumating ako'y ngayon lang kayo nagluto ng apat na putahe," he said sulkily.


Masuyong tinapik niya sa balikat ang kapatid. "Bihira tayong magkabisita, Christian. At hindi ordinaryong tao ang mga Atienza. Nararapat lamang ang ginagawa naming paghahanda ni Tiya Adel. Isang pagtanaw ng utang-na-loob dahil sa pagkakaligtas ni Jared sa akin."


"Ginawa mong malaking bagay ang pagkakaligtas sa iyo ng lalaking iyon," pasimangot nitong sabi. "Kahit sino'y magagawa iyon sa iyo, Serena. Magagawa ko iyon kung hindi lang patpatin ang kabayong ipinapagamit mo sa akin."


She smiled at him lovingly. Naalala niya ang batang Christian na lagi na'y gusto siyang protektahan. "Of course, I know you could have saved me. Don't let us talk about the incident anymore. Now, go up and change. They will be here any moment now."


Marahas nitong pinalis ang kamay niya na nasa balikat nito. "Huwag mo akong Inglisin, Serena. Naiintindihan kita, oo. Pero alam mong hindi ko kayang makipag-usap sa iyo nang deretso sa banyagang wikang iyan! Ipinararamdam mo lang sa akin ang malaking kakulangan ko! Pero putang— kasalanan ko ba iyon?"

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon