Entry#156 (10-06-22)

6 0 1
                                    

Dear future me,

Keri lang naman work today. Tamad ako for short. Actually, inayos ko nang pa unti2 ang gondola sa stock room kanina. Kakalat kasi nang stocks, watak watak.

Tapos nung lunch, ang bongga namin ni Mommy. Pumunta kami sa Kenpeki, yung bagong food stall nina Phoebe, dun kami bumili nang lunch. Ang sarap nang gyoza ♥️♥️♥️. Tas ang sarap pa nang chilli oil nila.

Tapos nung pa out na ako, pumunta si Sonny sa store. Wag kayo mag expect na ako ang hinahanap. Si Diane lang naman. Magpapa pirma nang ERF. Hahaha. Tuloy na talaga ang pag lipat niya. Tapos yung heart ko nang somersault na naman. Kainis.

Wala naman siyang ginawa pero napangiti na naman ako. Nawala na yung onteng tampo ko in an instant. Bakit ganun? Tapos isa pa tong si Diane, panay sabi para ko daw jowa si Sonny. Edi sana na lang talaga. Hahaha.

Hoy Joash ano na tayo? Galaw-galaw din.

Isa pa yun. Parang ewan. Di marunong lumandi. Or baka di lang talaga ako bet? Bahala siya. Hahaha. Baka mawala yung onteng feelings ko para sa kanya. Halos sinasakop na kasi ni Sonny yung heart ko.

Kaso wala talagang pag asa na maging kami. Kaya hayun, hanggang proxy jowa lang talaga. At baka mag break na kami kasi aalis na nga siya.

Would I ever feel the same electricity with another man? I hope so.

BTW, mag sisine sana ako ngayon pero literal na ako lang mag isa manonood nang movie kaya hindi na ako tumuloy. Kakatakot din kasi. Hahaha.

Not yours,
-25 y.o. version of me

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now