Chapter Five

2.3K 65 7
                                        

Bear with my grammar, typographical errors and misspelling words. You can correct me if I'm wrong, I am willing to learn my mistake! Thank you and Enjoy reading, mga unnoticed unnoticed baby!


ALYESHIA





"Forget what I said. I won't cancel the engagement anymore."





Napanganga kaming lahat sa sinabi ni Veighn. Parang may dumaan na anghel sa gitna namin dahil ni isa sa amin ay walang nakaimik at nakareak sa kan'yang tinuran. He's joking right? Imposible namang sabihin niya 'yan, baka guni-guni ko lang o kaya nasa imahinasyon ko lang na sinabi niya 'yon?






Kinurot ko ang aking balat at nagbabaka-sakali na nananaginip lang ako ng gising pero naramdaman ko naman ang hapdi sa aking balat. Nanlaki ang mata ko, isa lang ang ibig sabihin no'n, hindi s'ya ang male lead! Joke lang. Agad naman akong nakarecover sa pagkagulat at ’agad nagtanong.







"W-why? Wala ng bawian, young master." angal ko ngunit tiningnan lang ako ng malamig sa mata  bago nagsalita ulit na nagpalambot sa akin.







"I changed my mind. I will marry you, you should be happy now because I agree with the wedding." napakagat ako ng labi at huminga ng malalim. Hindi pwedeng masisira lang ang pinlano ko.







"N-no! I won't mind if you stop the wedding young master, you know naman that I am not qualified as your wife. " mabilis kong palusot na nagpaangat ng kilay nito. Shet, bakit nabaliktad ‘ata.







"Why?"





Nagisip ako ng idadahilan.






Gumana ka namang utak ka, 'wag ka ngayong mamental block please lang!






Biglang may nag pop up sa utak ko ng maalala ang mga pambansang line sa mga stories ’pag lalayuan nila ang male lead. Napangisi ako ng maalalang sinabi rin ni Dielaide ito para layuan si Veighn.







"B-because, I don't love you anymore! Hindi na kita mahal dahil nagsawa na akong mahalin ka. I'm not the same anymore that will always chase and tell you that I love you everytime, young master. Naka-move on na ako sa'yo, I don't love you anymore." napakagat ako sa dila matapos kong sabihin ‘yon. Napatulala pa sandali ang male lead kasama ng pamilya ni Alyeshia dahil ‘ata sa sinabi ko. Ano, hindi lang makapaniwala?







“That’s impossible, Alyeshia. How can you say that to the young master? Alam naman naming lahat dito kung gaano ka kabaliw sa young master.” napairap ako kay Maddieson. Bakit ba ang hilig lagi nitong makialam?







“It's possible, sister. Since I woke up from my accident, I just realized that if I stop loving him, I will not harm myself again. Pagod na akong mapahamak dahil lang sa pagmamahal na ‘yan. If a person doesn't want me, then starting from now on, I don't want them too. Ituturing ko silang hindi kilala at wala na akong pake pa. I know now my worth and I will let them know too. Hindi ko na ipagsisiksikan ang aking sarili sa mga taong kahit kailan ay hindi ako nakikita,” binasa ko ang ibaba ng labi ko bago sinabi ang pinakang concern ko sa lahat.










“That's why, I don't see any point in continuing this marriage. The young master said that I am not qualified to be a wife and he's right.” paliwanag ko at seryoso silang tiningnan lalo na ang male lead na seryosong nakatingin sa akin ng may amusement sa mata. Natigilan ako dahil doon pero ’agad din akong umiwas. Napadapo ang paningin ko kay Duke Formentero ng bigla itong tumawa kahit walang nakakatawa.










Transmigrated as a Weakest Daughter of Duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon