-Liram--
Noong anim na taon pa lamang kami ni Mikan......
"Umalis ka dito sa nayon namin!" galit na sigaw ko sa kanya. Sinipa ko siya palabas ng tarangkahan at sinarhan.
"Waah waah."
Pumalahaw siya ng iyak."Inagaw mo sa akin si Ina at si Ditse! Umalis ka dito!"
Umiiling-iling siya habang umiiyak."Hin *singhot* hindi ko sila *singhot* inagaw." Umiiyak na sabi niya.
"Sinungaling!inagaw mo sila sa akin!" Umiling-iling ulit siya.
"Hindi.."
Sinipa ko ang tarangkahan at napakislot naman siya."Alis! Alis!"
"Huwag mo *singhot* akong awayin.*singhot* sabi ni Ditse *singhot* dapat magkaibigan *singhot* tayo."
"Gusto mong maging magkaibigan tayo?" Nakahalukipkip na tanong ko. Tumango-tango siya.
"Sige papayag ako.." sabi ko at nagliwanag ang mukha niya."Kung makakahuli ka ng limang tikbalang."
"Pangako?"
Nag-isip ako sandali. Ang sabi ni Ama pag-isipan ko muna bago mangako dahil hindi ito kailan man mababawi. At kapag mangako ako sa isang tao dapat ko iyong tuparin.
Tiningnan ko ang kabuuan ni Mikan.
Payat, iyakin-hindi siya makakahuli ng limang tikbalang.
"Pangako." Sabi ko sa kanya na puno ng kompiyansa.
"Pangako mo yan a!" Sabi niya at sa isang iglap nawala siya sa labas ng tarangkahan.
"Hehe." Mahinang ngisi ko at naglakad pabalik sa bahay.
Wala na ako'ng kaagaw kila Ina at Ditse.
"Mm hmm hmm mmm." Kanta-kanta ko habang masayang naglakad papasok.
Napahinto ako nang biglang dumilim ang paligid, sinabayan pa ito ng kulog at kidlat. Ilang segundo lang ang lumipas bumuhos ang malakas na ulan at malakas rin ang bugso ng hangin.
Lumabi ako at nagsimulang umiyak."Waaaaahh!!" Malakas na iyak ko. "Inaa! Ditse!!" Tawag ko sa kila Ina habang umiiyak.
"Liram,ano'ng nangyari?" Tanong ni Ina pagkalapit sa akin. Tumingin ako sa kanya
"Uwaahh,nagalit po sa akin ang mga bathaluman ina!! Waaahh!"
"Bakit? May ginawa ka ba na hindi nila nagustuhan?" Tumango-tango ako.
"Sinipa ko po palabas si Mikan. Pinapaalis ko po siya." Pag-amin ko sa kanila.
"Liram, bakit mo naman yun ginawa?" Malumanay na tanong ni Ditse."Ina,puntahan ko si Mikan sa labas." Pagpapaalam ni Ditse.
BINABASA MO ANG
Engkanta :Unang Yugto
SpiritualKabado kaming lahat. "Engkantre Mikan, paano po kung may sukdulan na rin sa ating katubigan." "Huwag kayong mag-alala. May inihanda na ako'ng paraan. Makinig kayong mabuti, anuman ang masaksihan niyo mamaya huwag kayong masindak. Kumapit lang kayo...