Chapter 1: Looks can be deceiving

17.7K 266 45
                                    

Halos matagal-tagal rin akong naniwala sa paikot-ikot na tsismis dito sa campus. Bawat taong makakasalubong mo, pare-pareho ang sinasabi, pare-pareho yung tinutukoy. 


Pero meron akong bagong natutunan.


Hindi porket gwapo at mukhang mabait yung tao ay ibig sabihin mabait na talaga siya. Magagaling sila manlinlang, una akala mo ang amu-amo ng mukha. Pero ang totoo may sungay na talaga sila, hindi mo nga lang napansin kasi naniniwala ka sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo.


Dapat talaga wag maniniwala sa tsismis dahil unti-unti lang nyan sasakupin ung isip mo. Bibigyan ka kunwari ng gamot pero ang totoo lason un. Maamo nga yung itsura, pero ang totoo mascara lang yun.


Nasabihan lang ng magagandang bagay, maniniwala ka na kaagad. Siyempre, ikaw itong utu-uto, mag-papauto. Maniniwala sa mga sabi-sabi lang. walang pruweba, assume na lang kaagad.


Yun kasi ang hirap sakin, mabilis maniwala sa sinasabi ng iba. In other words, utu-uto. Hay~


Masyado akong nadala sa mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid ko. Kesyo mabait daw, gentleman daw, gwapo daw, magaling daw magbasketball at mayaman daw. Puro daw lang naman. Sabihin na nating gwapo siya, pero ung ibang nabanggit? Ewan ko lang.


Dahil ang dami na nilang nagsasabi nun, naniwala ako. Hindi ko man lang napatunayan.


Hindi ko napigilan yung sarili ko na hindi magkagusto sa kanya. Bakit? Kasi gwapo siya. Nako pinahaba ko pa 'di ko na lang sabihing nauto ako!


Pero mabuti na lang at  habang maaga ay nalaman ko yung tunay niyang kulay. Simula ngayon, tapos na yung pagpapantasya ko sa kanya.



Flashback

"Aray!" sabay bagsak ng mga dala kong libro.


"Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?! Ha?!" sabay alis.


Pinulot ko yung mga libro ko habang tinitingnan siya palayo.


"Akala mo kung sinong gwapo.."


Bigla siyang napatinggin sa akin at tinitigan ako. Tininitigan ko lang rin siya at pagkatapos siguro ng mga limang segundo naming titigan ay tumalikod na siya at umalis.


Ayoko ng isipin pa yung nangyari kanina pero ngayon alam niyo na kung bakit ganun na lang kabilis yung pag baligtad ko.


Peter Lo, yun ang pangalan niya.


Simula nung second sem nung 2nd year college kami dun ko na madalas naririnig yung pangalan niya. Actually wala pa akong clue nun kung anong itsura niya pero parang kilalang kilala ko na siya kahit na hindi ko pa siya nakikita. Kahit na naririnig ko lang sa mga tao sa paligid ko yung pangalan niya, feeling ko magkilala kami. Oh, diba? Ibang klase ako. Feeling close na ko kahit hindi ko pa siya nakikita!

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon