8

3.3K 108 2
                                    


BAKIT hindi mo palitan iyang damit mo, Serena?" payo ni Tiya Adel na pumukaw sa paglalakbay ng isip niya sa nakalipas. "Hindi ako makapaniwalang nagsusuot ka ng ganyang damit. Masyadong hapit sa katawan mo."


Alanganin siyang napangiti. Sinulyapan ang sarili sa decorative etched mirror na nasa ibayong bahagi ng dining room. It was a pale yellow sleeveless dress. The fine silk clung her body exquisitely, and the scooped-neckline showed a considerable cleavage.


Binili niya, on impulse, ang damit nitong nakaraang dalawang buwan sa intensiyong gamitin sa anibersaryo ng opisina dahil gusto niyang maging kaakit-akit sa paningin ni Vince sa gabi ng party.


Si Vince ang head ng art department at ang huling boyfriend niya, rather an ex-boyfriend. Pero bago dumating ang anniversary ay isinama siya ni Vince sa bahay nito. Isang inuupahang two-bedroom apartment sa San Juan. Ipinakilala siya sa mga magulang at sa anim na mga kapatid.Nang paalis na sila'y pinauna siya ni Vince sa sasakyan niya—ang lumang sedan ng stepfather niya. Subalit nang bubuksan niya ang kotse ay nalimutan niyang naiwan niya sa loob ng apartment ang susi.


Nagbalik siya at hindi sinasadyang marinig niya ang pagmamayabang ni Vince sa mga magulang na sa sandaling makasal sila'y lilipat silang lahat sa bahay ni Serena sa Quezon City. Na tiyak na hindi siya tatanggi at makapag-aaral na ang mga kapatid nito.


Nanghilakbot siya. Ni hindi nga niya alam kung paano matutubos sa pagkakasangla ang Manzanares property, heto at may mga nakaambang pabigat sa mga balikat niya.


The next day, sinabi niya kay Vince na tulungan siyang humanap ng malilipatang apartment dahil nailit na ang bahay at lupa niya sa Quezon City. At kahit ang lumang Toyota sedan niya ay ipinagbili na rin niya.


Sa mismong araw na iyon ay sinimulan siyang iwasan nito. She didn't know whether to laugh or cry. Pero aminin man niya o hindi, nakagaan sa loob niya ang paghihiwalay nila.


Natanto niya sa unang pagkakataon na sa loob ng dalawang buwang magkasintahan sila'y hindi siya nito nayaya man lang na kumain sa labas. At kung nagkakasabay man sila sa canteen ay hindi niya hinahayaang bayaran nito ang pagkain niya at hindi naman ito nagpipilit.Poor Vince, she thought. Kailangan nito ng milyonaryang "mama" upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.


Tatlong linggo pagkatapos niyon ay tinawagan siya ni Tiya Adel tungkol sa biglang paglitaw ni Christian. Agad siyang humingi ng bakasyon at nagmamadaling umuwi.


"Kung wariin ko pa'y wala kang panloob," may disgustong patuloy na komento ni Tiya Adel sa suot niya.


Alanganin niyang nginitian si Tiya Adel. Hindi niya gustong panghinaan ng loob at magpalit ng damit. With Vince, the dress would make him drool. Natitiyak niyang iyon din ang magiging epekto niyon kay Jared.


"Tiya Adel, hindi ba at ang plano ay upang akitin ang apo ng dating classmate n'yo?""Ako'y nasasagwaan diyan sa suot mo na iyan, Serena—"


Naputol ang sinasabi nito sa pagpasok ni Elvie. "Ate, pumaparada na sa harap ng bahay ang sasakyan ng mga bisita."


Tinanguan niya ito. "Lalabas na ako, Elvie." Muli niyang sinulyapan ang sarili sa etched mirror, pagkatapos ay nilingon si Tiya Adel na gumuhit ang disgusto sa mukha.


"Huwag kayong mag-alala, Tiya. Accessory lang ang damit na ito sa mga plano kong isalba ang kabuhayan ng mga Manzanares." With that, she turned to meet her guests.


***********Bawi tayo sa updates today chariz hahaha - Admin A **************

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon