KABANATA CCXXXIV

2.4K 32 16
                                    

KABANATA CCXXXIV

Umupo si Monica sa kaniyang trono at nakangiting sinabi na. “Pinagdududahan niyo ba akong lahat?”

Hindi nagging malakas ang bosoes ni Monica, pero malinaw itong narinig sa buong plaza habang kumakalat ang isang napakalakas na aura mula sa kaniyang katawan!

Masyado talagang malakas ang aura ng Cult Mistress.

“Hindi po, Mistress. Hinding hindi kop o magagawa ito!”

Nanginig ang buong katawan ni Sheldon habang nagpoprotesta at paulit ulit na idinikit ang kaniyang ulo sa sahig bago umatras sa tabi kung saan siya nakatayo kanina.

Dito na dahan dahan nagsalita si Monica sa mga disipulo ng kaniyang kulto. “Nagawang iligtas ni Darryl ang mga kandidato sa posisyon ng Oracle at dahil sa ginawa niyang ito, karapat dapat lang siyang maging Elder Master. Napag usapan na naming ng Cult Master ang tungkol sa bagay na ito at sabay na nagdesisyon na ibigay sa kaniya ang posisyon ng Elder Master. Isang talentadong lalaki si Darryl kaya sigurado ako na magagampanan niya ang mga tungkulin sab ago niyang posisyon.”
Dito na tumahimik ang lahat at wala nang kahit na sino ang nagsalita ng kahit na ano sa harapan ni Mistress.

Habang napupuno naman ng thrill ang dibdib ni Darryl.

“Haha, mukhang mataas nga ang posisyon ng pagiging isang Elder Master!” Isip ni Darryl.

“Darryl, manatili ka sa isla ngayong araw. Kasalukuyan ngayong nagpapakalakas nang mag isa ang Cult Master, magtatapos ito sa loob n g dalawang araw. Ginawaran ka na ng titulong Elder Master kaya magsasagawa tayo ng Elder Master’s banquet para sa iyo ngayong gabi. Hindi ka maaring mawala sa pagdiriwang na ito.” Dahan dahang sinabi ni Monica.

Isinagawa ang Banquet ng Elder Master sa bawat sandaling may mapili ang kulto na isang bagong Elder Master. Isa rin itong paraan para maipakita ang pagkilala ng kulto sab ago nilang Elder Master.

Kaya isa itong tradisyon na hindi mababago ng kahit na sino.

Hindi ito alam ni Darryl kaya ngumiti lang siya bago sinabing. “Ito po… ayoko na pong mag abala pa kayo para sa bagay na ito.”

Matagal nang nasa Elysian Island si Darryl kaya hindi na niya alam kung ano na ang sinapit ng kaibigan niyang si Dax.

Ninenerbiyos na rito si Darryl kaya gustong gusto na niyang makabalik sa Donghai City.

"Ano?"

"Ayaw niyang umattend sa sarili niyang banquet?"

Agad na naguluhan ang mga tao sa kaniyang paligid. Tinitignan nila si Darryl na para bang isa itong mang mang.

Napakunot din dito ang mga kilay ni Monica. "Darryl, kinakailangan mong umattend sa sarili mong banquet bilang isang Elder Master. hindi ito tatawaging Elder Master's Banquet kung wala rito ang Elder Master hindi ba? Isa itong tradisyon ng Grandmaster Heaven Cult, iniisip mo ba na isa lang itong laro?"

Agad na natakot si Darryl nang makita niya ang itsura ni Monica.

Mukhang hindi magagawang mawala ni Darryl sa banquet na ito. Kinalaunan ay sumuko na rin at nagdesisyong manatili sa isla ng isang gabi. Gagamitin niya rin ang oportunidad na ito para manguha. Ng mga exotic na halaman sa isla.

Mabilis namang sumagot si Darryl matapos mag isip ng ilang bagay.

"Nagkakamali po kayo, Mistress. Naisip ko lang po na masyado nang maganda ang pagtratong natanggap ko sa unang beses na pagtungtong ko rito sa Altar kaya agad na po akong napaatras nang marinig ko po na nagawa niyo pa pong magsagawa ng isang banquet para lang sa akin. Napagdesisyonan ko na ppng ibigay ang buo kong katapatan sa Grandmaster Heaven Cult, sa Cult Master and sa Cult Mistress!"

Natuwa si Darryl sa bilis ng kaniyang pag iisip.

Maituturing nang foolproof ang naging sagot niyang ito sa Cult Mistress.

Dito na gumaan ang itsura ni Monica habang itinatango ang kaniyang ulo.

"Ikinagagalak namin ng Cult Master ang iyong katapatan. Makakaalis na kayong lahat kung ganoon."

Tumayo si Monica matapos nitong magsalita. Tumalikod ito at pumasok sa main hall na nasa kaniyang likuran kasama ng kaniyang mga maids.

"Alagaan niyo po ang inyong sarili, Cult Mistress."

Agad na lumuhod at nagpaalam ang libo libong mga tao sa plaza nang sabay sabay. Napayanig ng kanilang mga naglalakasang boses ang buong plaza.

Ginaya ni Darryl ang mga ito at lumuhod sa sahig habang sumisigaw sa tabi ng mga ito. Pero nakatitig ang kaniyang mga mata sa magandang likod ni Monica.

May usap usapan na nasa sixty years old na raw ang Cult Master, pero nagawa pa rin nitong magkaroon ng isang napakagandang asawa.

Sinuwerte nga talaga ang Cult Master pagdating sa bagay na ito.

Pagsapit ng eight ng gabi, nagliwanag nang husto ang buong isla para ipagdiwang ang Elder Master's Banquet na hinanda ng Grandmaster Heaven Cult para kay Darryl.

Nagliwanag ang mga fireworks sa buong Isla habang nagpeperform sa pagkanta at pagsayaw ang ilang daang mga kababaihan. Masyado itong maganda sa paningin ng kahit na sino.

Malakas na nakipagtoast ang lahat kay Darryl para sa kaniyang mga nagawa habang nasa banquet. Ninanais ng bawat isa sa mga ito na mapalapit sa kaniya dahil siya na ngayon ang bagong Elder Master ng kanilang kulto.

Habang nagtotoast at nagchecheer ang mga taong dumalo sa banquet, hindi pa rin nakalimutan ni Darryl na makipagtoast sa Cult Mistress!

Pero kahit ganoon, kinontrol pa rin ni Darryl ang kaniyang pag inom at nanatiling alerto sa kanilang paligid.

Pinaplano niyang tumakas at lihim na manguha ng ilang mga herb sa sandaling matapos ang banquet na ito.

Hatting gabi na nang magtapos ang banquet na hinanda para sa kaniya, dito na nakahanap ng oportunidad si Darryl na makalabas ng main hall at magpunta sa tabi ng dagat kung saan tumubo ang mga exotic na halamang nakita niya kanina.

Matapos ang kalahating oras, umalis na si Darryl matapos kunin ang lahat ng spirit herbs na magagawa niyang makuha. Isa nga itong masaganang pag aani para sa kaniya.

Magagawa na ring makagawa ni Darryl ng tonetoneladang mga pills at elixir gamit ang napakaraming herbs na ito!

Malapit lang sa kuwarto ng Cult Mistress ang kuwarto ni Darryl. Kaya pinagaan niya ang kaniyang mga yapak habang papalapit sa kuwarto ng Cult Mistress para hindi mapansin ni Monica. Ang pagnanakaw ng mga herb ay isa pa ring bagay na hindi katanggap tanggap para sa kahit na sino.

Pero biglaang napatigil si Darryl nang maglakad siya sa harapan ng kuwarto ni Monica!

Moan...

Isang mahina at nasasaktang pag ungol ang sunod sunod niyang narinig mula sa kuwarto ni Monica.

Ito ang boses ng Cult Mistress!

Lumabas ang boses nito sa kaniyang kuwarto na may kasamang nakamamatay na pang akit na naging dahilan ng panghihina ng mga buto sa katawan ni Darryl.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now