Chapter 28

1K 47 2
                                    

LUDO POV

Pawis na pawis ako pagkatapos kong magluto nang adobo.

Masaya ko itong ipinatikim kay Manang,at tuwang tuwa ito dahil masarap daw ito.

Inutusan ako ni manang na umakyat sa aking silid upang maligo,Basang-basa na kasi ako ng pawis.
Baka maabutan daw kami ni Azriel at  bumuga ito ng apoy sa galit.

Natawa ako sa kanyang sinabi.

Ang sabi pa nga niya sa akin ay ipinaglihi ito sa sama nang loob,kaya laging mainitin ang ulo.

Tawa ako ng tawa habang sinasabi ito ni Manang sa akin.







-------

Pagkatapos maligo ay naisipang kong humiga sa malambot na kama.

Nakaramdan ako ng pagka-antok kaya hindi ko napigilang makatulog.

Pagkagising ko ay tinignan ko agad ang  oras sa nakasabit na dingding,mag-aalasais na ng gabi.

Ala-una nang tanghali nang ako'y nakatulog sobrang haba pala nang aking tulog.

Mabilis akong bumangon at lumabas sa aking silid.

Sa aking pagmamadali ay nakalimutan kong isuot ang aking tsinelas.

Pagkababa ko ay diretso ako sa hapag kainan.

Hindi ko agad napansin na marami palang tao ang naroon,napakaingay nila habang kumakain.

Agad kong nakita si Azriel na may katabing babae.

Napaka-ganda ng babaeng katabi niya.

Nang tignan ko ang kanyang kinakain ay nadismaya ako sa aking nakita.

Ang adobong niluto ko ay nasa isang tabi lang at walang pumapansin dito.

Napalingon si Azriel sa aking kinaroroonan at ang kanyang mga bisita.

Madilim ang mukha nitong nakatingin sa akin.

Napaatras ako ng tumayo ito.

Napasinghap siya nang hubarin nito ang tsinelas na suot niya.

"You're awake,and why aren't you wearing slippers!walang emosyong saad niya.

Lumuhod ito sa aking harapan at isinuot ang tsinelas na kanyang suot.

Malalaki ang mga ito at mukhang mamahalin.

Pagkatayo niya ay nakabusangot akong humarap sa kanya.

"Ipinagluto kita tapos hindi mo naman pala kakainin."malungkot na  pahayag ko sa kanya.

Aalis na sana ako kanyang harapan nang pigilan niya ako sa baywang.

"You cooked for me?hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang tugon.

"Tinanong ko kay manang kung ano ang paborito mo,ang sabi niya adobo kaya  naisip kong  ipagluto kita ng adobo."inosenteng pahayag ko sa kanya.

"Ok,I will eat the adobo you cooked for me,"kimi siyang napangiti dito.

Hinalikan muna niya ang tungki ng ilong nito bago ito talikuran.

"Get out of there!malamig pa sa yelong utos niya sa babae.

"But,I am your important guest tesoro."malambing ngunit may diing saad niya.

"I don't care!." balewalang sagot ni Azriel.

Pasimple kong tinignan ang babae,nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Bahagya akong nagtago sa likuran ni Azriel,bigla akong nakadama ng takot sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Mukhang ayaw umalis ng babaes sa upuan kaya pasimple kong kinalabit si Azriel.

"What?" salubong ang mga kilay na tanong nito.

"A-ayos lang kung doon nalang ako umupo."turo ko malapit sa pwesto ng lalaking nakausap ko noong nagpunta ako sa Hotel nang mga Rosco.

"Damn,No!!malakas nitong sinabi.

"AALIS KA DIYAN O KAKALADKARIN KITA PALABAS!,nabigla ako nang bigla itong sumigaw at nagsalita  nang wikang tagalog.

Tumayo ang lalaking itinuro ko.

"Hey Mavi,dito ka na lang nagtatagalog na siya."hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng lalaki.

Hindi ito pinansin ng babae,tumayo ito at mabilis na umalis sa aming harapan.

"And who's this beautiful lady beside you?"tanong ng isang panauhin.









"Lei è mia moglie.
















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon