KABANATA CCXXXV

2K 29 1
                                    

Grabe, ano ang ginagawa ng Cult Mistress sa loob ng kaniyang kuwarto?

Ang mga ingay na kaniyang ginagawa...

Hindi na nakapagpigil pa si Darryl at dahan dahang lumapit sa pinto.

Narinig ni Monica ang ingay na mula sa mga sanga ng spiritual herb na hawak ni Darryl.

"Sinong naririyan? Pumasok ka... Dalian mo." Mahinang sinabi ni Monica.

Agad na binuksan ni Darryl ang pinto nang walang pag aalinlangan matapos marinig ang mga sinabing ito ng Cult Mistress.

Gasp.

Napapigil hininga at nagulat si Darryl sa kaniyang nakita da loob ng kuwartong iyon.

Nakita niya ang nakasuot ng purple dress na si Monica habang namimilipit sa kaniyang kama sa loob ng mabango niyang kuwarto. Walang tigil na nanginig ang buo niyang katawan habang pinagpapawisan nang husto. Siguradong nakakaramdam ito ngayon ng napakatinding sakit sa kaniyang katawan!

Ano... Ano ang nangyayari?

Nag activate na ba ang Heaven Cult Elixir sa Cult Mistress?

Ganito rin ang itsura ni Skyler noong mag activate ang Elixir ng kulto sa kaniya.

Kinakailangang uminom ng bawat isang miyembro ng Grandmaster Heaven Cult maging ang Cult Mistress ng Elixir na ito.

Nakaramdam ng galit si Monica hsbang nararamdaman ang pagtitig ni Darryl sa kaniyang katawan. Walang kahit na sino sa kanilang kulto ang naglakas loob na tingnan ang kaniyang katawan.

Pero wala nang pakialam si Monica sa bagay na ito! Nasa bingit na ng panganib ang kaniyang buhay matapos mag activate ng lason mula sa ininom niyang elixir!

Mukhang ngayon ang nakatakdang araw na maglabas ng lason ang ininom na Elixir ni Monica. At ang Cult Master lang ang nag iisang tao na may hawak ng antidote para sa Heaven Cult Elixir! Pero kasalukuyan itong nasa gitna ng kaniyang pagpapalakas kaya walang kahit na sino ang umistorbo sa kaniya dahil ang anumang interfuption sa pagpapalakas ng isang cultivator ay agad na magdudulot ng psychotic break sa naistorbong cultivator!

Bahagyang binuksan ni Monica ang kaniyang mga labi at nanghihinang nagsalita kay Darryl. "Darryl... hanapin mo ang antidote sa tabi ng kama."

Naglakad si Darryl sa tabi ng kama at binuksan ang kahon na gawa sa kahoy pero wala itong laman na kahit na ano.

"Wal po itong laman, Mistress." Sabi ni Darryl.

Agad nang naubusan ng pag asa para sa kaniyang sarili si Monica!

Ito na ba ang kaniyang katapusan?

Naramdaman ni Monica na para siyang kinakagat ng milyon milyong mga langgam habang nagpapagulong gulong sa kaniyang kama.

Huminga nang malalim si Darryl at nakangiting sinabi na. "Huwag po kayong mag alala, Mistress. Mayroon po akong hawak na antidote para rito."

Ano?

Mayroong antidote si Darryl?

Nanginig ang katawan ni Monica habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Darryl. Masyado na siyang mahina para magsalita dahil sa epekto ng lasong kumakalat sa kaniyang katawan. Pero malinaw na makikita ng kahit na sino ang pagkabagabag sa kaniyang naggagandahang mga mata.

Hindi ito kapanipaniwala!

Pinanatiling lihim ng mga Cult Masters ng ilang siglo ang paggawa sa Heaven Cult Elixir at sa antidote nito. Ito ay para masiguro ang katapatan ng mga disipulo ng kanilang kulto.

Hindi alam maging ng Cult Mistress ang paraan sa paggawa nito.

Kaya paano magkakaroon ang kapapasok lang sa Elysian Island na si Darryl ng isang antidote?

Tinitigan nang husto ni Monica si Darryl. Nagsisinungaling lang ba ito para makapagtake advantage sa Cult Mistress? Agad na nagblush, nakaramdam ng hiya at nagalit si Monica ng maisip ang bagay na ito.

Pero hindi pa rin niya inaasahan ang mga susunod na gagawin ni Darryl.

Naglakad si Darryl sa kaniyang kuwarto para kumuha ng isang porselanang palayok at agad na nagsindi ng isang apoy.

Ang main ingredient sa paggawa ng antidote ng Heaven Cult Elixir ay ang Bicolor Flower na isa za mga herbs na kaniyang kinuha sa tabing dagat kanina.

Nasasaktan at nagugulat na humiga sa kaniyang kama si Monica habang nag aalinlangan sa kasalukuyang ginagawa ni Darryl.

Gagawa ba si Darryl ng antidote sa harap ko ngayon?

Impossible!

Sa mga sandaling ito, nagdudulot na ang lason ng napakatinding sakit sa katawan ni Monica na kasalukuyang nababalot na sa pawis. Hindi na niya ito matiis kaya nagawa na niyang bumagsak sa sahig ng kaniyang kuwarto.

Mas patindi nang patindi ang epekto ng lason na nilalabas ng Heaven Cult Elixir habang tumatagal. Noong una ay nagawa pa niyang tiisin ang sakit na nilalabas nito pero habang tumatagal ay masyado na itong nagiging matindi para matiis pa ng kahit na sino!

Nadistruct si Darryl ng pagpupumiglas ni Monica habang nagfofocus aa paggaaa ng pill.

"Itali mo ako, Darryl." Mahinang sinabi ni Monica. Mayroon pa rin siyang malay kaya alam niyang si Darryl na lang ang huli niyang pag asa. Hindi niya ito magagawang istorbohin sa paggawa ng pill na para sa kaniya!

Itinago ni Darryl ang kaniyang ulo. Totoo ngang nangangailangan ng matinding focus ang paggawa sa mga pill. Nakita niya ang isang tali na nakalagay sa lamesa at agad itong dinala kay Monica bago sabihing. "Paumanhin po, Mistress."

Itinali ni Darryl si Monica gamit ang taling ito at naglagay din ng isang scarf na gawa sa seda habang nagsasalita.

Dito na humina ang mga sigaw na ginagawa ni Monica nang dahil sa sakit na dulot ng lasong kumakalat sa kaniyang katawan.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now