Entry #162 (10-16-22)

5 0 1
                                    

Dear future self,

Medyo productive ako sa work today. Andami ko kasi na gawa dulot nang pag aantay ko kay Sonny. Kasi ang sabi niya ma out siyang 4pm. So nag para antay pa ako sa store hanggang 3pm something. So gumawa na muna ako nang mga gawain para di ako mabagot.

3:20pm nakapag decide ako na umalis na at baka di ko pa maabutan si Sonny. Pero medyo maaga pa kasi, so pumunta muna ako sa PNB kasi nag chat yun sa akin, uutang daw siya nang 1k. Eh di ko kaya magpa utang nang 1k as of now so, 500 nlng pinautang ko. Nag withdraw muna ako.

Maaga pa rin kaya hindi na muna ako agad pumunta sa ZNG-9. Nag upo-upo muna ako sa Plaza. Tapos na gutom pa ako kasi last meal ko pala 9am pa. So bumili muna ako nang Takoyaki. Tapos kinain ko na muna. May nakakairita pa sanang mag iinterview sakin sa plaza, pero pig decline ko. Tapos umalis na ako dun.

Exacto 5 minutes before 4pm, andun na ako sa ZNG-9. Hinahanap nang mata ko si Sonny, pero di ko siya nakita. Nag antay muna ako at baka nasa likod lang siya. Baka na sa back office lang.

Alam ko napatingin na yung guard nila sakin. Pero di ko na muna tinanong. For sure alam niyang may inaantay ako. Nung nakita ko na 4pm na, di na ako nag hesitate mag tanong.

"Andyan pa po ba si Sonny?" sabi ko sa guard. Yung mukha nang guard na parang na aawa siya sakin kasi nag para antay pa ako dun. Kung siguro hindi yun naka mask si kuya guard, makikita ko na nag pout siya.

"Umalis na po maam. Nag early out siya." Parang na biak yung puso ko nito. Naiinis ako kasi di man lang siya nag sabi sakin. Eh, alam niya naman na pupuntahan ko siya. So dissapointed akong lumabas sa store nila.

Napa isip pa ako kung saan na ako pupunta. Kasi nag aksaya ako nang 2 hours para antayin siya. Sa point na to, gusto ko na lang umuwi at mag mukmok. Kasi ba naman, nag effort ako para maihatid ko siya, tapos umalis na pala siya. 🙄

Tinawagan ko muna siya, tapos hindi pa ako sinasagot. Naiinis na talaga ako, pero kinalmahan ko lang. Kasi ganito naman talaga si Sonny. Kung di ko siya kilala, baka na imbyerna na ako sa kanya. Nag chat ako sa kanya saan kami magkikita. Sabi niya nasa boarding house daw siya. Nag tanong ako saan yun, and tig seen-zone lang ako.

Tang.ina. Hahaiist.

Tapos sabi niya sa may Southburger daw. Ano ba di ko nga alam kung saan yan! Nag tatanong ako kung saan yun hindi na naman nag reply. Tapos buti na lang nakita ko siya last week. So tanda ko na dun sa street na yun ang boarding house niya.

Dumiretso lang ako hanggang sa nakita ko na yung sinasabi niyang Southburger. Tapos nag chat ulit siya sa may harap daw nang Domino's na tarpaulin. And true enough may nakita ulit ako na Domino's sa malapit sa may tindahan. Sabi ko labasin niya ako dun na lang ako tatambay sa dorm nila.

And after ilang minutes, lumabas na din ang shuta. Mind you, mainit pa naman sa labas. Pero as usual nawala na naman agad ang inis ko. For the first time, and last time, makaka pasok na ako sa personal space niya. And mga beh, nagulat ako sa sout niya.

Ang tagal na din nang last time ko siyang nakita na walang mask. Ang pogi niya pala talaga. Tapos sando pa sout niya. Shemayy. Yung braso niya! Waaaahhh. Parang may new favourite part na ako sa kanya. And ganda nang braso niya, may muscles. Shet. Yung puso ko nag flip na naman. Hahaha.

Pina pasok niya muna ako kasi sobrang busy niya pang mag impake. Nag igib pa siya nang tubig sa may labas kasi mahina daw tubig sa cr nila. Naririnig ko pa habang naliligo siya. Hahaha. Yung utak ko medyo iba pa yung na iimagine. Sayang nga di ko napansin ang pag labas niya sa cr. Wala mn lang akong topless na image to keep in my memory. Tsk tsk tsk.

Inaaliw ko nlng muna sarili ko habang inaantay siyang magbihis. Kasi sobrang antok na talaga ako nun. Imagine ang late ko na nakatulog kagabi, tapos ang aga pa nang duty ko. Nag para youtube muna ako. Tapos na bored ulit ako, so nag try ako mag record nang kanta sa Wesing. Baka sakali marinig niya.

"To the bone" by Pamungkas yung kinanta ko. Ayun kumakanta na ako. Tapos nung patapos na ang kanta, biglang dumating yung landlord nila. Hahaha. Nahiya ako dun, kaya napa greet ako bigla nang "good afternoon po". Akala pa naman nila new boarder ako sa taas. 😅

Nung sinabi ko na kaibigan ako ni Sonny, saka sila napasabi nang, "Ay oo nga pala, aalis na pala ngayon si Sonny." Buti na lang timing din naka baba na si Sonny. Kasi na awkward na ako. Hahaha. Sabi niya aalis na kami.

Ang haba nang hair niya ah. Ako pa nag bitbit nang iba niyang gamit. Ang bibigat pati. Hahaha. San ka pa makaka kita nang Pharma, binibitbit ang gamit nang P.A. niya?

But I wasn't there as his boss. I was there as his friend. And secretly, I was there as his lover.

Nag abang na kami nang tricycle sa may dulo nang street, dun malapit sa may ukay2. Hindi pa sana niya ako tatabihan. Pero di ako papayag. Pinush ko talaga na mag tabi kami. Inusog ko yung malaking bag na dala niya, tapos pinatabi ko siya sakin.

At habang nasa tricycle kami, hinaharot harot ko siya. Nag side hug pa ako sa kanya, sabay akbay. Bahala siya. Last naman na din eh. For the last time, naging proxy jowa ko ulit siya.

Inamoy amoy ko pa perfume niya. Ang bango talaga. Tapos tinanong ko siya kung anong brand yun. Di niya daw maalala. Basta Vanilla Almond scent daw na 99 pesos sa shopee.

Mahanap nga yun at maka order. Para kung ma miss ko siya, ispray ko na lang yun sa unan ko. Kunwari ka yakap ko siya. 🤣 Pero joke lang.

Nang dumating na kami sa bus station, nag request ako na mag picture kami. Hayun ang cute na naman namin. Para na namang mag jowa. Hahaha. Na aliw ako dun. Sana mag selos yung totoo niyang jowa. Kung sila pa. Bleh. 😆 (p.s. mag break sana kayo XD)

Ang haba pa nang pila para sa bus papuntang Pili. Salamat na din dun at na extend pa lalo yung time ko with him. Habang pumipila siya, ako yung naka bantay sa mga gamit niya. Tapos... salamat ulit sa malaki niyang bag. Hahaha.

Eh diba madaming pasahero? Tapos may malaki pa siyang eco bag. So need niya yun ilagay sa likuran nang bus. Ako ulit ang naghanap nang upuan para sa kanya. Hahaha. Kaya naka pasok pa ulit ako sa bus.

Nakakita ako nang three seater na wala pang naka upo. Nilagay ko mga gamit niya dun, tapos inaabangan ko na pumasok siya. At habang naka abang ako, nag titingin sa may harapan na entrance nang bus. Bigla ko siyang narinig sa may likuran ko. Nag sabi pa siya nang "Boo" hahaha. Hamag, medyo na gulat ako sa kilig dun ah. Parang second best part yun. Kasi may best part pa sa ala movie scene namin na farewell.

Pina upo ko na siya. Tapos aalis na sana ako. Nag paalam na ako sa kanya at lahat lahat. Tapos muntik na akong lumabas sa bus. Pero bumalik ulit ako.

"Di pa naman aalis ang bus diba?" Tanong ko sa kanya. "Mag picture muna tayo, kunwari sumama ako." Bigla ko lang naisipan gawin. 😆 Paraparaan lang naman.

Tumabi ako sa kanya, tapos nag picture2 muna kami. Hindi pa agad ako umalis. Tawa na naman kami nang tawa. Sabi ko pa "Parang ako yung aalis eh, bakit ka ba kasi nag uniform?". Then ayun na yung best part. Kinuha ko kamay niya, at pasimple ko siya naka holding hands. Sabi ko, "Good luck dun sa lilipatan mo na branch." Napaisip pa nga ako kung sasama ba ako. Napaka comfortable kasi na umupong katabi ko siya. Sana sumama na lang pala ako.

Pero as usual, mas natakot ako na mahirapan akong bumalik sa Naga. Kaya ayun, for real na, nag paalam na talaga ako. And it left my heart sinking. Di man lang kami nakapag hug. 🥺
At dito na magwawakas ang aking one-sided story with my proxy jowa for three years. Sana hindi siya gaano mahirapan dun. And for sure, tatawagan naman ako nun kasi wala daw pharmacist dun sa lilipatan niyang branch. 😂

The End.

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now