ID 4

350 8 1
                                    

"Sasama ka na ba sa amin pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Kei sa akin.

"Hindi muna. Magpapagaling muna ako dito."

Hindi pa ako masyado makalakad ng maayos. Buti na lang na nandito sila Kei at Van para alalayan ako.

"So, hintayin ka na lang namin," saad naman ni Van.

"No! Okay lang ako dito. Mauna na lang kayo, baka after two months, susunod ako," saad ko sa dalawa.

Actually hindi naman masyadonh injured ang dalawang paa ko. Nakakalad na ako ng konti pero need ko pa rin ng medication. At dito na lang din ako sa Germany na mag-daily check up.

"Okay. Hihintayin ka namin. Si Kei pupunta pa siya sa Britain at bibisatahin ang kan'yang hospital," saad ni Van.

Yes. Sobrang yaman din ni Kei. Kami ni Van, pareho naka-private ang yaman namin. Mas maigi na ganito lang kami. Ayaw ko rin ng exposure.

Nauna ng umalis si Kei, kahapunan. Si Van naman umalis na rin ito. Wala akong katulong dito sa aking bahay. Kahit nag-iisa lang ako, kinaya ko naman. Buti kamo, walang hagdanan ang bahay ko. Simple pero napaka-elegante ang aking bungalow.

Lumipas ang araw na naging okay na rin ang pakiramdam ko at okay na rin ang kanang paa ko. Tuwing hapon, naglalakad ako malapit sa park.

Napabuntonghininga naman ako. Bata pa kami, wala pang asawa si Mommy, okay naman ang relasyon namin ng aking kakambal na si Gretta. Pero nag-asawa si Mommy at ito ay si Mr.Chua. Pinalitan ang aming apelyido, at naging malapit lalo si Gretta kay Mr.Chua. Ako naman, iba ang pakiramdam ko sa intsek na iyon. Pero wwhinayaan ko na lang ito. Kaya ni Mr.Chua. Paikutin ang isip ni Gretta. Ako naman. Kasi hindi niya makuha ang loob ko. Bata pa lang ako, alam ko kaagad ang galaw ng asawa ni Mommy.

Labing-apat na taong gulang pa lang ako, pinadala ako ni Mommy sa US para mag-aral. Doon nagsimula na sumali ako sa isang kilalang grupo ng mga Assassin's. Every weekend, pumupunta ako sa underground na tinatawag na KING DRAGON, na itinayo ko sa Pilipinas. Naging bihasa ako gumamit ng patalim, armas at martial art. Hanggang napag-isipan kong nag-aral ng sundalo. Doon ko rin nakilala si Ville Harrison, Van at Tanya.

Tahimik at seryoso lang ako. Kaya walang nakipagbiruansa akin dahil nakakatak daw ako.

"I think, may pagkapusa ka talaga."

Humarap naman ako sa lalaking nagsasalita.

"Hi " aniya na nakangiti ito .

Tamad ko lang ito tiningnan.

"So, how's your feeling?"

Si Javi. Napansin ko rin na magkapareho ang kulay ng aming mga mata.

Yes. Kulay abo ito at syempre super guwapo ng mokong ito.

"Salamat sa tulong mo," saad ko at tinapik ang kan'yang balikat.

"Well, na tiyempuhan lang na nagkapreho tayo type ng dugo.

"Magpagaling ka muna dito. Halos pitong taon ka rin nakahiga sa hospital. Tanging makina lang ang bumubuhay sa'yo. Muntik na sumuko si Van at napagdesisyunan na niya na tanggalin ang makina sa katawan mo. Pero, gumalaw ang isang daliri mo na binigyan ng sign para ipagpatuloy ang paggamot sa'yo."

Ngumiti naman ako.

Hindi ko na sasayangin ang maraming beses na binigyan ako ng chance para mabuhay.

"Parang magkamukha tayo," birong saad niya sa akin.

Inirapan ko lang ito.

"Kailan ang uwi mo sa Pilipinas, Javi?" tanong ko rito

"Next week na pala."

"Puwede bang sumabay sa'yo?" tanong ko.

"Why not. Basta sabihin mo lang sa akin."

Napabuga naman ako ng hangin.

Balik sa dati. Kailangan ko na rin puntahan si Gretta.

INNOCENTLY DANGEROUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon