• Bear with my grammar, typographical errors and misspelling words. You can correct me if I'm wrong, I am willing to learn my mistake. Thank you and Enjoy reading, my unnoticed baby!
ALYESHIA
Bumalik na lang ako sa loob ng hindi ko na matanaw ang male lead. Wala na rin naman akong ibang gagawin sa tapat ng pinto kung nag stay pa ako roon. Bigo rin naman ako kaya ano pang saysay ng pananatili?
“Lady Alyeshia, maayos lang po ba kayo?”
Napalingon ako kay Lourda na ngayon ay nasa gilid ko na pala, hindi ko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
“Okay lang ako, sumunod ka sa akin papuntang kwarto. May sasabihin ako sa'yo,” tumango lang ito kahit bakas ang lito sa mukha. Nadaanan pa namin ang living room kung saan naroon ang pamilya ni Alyeshia. They're looking at me again. Dire-diretso lang ako, wala sanang balak pansinin sila kaso naalala ko na bawal gawin ’yon, lalo na't hindi naman kagaya ng earth ang mundo na ito.
Tumigil ako sa paglalakad ng magsalita na naman si Maddieson, muntik na nga akong mapairap ng umepal na naman s'ya eh.
“What's that, Alyeshia? Matapos mong sabihan ng kung ano-ano ang young master kanina, tapos may gana ka pang lapitan at habulin na naman? The nerve you got—you're just an unworthy person, the weakest and attention seeker bitch. What's with you now? Nagpapapansin ka na naman ba?,” nakagat ko ang dila ko dahil sa inis na naramdaman sa sinabi nito. Favorite line na ’ata ni Maddieson ang, 'nagpapansin ka na naman ba?' simula nu'ng nagising ako. Napahinga na lang ako dahil alam kong may eksena na namang gagawin si Maddieson ngayon, what's new? Eh gawain naman niya lagi ’yan.
Minsan napapatanong na lang ako eh, like paano kaya nakakaya ni Alyeshia na tiisin ang mga sinasabi ng babaeng 'to? Siguro kung ako sasabihan nito ng gana’n, susungalngalin ko s'ya.
"Kinausap ko lang ang young master, Ate Maddieson. Hindi ko s'ya hinabol para lang ipagpipilitan ang sarili ko. I told you guys already, I will stop chasing him and never harm anyone again." paliwanag ko at seryoso itong tiningnan sa mga mata, napangisi pa ito na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Don't fool us again, Alyeshia. The last time you said that to us, you still chased him. Mas dumami pa nga ang mga katangahang ginawa mo kaya puro kahihiyan na lang ang nadadawit sa pamilya natin! Tapos ngayon may balak ka na namang ulitin ang ginawa mo noon?" maanghang na sabi nito at tinapunan ako ng masamang tingin. I just calmed myself.
"Kung hindi ka maniniwala sa sinabi ko, fine. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, hindi ko naman kailangan ang opinyon mo." nagngitngit ang ngipin nito.
"My opinion matters, Alyeshia. I'm still your older sister kaya sasabihin ko lahat ng gusto ko at papansinin ko lahat ng ginagawa mo, because at the end of the day you're still my little sister. I got the upper hand, you can't do anything about it." malaki ang pagkakangisi nito nu'ng sabihin sa akin 'yon. Proud pa s'ya sa lagay na 'yan eh nagmukha lang naman s'yang asong bang aw nung sabihin 'yon.
“Stop, you're being too much again, Ate Maddieson.” lumingon si Maddieson kay Hanely at bahagyang inirapan ito.
“Bakit ba lagi mo na lang pinagtatanggol ’yang babaeng ‘yan ha, Hanely? Hindi naman s'ya kahalagahan para ipagtanggol, pinagpagod mo lang ang sarili mo.” ramdam ko ang gigil ni Maddieson ng sabihin niya ‘yon. Napakagat labi naman si Hanely at napaiwas ng tingin. Akala ko’y hindi na s'ya iimik dito pero gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang sinabi nito.

BINABASA MO ANG
Transmigrated as a Weakest Daughter of Duke Formentero
Fantasy🌾 Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student who transmigrated to the body of the weakest daughter of a powerful and heartless Duke. She didn't know what to do. Aside from being transmigrated, she also needs to face and encounter the Male le...