15

600 19 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...
"Nakita mo na ba ang video?" nag-aalalang tanong ni Atheina nang lumabas sa kuwarto. Ready na siya para pumasok pero kaunti lang ang tulog niya. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng pag-alala sa isang kaibigan and she hates it.
"Hindi si Sharmie," sagot ni Loki Luis na pinagmasdan ang mga mata ng kasintahang puno ng pag-alala.
"Talaga?" masiglang tanong nito at hinawakan ang kanang braso niya. "Wirklich (really) baby?" Puno ng pag-asa ang mga mata nito.
"Yes," sagot ni Loki Luis.
"Mabuti naman," nakahingang sabi ni Atheina.
Ngumiti ang binata at hinalikan siya sa noo.
"Kain ka na, baka ma-late ka."
"Sige..." excited na wika ng dalaga. "Lowbat lang siguro siya."
"Baka nga. Baby?" tawag niya habang naglalakad sila patungo sa dining room.
"Hmm?" Lumingon si Atheina sa binatang alanganin ang mukha.
"M-Masakit pa ba?"
Napasimangot ang dalaga. "Kaya ko," matulis ang ngusong sagot nito. Aw, ang cute.
"Kain na tayo," alok niya.
"Dami ah," sabi ni Atheina. Nagmukhang fiesta na naman ang condo nila dahil sa dami ng handa.
"Kain ka nang marami para medyo tumaba ka, baby."
"Sure," sagot ng dalaga na gusto ring tumaba.
Habang kumakain, hindi maiwasan ng dalagang mapasulyap sa cellphone ni Loki Luis dahil panay ang tunog nito.
"Kakambal ko lang," sabi ni Loki nang mapansing tinititigan ng dalaga ang cellphone niya. Nakalimutan niyang ilagay sa silent mode dahil inaabangan niya ang tawag nina Seven kagabi.
Kinuha niya ang cellphone at nang basahin ang text ni Bloom tungkol sa paglabas nito, pinatay niya ang tawag. Kinausap na niya si Seven na bantayan ito mamaya.
"Until what time ang pasok mo?" tanong niya sa dalaga.
"Four thirty," sagot ni Atheina. Ano ba? Kukunin ba niya ang cellphone ni Loki Luis? O usisain ito para umaming may ibang babae.
"Ah, puwede ka bang sumama sa family dinner namin?"
Napangiwi si Atheina.
"H-Hindi pa ako handang makita ang parents mo."
"Wala naman sina Mommy."
"Huh?"
"Mga pinsan ko lang," sagot ni Loki Luis.
"Kasi--"
"Don't worry, baby, walang makakaalam ng relasyon natin."
Napabuntonghininga si Atheina.
"Required ba talaga?"
"Kung ayaw mo, okay lang."
"Pero 'di ba, bawal kang mag-girlfriend?"
Napabuntonghininga si Loki Luis. Wala naman siyang choice e. Gusto rin sana niyang ipakilala ang girlfriend sa pamilya pero wala siyang choice kundi ilihim ang relasyon.
"Kuha lang ako ng juice," paalam ni Atheina at tumayo saka tumungo sa ref at naghanap ng maiinom.
"Ayaw mo ng apple juice?"
"Ayaw," sagot niya at naghanap ng makain. Infairness, may ice cream na sila. "Baby? Ano 'tong laman ng tupperware?"
Kinuha niya at binuksan saka inamoy.
"Ang alin?"
"Nasa freezer."
Lumapit siya kay Loki Luis at pinakita. "Ito o, mukhang masarap."
"Huwag 'yan, ibalik mo na 'yan, baby. Kay Lola Ann 'yan," sabi niya. Nakalimutan niyang itapon kanina.
"Bigay niya kahapon?"
"Oo," sagot ng binata habang naglalagay ng kanin sa plato ng kasintahan.
"Talaga? Wow, love ka pala ng lola mo. Hmm? Kainin natin."
"H-Huh?"
"Initin ko lang."
"Huwag!" mabilis pa sa alas-kuwatro na tanggi ni Loki Luis.
"Hmm? Kainin natin, sayang."
Binuksan niya ang microwave at ininit ng three minutes ang pagkain.
"Baby, mamayang gabi na marami pa ang ulam oh."
"Pangit 'pag tumagal, baby."
"Baby kasi--"
"Hindi mo ba love ang lola mo?"
"Baby kasi ang daming ulam, dapat isa-isa lang."
"May ulam naman pala, nagluto ka pa."
Nang tumunog ang microwave, binuksan niya. Sumalubong ang usok at mabangong beefsteak sa kaniya.
"Hmm? Mukhang masarap ah," excited na sabi niya habang bitbit ang tupperware saka inilapag sa mesa.
"Mahilig din pala sa pagluluto ang lola mo?"
Napalunok ng laway si Loki Luis nang maglagay ng beefsteak si Atheina sa kanin. Patay talaga siya!
Sumubo ang dalaga at ngumuya saka ninamnam ang pagkain. Napangiwi siya nang tumingin si Atheina sa kaniya.
"Ganito ba talaga ang lasa nito?"
"Ganyan t-talaga si Lola Ann magluto. Baby, h-huwag mo na lang kai--"
"Masarap," sabi ni Atheina kaya napanganga ang binata.
"M-Masarap?" paniguradong ulit ng binata.
"Oo naman. Medyo maalat lang pero ganito ba talaga ang tamang lasa ng beefsteak?"
Inabot ni Loki Luis ang basong may tubig at ininom dahil biglang nanuyo ang lalamunan niya.
"Gusto mo?"
"Punyeta, huwag!" singhal niya kaya natigilan si Atheina. Para naman siyang nabuhusan ng tubig nang makita ang pagkagulat sa mukha ng kasintahan. "S-Sorry, nagulat ako. Ikaw na lang, baby. Itong itlog na lang ang ulamin ko dahil wala akong ganang kumain."
"Sinigawan mo ako?" mahina pero nagbabaga ang mga matang tanong ni Atheina. Walang lalaking sumigaw sa kaniya kundi kasintahan pa niya.
"Hindi ah," tanggi ng binata. "Sorry na, baby. Promise, hindi ako galit."
"Ba't ayaw mong kumain?"
"Busog pa ako, baby. Promise."
"Kumain ka! Kung talagang hindi ka galit, dapat kumain ka!" sabi niya at inirapan ang binata na kulang na lang ay maglupasay sa sobrang inis.
"Kaunti lang, ang mahalaga, kinakain mo ang pinaghirapan ng lola mo. Masarap naman ah."
Gigil na hinawakan ni Loki Luis ang kutsara nang nilagyan ni Atheina ang kanin niya ng beeftseak.
"Ayaw ko ring pumayat ka kaya kain na."
Punyeta!" pagmumura ni Loki Luis habang sumusubo sa beefsteak na mula pa yata sa dead sea galing ang tubig. "hindi lang talaga kita mahal,
palalayasin na talaga kita!"
" Masama ba ang loob mo, Loki Luis?" tanong ng dalaga dahil salubong ang kilay nito at nakayuko pa habang kumakain.
"H-Hindi!" tanggi ng binata. "Masaya nga ako kasi mahal talaga ninyo ako ni Lola Ann e." Labas sa ilong na pang-uto niya.
"Talaga?" masayang tanong ng dalaga. "Gusto kong makita ang lola mo at personal na magpaturo ng beef steak ni--"
Hindi na niya natapos ang pagkain nang mabilaukan si Loki Luis kaya mabilis na hinagod niya ang likod nito.
"Uminom ka muna ng tubig."
Kinuha ni Luis ang tubig at nahahapong nagsalita, "s-sabi sa 'yo, busog na talaga ako, baby e. Di ko na kaya ang marami kasi parang may heartburn ako."
"G-Ganun ba? Pasensiya ka na, baby. Sige, huwag ka nang kumain," naaawang sabi ni Atheina. Kawawa naman kapag magsuka ang kasintahan nang dahil sa kaniya.
"Thank you talaga, baby," pasalamat ni Loki Luis. " Thanks, God!" pagbunyi ng isip niya. Buti naman at ligtas na siya.
Tinapos ni Atheina ang pagkain saka nang ready na ay nagpaalam na siya kay Luis.
"Ten ako pupunta sa school," sabi ng binata.
"Okay, see you."
"Sabay tayong mag-lunch, baby."
"Loki naman!"
"Hmm? Sa office naman tayo kakain."
"Sige. Basta baunin mo na lang ang naiwang luto ng lol--"
"Baka pala may makakita sa 'yong papasok sa office, baby. Hanap ako ng paraan para makapuslit ka. Kung hindi, dito na lang tayo sasabay na kumain. May breakfast naman tayo at dinner, 'di ba?" mabilis na sabi ni Loki Luis na nagbago na ang isip.
"Minsan, sama ka rin sa mga kaklase o friends mo na kumain pero 'wag lang sa mga lalaki, maliwanag?"
"Buti naman at naintindihan mo ako, baby."
"Baby? Tutal nag-body bonding naman tayo, baka puwedeng doon ka na sa kwarto ko matulog?" suhestiyon ng binata.
"Bahala ka, baby. Puwede naman," pagpayag ni Atheina.
"Good. Ingat, baby," sabi ni Loki Luis at hinalikan sa mga labi ang kasintahan. "I love you."
"Ich liebe dich (I love you)" sagot ng dalaga at umalis na bago pa humirit ulit ang binata.
Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang maalala ang ginawa nila magdamag ni Loki Luis. Kahit ilang beses pa nga siyang magsabon at banlaw, nasa katawan pa niya ang init ng halik at haplos ng binata.
"Ugh! Shit ka talaga, Atheina!" naiinis na sabi niya at hinampas ang manibela. Of all people, si Loki pa ang sinukuan niya. Never pa naman kasi siya nagka-boyfriend. Pero mukhang okay naman ang binata at maalagain. "Pero may babae siya," naiinis na bulong niya. At sigurado siyang magkikita ang mga ito lingid sa kaalaman niya. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Eh kung patayin kaya niya ang babae nito? No, kailangan magiging mabait siya kay Loki at kunyari hindi siya nagdududa tapos sundan niya ito. Tama, susundan talaga niya at kalbuhin ang babae.
Pagdating sa paaralan, tinawagan niya si Sharmie pero off pa rin ang sombrero nito.
"Justin!" tawag niya dahil ito unang pinuntahan niya.
"Hey, kamusta? Lakas mo palang tumungga." Nakangisi ito at tumigil sa pagdidisenyo ng bago at puting sombrero.
"Si Sharmie?" tanong niya.
"Malay ko."
"Kayo ang naghatid ni Cesar sa kaniya!"
"Ah, nauna akong umuwi. Si Brod Cesar ang naghatid sa kaniya," sagot ni Justin. "Oh ayan na pala oh."
"Si Sharmie!" bungad niya.
"Di ko alam," sagot ni Cesar at naupo sa tabi ng dalaga.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Cesar! Nahatid mo ba ang kaibigan ko sa bahay nila?"
"H-Ha? Oo naman," sagot nito at iniwas ang mga mata.
"Liar!" mahinang sabi ni Atheina. "Sabihin mo kung may ginawa kang masama kay Sharmie!"
"W-Wala ah," tanggi ni Cesar at biglang sumeryoso ang mukha. "Hinatid ko siya sa kanila kagabi at pagkatapos, umuwi na ako. Bakit ba? Tumawag din sa akin si Master kahapon."
"Hindi niya sinasagot ang tawag," kalmadong sagot ni Atheina pero sa isip niya, sigurado siyang nagsisinungaling si Cesar.
"Baka lowbat o hangover lang. O baka walang signal."
Hindi na umimik pa ang dalaga. Sa ganitong sitwasyon, malabong mapapaamin niya si Cesar. Siguro kakausapin na lang niya kapag sila na lang ang tao. Tama si Loki Luis, hindi sorority member si Atheina kaya mapapalampas ito ng mga kalaban.
Nang dumating ang teacher, bumalik na sila sa upuan at nakinig hanggang sa next subject naman. At dahil hindi pumasok si Sharmie, mag-isa siyang kumain sa canteen.
"May nakaupo?" Napatingala siya kay Jason na president ng alpha sigma rho.
"Wala," sagot niya.
"Puwedeng maki-share?"
"Sige lang," pagpayag niya. Wala naman si Loki Luis. Pinagmasdan niya si Jason. Guwapo ito at mukhang may lahing arabo.
"Alam kong guwapo ang mga asirho kaya huwag mo akong pagnasaan," pilyong sabi nito at ngumiti kaya lumabas ang dimple sa kanang pisngi.
"Okay," tipid na sagot niya at ipinagpatuloy ang pagkain pero pinapakiramdaman kung bakit naki-share ito sa table niya.
"Mag-isa ka yata?"
"Wala akong kasama," sagot niya. Malamang.
"Jason," tawag ni Sharon nang palapit kasama si Shaina. "Siya ba ang pinagpalit mo sa akin?"
"What the fuck, sweety!" bulalas ng binata. "Puwede ba 'yon?"
"Talaga lang, huh?" maarteng sabat ni Shaina.
"Oo naman. Naki-share lang e. Sige, alis na lang ako para walang issue," pagsuko ni Jason at kinuha ang pagkain saka lumipat ng mesa kasama ang dalawang babae.
Nang matapos ang lunch time, bumalik sina Atheina sa klase at nagpalit dahil swimming class nila ngayon.
Panay ang text ni Loki Luis kung kumusta siya kaya hindi niya mapigilan ang ngumiti. Butterfly stroke ang tinuturo sa kanila kaya medyp bored siya. Swimmer siya pero tinatamad na sumali sa competition dahil ayaw niyang maubos ang oras sa kaka-practice.
Naunang nag-volunteer sina Shaina at Shaina. At dahil tatlo ang kailangan, siya na rin ang nag-volunteer para matapos siya agad.
Pag-ahon niya, saka niya sinagot ang tawag ng kasintahan.
"Baby? Tapos na ba kayo?"
"Yes po," sagot niya at kinuha ang tuwalya.
"Good."
"Wait lang, shower lang ako. Giniginaw ako e," paalam niya.
"Sabay tayo?" pilyong tanong ng binata.
"Later," pagsakay niya rito. She heard him chuckled.
"So excited, baby."
"Baliw. Sige na, baby, shower lang. Bye!"
Bitbit ang tuwalya, tumungo siya sa shower room na walang cubicle. Public shower lang.
"Nilalandi ba niya ang jowa mo?" narinig niyang tanong ni Shaina kay Sharon na halatang nagpaparinig sa kaniya.
Naghubad siya ng damit.
"Sinabi mo pa!" ani Sharon.
Nang matapos nang maghubad ng saplot, lumapit siya sa shower na may dalawang pagitan mula sa dalawa.
"At ano ang ginagawa mo sa umaahas sa jowa mo?" nang-aasar na tanong ni Sharmie  na nakabikini pa rin. Si Sharon lang ang naghubad.
"Pinapatay!" sagot ni Shaina at tumawa nang malakas.
Dedma lang si Atheina sa pagpaparinig ng dalawa.
Nang matapos silang dalawa, pinatay nila ang shower dahil may mga pumasok na.
"Shit! Binabangga mo ba ako?" naiinis na tanong ni Sharon na siya naman ang sumadyang bumangga kay Atheina na naliligo.
"Hindi kaya!" tanggi ni Atheina at pinatay ang shower.
"Why?" nakaismid na tanong ni Sharon nang mapasako sa kanang dibdib niya ang mga mata ng kaharap.
"W-Wala," sagot ni Atheina at iniwas ang mga mata matapos masulyapan ang tatlong pa-pyramid na tuldok sa outer areola ni Sharon. Pero si Shaina, hindi niya makita dahil naka-two piece pa rin ito at natatakpan ang areola.
Tinitigan siya ni Sharon mula ulo hanggang paa.
"Oh, mukhang naiinggit ka sa boobs ko?" nakangising tanong ni Sharon sabay duro ng noo ni Atheina.
"Oh baka naman mangtsismis ka? Oras na ipagsabi mo ang sikreto ng katawan natin dito, sisiguraduhin kong babalikan kita!" pagbabanta ni Sharon sabay tulak kay Atheina.
"We're watching you," nakangising sabi ni Shaina at tinulak din si Atheina.
"Don't you dare na mang-ahas ng jowa dahil mapapatay kita!" dagdag ni Sharon sa nagbabagang mga mata sabay talikod kay Atheina.
"Sharon," mahinang usal ni Atheina at naikuyom ang kamao nang lumabas ang dalawa.



Good Boy Gone BadWhere stories live. Discover now