Chapter 21

3.9K 86 21
                                    

AVO










"Ano?! Puro angas ka lang pala e!" mayabang na wika ni Darren nang bumagsak ako sa sahig matapos niya akong suntukin ng dalawang beses at tinadyakan.

Ngumisi ako at pinunasan ang  gilid ng labi na dumudugo.

Nilingon ko si Heron at Lourd na parehong nanunuod sa amin at ang mga gago nakuha pang kumain ng chips.

Tamad akong tumayo at pinalagutok ang aking leeg. Sinugod ko siya at binigyan ng isang sipa sa sikmura na agad niyang ikinaluhod habang umuubo.

Sinimulan niya edi tatapusin ko.

Humiyaw si Lourd. "Durog ang balunbalunan niyan!"

Lumapit ako sa kanya at itinayo siya gamit lang ang k'welyo niya. I punched him in his face. I could feel my own rage, hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil naaalala ko ang ginawa niya kay Persephone.

What he did is fucking unacceptable! Wala siyang karapatang saktan si Persephone.

Hindi ko na mabilang kung nakailang suntok at sipa na ako sa kanya. Namalayan ko na lang na hawak na ako ni Lourd at Heron, pinipigilan na sugurin pa ang nasa sahig na si Darren at namimilipit sa sakit.

"Stop it, Avocado! Lantang gulay na oh! " ani Heron sa akin.

"Hindi pa ako tapos sa gagong yan! I will kill him!" sigaw ko na pilit kumakawala sa kanila.

Matagal na akong nagtitimpi sa gagong to!

"Y-Yan ba? G-Ganyan ba...ang i-ipinalit mo sa akin, S-Seph? W-Wake up now, h-halimaw tong lalaking to. H-He'll just hurt...y-you kaya h'wag ka ng t-tumuloy sa kasal." Ngisi ni Darren habang nakatingin sa may pinto.

Lumingon ako sa may pinto at napamura nang makita si Addie at Persephone duon.

Nagkamot ng ulo si Addie habang si Persephone naman ay tiningnan ako gamit ang mga mata niyang sing lamig ng yelo.

"Patay kang Avo ka. " bulong sa akin ni Heron.

Hunalukipkip si Persephone at nakita ko ang pag-irap niya sa akin bago iyon binaling kay Darren na malaki ang ngisi.

"L-Leave him, Seph. B-Balikan mo na lang ako. " anang gago kaya naman mas nadagdagan ang galit ko.

Akmang susugurin ko ang gago nang matigilan ako dahil sa pagtawa ni Persephone.

"Never, Darren. Hindi pa ako nababaliw para balikan ka. I don't need a man like you, para ko ng iniuntog ang ulo ko sa pader kapag ginawa ko iyon. Kilala na kita e, anak mo nga hindi mo mapanindigan ako pa kaya?" Iling ni Seph. "Nga pala, i will sue you for what you did to me. Ihanda mo na ang abogado mo. " dagdag pa nito bago ako tinapunan ng tingin.

"Uwi!" sigaw nito sa akin na ikinamura ko.

"Minumura mo ba ako?!" inis niyang tanong sa akin na agad kong inilingan.

Tumawa si Heron at Lourd.

"Pinapauwi ka na ng nanay--fuck!" mura ni Heron nang may tumama sa kanya flat shoes.

"Baka gusto mong ikaw ang ibalik ko sa tiyan ng Nanay mo!" inis na sabi ni Persephone dito.

Napakamot ng ulo si Heron. "Fuck! Goodluck na lang, Avocado. Under ka panigurado. " bulong nito at itinulak ako patungo kay Persephone  na mukhang bubuga na ng apoy.

"Kuya Avo!" tawag sa akin ni Lourd at inihagis sa akin ang flat shoes ni Persephone.

Tinanguan ko sila.

Yumuko ako at isinuot kay Persephone ang sapatos niya.

"Umuwi na tayo. " sabi nito at inirapan ako.

Shorty, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon