Chapter 36

1K 18 6
                                    


CHAPTER 36

"Mom, where are you?"

[In your dad's office. You wanna talk to him?]

Narinig ko ang lakad ng kanyang takong. Malamang ay lalabas sa office.

"Gusto ko sanang igala si Clea."

[But anak, is it okay for you to come here?] Nag aalalang tanong ni mommy.

Napaisip ako. Nitong umaga kasi ay may lumabas na article at ang malala pa ro'n ay pinaako ko raw kay Jared ang bata. Napapagod na ako sa mga paganyan ng ibang tao. Masyado na silang nanaghihimasok sa buhay namin. Ayaw ko naman madamay ang anak ko.

"Yes, mom."

[Okay! Take care. Anyway alam ba ni Jared?]

"He's actually waiting for us in the lobby."

Nag ayos agad ako ng gamit ni Clea na ilalagay ko sa aking bag matapos ang tawag.

Buti na lamang ay mabilis na naturn down ni Dad ang Journalist pati ang company na pinapasukan nito.

But of course there are still some dummy accounts who spread false information about us. Hindi kasi lingid sa kaalaman nila ang paglabas-labas namin ni Jared dati na magkasama dahil puro condo lang naman ang punta namin. Nito lang kami nalaman ng ibang tao lalo na't sikat pa si Jared mapa local o international. Kaya naipalabas nila na anak ko sa ibang lalaki si Clea dahil sa ilang buwan kong pananahimik sa may Negros.

"Nay, alis na po kami." Paalam ko nang makababa na kami.

Napangiti si Nanay nang makita ang suot ng aking anak na pink baby dress at shoes na bili ni Jared nakaraang araw. Napadaan kasi siya sa isang baby store. Samantalang ako ay nakasuot ng Vintage Knitted turtle neck shirt at white wide leg cargo pants. 3 inches lang ang suot kong Black T-strap Heels para medyo iwas sa tapilok.

"Ingat kayo. Iwas sa media."

"Sige po, nay."

Buti na lang ay aircon lahat ng sasakyan namin pati na rin ang pupuntahan namin. Letcheng Jared iyon paggising ko no'ng isang araw at tadtad ng kissmarks ang leeg at clavicle ko, hindi pa siya nawawala ng tuluyan kaya wala akong choice kundi ang mag turtle neck.

"Cleine, Dito na lang tayo. Sarado ang ground floor parking lot."

Nasa harap na kami ng building. I texted Jared na nandito na kami. Hindi kami pwedeng lumabas na lang lalo na't may iilang media pa ang nasa labas nitong company.

Nagready na ako nang makitang naglalakad na palabas si Jared kasama ang tatlong bodyguard. Napapikit ako at huminga ng malalim dahil agad siyang dinumog ng mga pesteng media na naghihintay sa labas.

Bakit hindi sila matahimik?!

"Love, let's go."

"Dad..ddy.." Clea's murmured. Mabuti pa sa Daddy niya ay medyo buo na ang bigkas.

Jared kissed our baby's forehead before helping us to get out of the car. He gently wrapped his arms around us, protecting us from those damn flashy cameras. Agad din humarang ang driver at dalawang bodyguards sa amin.

Medyo malikot si Clea dahil sumisikip ang daanan namin.

"Mr. Jared Cervantes. Ano pong sagot niyo sa mga lumalabas na issue tungkol sa inyo?"

"Totoo po bang pinaako lang sa inyo ni Miss Nueva ang bata?"

Kanya-kanyang mga tanong sila habang naglalakad kami. Saan kaya nila napulot ang mga ganyang ideya?

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon