CHAPTER 4

465 32 2
                                    

"Ziena Lara!"

Napabuga naman ako ng hangin. Kararating ko lang sa bahay, ang boses agad ni Daddy ang bumungad sa akin .

"Oh, Daddy, nandiyan ka pala," sabay kindat ko rito.

"Ano na naman ang kaguluhan ang ginawa mo?! At ganitong oras ba ang uwi ng isang babae?" 

Napahikab naman ako. "Dad, binigyan ko lang ng leksyon so Congressman. At may tinapos lang ako sa office."

"My God! Hindi mo iniisip ang kaligtasan mo?!" nanlilisik ang mga mata na saad ni Daddy.

Napabuntonghininga naman ako. "Hindi ko ito gagawin kung hindi ko ito kaya. Don't worry, kung malinis ko itong ginawa, malinis rin ang resulta."

Napailing naman ito sa akin. "Ayoko lang na mapahamak ka. Kaisa-isang anak kitang babae, Lara!"

Napangiti naman ako. "Of course naman, Daddy. Uuwi ako ng buhay. At kung sakali na iuwi ako na nakalagay na sa kabaong, baka hindi ako iyan."

"Puro ka kalokohan!"

Humalakhak naman ako. "Sige na Dad, masakit ang pekpek ko. Need ko na magpahinga."

Nakakunot naman ang noo ni Daddy.

"Natuklaw ako, Dad. Actually isang anaconda," nakangising saad ko at tumalikod na.

"Ziena Lara!" galit na sigaw ni Daddy. Napatawa na lang ako.

Nakasalubong ko naman si Kuya Dwaine.

Hi, my beloved kuya," bati ko rito.

"Parang hindi ka babae! Uwi ba ito ng isang babae na ganitong oras?! galit na saad niya.

Napatingin naman ako sa aking relo. Ala-una na ng madaling araw.

"Parang hindi ka na nasanay, Kuya."

"Ayusin ko nga ang buhay mo, Lara!"

Napairap naman ako. "Ang buhay mo, Kuya Dwaine ang ayusin mo. 'Di nga ba, may asawa ka na, may jowaka pa. Saan ka pa," nakangising sagot ko naman.

Masama naman niya akong tiningnan.

"Good night, kuya," malambing na saad ko at pumasok na sa aking silid.

Wala naman akong pakikialam sa buhay ni Kuya Dwaine. Kahit may sampong asawa at sampong jowa na meron siya, bahala siya. Kapag kinasuhan siya ng legal, ako pa mismo ang hahawak sa kaso. Gosh, pera-pera lang iyan.

KINABUKASAN, tinawagan ako ni Z na mag-usap daw kami. Doon niya ako pinapunta sa restaurant ni Roice Walton. 

"Good morning, Ma'am," bati ng waitress sa akin.

Kinindatan ko naman ito. "Nandiyan ba si Roice?" tanong ko rito.

"Si Sir Ross lang po ang nandito. Nagbakasyon po si Sir Roice, kasama si Ma'am Gaia."

Napatango naman ako.

"Ziena!"

Napatingin naman  ako kay Z at kasama si Jenny. 

Bad day na naman si Ross nito. Nandito na naman ang palautang na si Rivas.

Nakangising lumapit ako sa lamesa nila.

"Hey," bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Jenny.

"Wala si Roice. Mahirapan yata tayo mangutang kay Ross," nakangising saad ni Jenny. 

Mahina naman akong napatawa.

"Ziena, ikaw na humawan sa kaso ni Cervantes," aniya ni Z sa akin.

TAG KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon