Chapter 32

54K 2.2K 1.8K
                                    

Dela Rama





Hindi ko kaagad naalis ang tingin ko sa kanya dahil sa gulat. Tsaka lang ako bumalik sa wisyo nang marinig ko ang ingay ni Hartemis. Nakita kong naka pula pa din ang street light kaya naman nagmamadali akong tumawid at hindi na nilingon pang muli ang gawi ng lalaking 'yon.

Habang naglalakad palayo ay pilit ko pa ding itinatago ang mukha ni Hartemis. Noong mga panahong gusto siyang makita ng mga baby ko ay hindi naman naging madali 'yon para sa amin. Bakit ngayong siya ang gustong makita sila ay ganon ganon na lang?

He deserves his privacy before, sino ba naman kami to asked for his presence. Well, my baby deserves her privacy now...sino ba naman siya to ask for my baby's presence.

Mahigpit ang yakap ko kay Hartemis habang pabalik kami ng condo. Ramdam ko ang ilang beses na paglingon sa akin ng baby ko, para bang nararamdaman niyang may mali.

Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na lingonin siya pabalik pagkapasok namin sa elevator.

I'm very firm with my decision earlier na hindi deserve ni Hunter na makilala siya, pero sa tuwing tumitingin ako sa mga mata ni Hartemis ay nag-guilty ako. Minsan ng ipinagkait sa akin na makilala ko ang totoo kong Daddy...gagawin ko din ba 'yon sa mga baby ko?

"Not now...but soon," malambing na sabi ko sa kanya, tsaka ko siya hinalikan sa pisngi at muling niyakap ng mahigpit.

Konting oras pa. Makakaya ko din. Kahit hindi na ang feelings ko, para na lang sa mga baby ko. Hindi ko hahayaan na maranasan nila ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

Hindi naging madali para sa amin ang mag-adjust sa bagong bahay. Naranasan naman naming tumira sa condo, pero mga ilang araw lang. Ngayon ay kailangan naming tanggapin na ito na talaga 'yon. Wala kaming ibang mapupuntahang bahay sa oras na umalis kami dito.

"Ako na pong bahala sa budget para sa grocery natin for this coming week. Ako na din po ang bibili. I really need you to focus kay Hartemis, Ate Let. Lalo na pag nakahanap na ako ng work."

Lumaki akong hindi kailanman naging problema ang pera. Lahat ng kailangan at gusto ko ay makukuha ko ng walang kahirap-hirap. Mas lalo akong naniniwala sa kasabihan na bilog nga talaga ang mundo.

I never see this coming. Hindi kailanman sumagi sa isip kong mapupunta kami sa ganitong klaseng sitwasyon.

Simula ng lumipat kami sa condo ay mas lalong napalayo ang loob ni Mommy sa amin. May sarili siyang mundo, may sarili na siyang mga plano. Halos gabi-gabi siyang lasing, buong araw na naka kulong sa kanyang kwarto.

Hinayaan ko no'ng una sa pag-aakalang baka 'yon lang ang way niya ng adjustment at titigil din sa mga susunod na araw pero hindi nangyari.

"Mommy, kaya natin 'to. Kaya natin basta magkakasama tayong tatlo ni Hartemis, di ba po?" marahang pagka-usap ko sa kanya.

Bumalik siya sa dati, palaging galit at iritado. Palagi ding naka sigaw. Nakalimutan ata ni Mommy na wala na kaming mga kasambahay, at si Ate Let ay para kay Hartemis.

"Ako na po," sabi ko kay Ate Let ng muli nanaman naming narinig ang sigaw ni Mommy mula sa kanyang kwarto.

Magpapakuha nanaman siya ng alak. Ako na ang nahihiya kay Ate Let dahil ang trabaho naman talaga niya dito ay bantayan si Hartemis at hindi si Mommy.

"Napakatagal!" galit na reklamo ni Mommy pagkapasok ko sa kanyang kwarto.

Pagod ko siyang tiningnan. Probelmado ako kung paano i-budget ang natitirang pera ko sa bank account ko.

"Mommy, wala naman po kasi tayong utusan dito..." marahang pagpapaintindi ko sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa akin, kahit ang pagtayo ay nahihirapan na siya dahil sa alak.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon