Kinain na ng gabi ang araw,madilim na ang paligid. Sa oras na ito ay nagsisipaghinga na ang mga hayop at ibon. Nagsisi-awitan na ang mga kuliglig. At nagsasayaw na ang mga paniki sa hangin.
Ganoon dapat ang gabi ngunit hindi sa kagubatang ito. Na kahit ang tunog ng hangin ay ipinagkait.
'Bakit ganito na lang kabigat ang parusa sa akin, may nagawa ba ako'ng mabigat na kasalanan?'
di ko mapigilang tanungin ang sarili ko.~Mikan,ipangako mo..kay Ina... Protektahan...mo...ang iyong... mga.. kapatid~
Kusang tumulo ang mga luha ko nang maalala ang tugon sa akin ni Ina.
'Marahil ay meron nga.'
Hindi ko nagawang protektahan si Ditse. Hindi ko natupad ang ipinangako ko kay Ina.
Hindi ko alam kung ano'ng gubat itong pinagkukulungan sa akin.
Ang alam ko lang, isa itong masukal na gubat na walang hangganan. At tanging isang sinag lamang ng araw ang nakakalusot sa malalagong dahon ng mga puno.Ika Limang libu't apatnapong araw na ngayon mula nang ikulong ako dito.
Araw araw sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay Ditse. At gabi gabi, binabangungot ako.
Binigo ko si Ina at ito ang naging kaparusahan ko.
Nararapat lamang ito sa akin.'Patawad Ina.'
paghingi ko ng tawad kasabay ng pagtulo ng aking luha.Unti-unti namang bumigay ang mga mata ko sa gabi,hanggang sa tuluyan na itong pumikit.
'Guro,Liram,Yaman..Liwa...'
.
.
.
.
.
.Ang Nakaraan...
Paalala: Panoorin muna ang vedio na ito. Ito ay fight scene clip ng Death Grip movie kung saan gamit nila ang Kali martial arts sa pag-aaway.MAHALAGANG PAALALA, ang vedio na ito ay may graphic voilence na hindi maaring panoorin ng mga bata na may edad na 17 pababa.
YOU ARE READING
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...