Chapter 42

994 42 2
                                    

LUDO POV

Kinabukasan ay maagang umalis si ina.

Kaya pala ito nagmamadaling kumakatok kahapon ay dahil tumawag si Aling Marta para ibahagi ang magandag balita.

Tinulungan ko nalang siya ayusin ang kanyang mga gamit na dadalhin pag-uwi sa aming nayon.








-----
Inabala ko na ang sarili sa paglilinis ng aking silid at dahil doon pawis na pawis akong umupo sa mahabang sofa na narito.

Sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Azriel ay iisang beses palang akong nakalabas.

Gusto ko sana sumama kay Manang sa pamilihan pero mabilis itong tumatanggi.

Ang bilin daw ni Azriel ay huwag akong palabasin.

Humihingi naman ito ng pasensya sa akin.
Kaya hindi na muli ako nagpumilit.

Dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako.


"Make sure they can't escape"

Nagising ako dahil sa malamig na boses na aking narinig.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay bumungad ang malapad na likod ni Azriel.

"You're awake,why did you sleep on the sofa baby?malamig niyang saad.

"Hi-hindi ko namalayan na nakatulog ako."paos na tugon ko.

Hinawakan niya ang aking mukha.
Nakahiligan narin niyang hawakan ito bukod sa paghalik sa aking noo.

"Do you want to come with me to my office "il mio bambino"?

Napangiti ako ng malapad sa aking marinig at dahan-dahang tumango.

"I'll take you with me tomorrow, but for now you need to get up and we'll eat."

Tumayo ako at mabilis niya akong inalalayan.

"Be careful"

Pagkababa namin ay doon ko lang namalayan na gabi na pala.

Pagtingin ko sa orasan na aking nakita ay mag aalas-siyete na.

Napahaba pala ang aking ptulog.























Stay safe everyone❤️


Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon