Chapter Nine

27 5 0
                                    

Pag pasok ko sa school lahat ng student nakatingin sakin

"Diba siya yung estudyante na nakipag relasyon kay teacher cris?" Sabi ng isang babae

"Nako kaya lang naman niya sinagot yung adviser niya para di siya bumagsak "sabi ng kausap niya

"Akala ko mabait nasa loob pala ang kulo malandi din pala" nandidiri nilang tingin sakin

"Balita ko nga binigay niya ang sarili niya para lang di siya ibagsak eh "

" Alam niyo ba ako nag picture nun ? Nakita ko sila kahapon mag ka holding hands " sabi ng isang estudyante

Ang dami dami kong naririnig na bumubulong sa paligid pero yung huling tao ang nangibabaw sakin napalingon ako sakanya pinigilan ko ang sarili ko lumamit sakanya at nag patuloy na sa pag lakad habang nag lalakad ako ang iba parang nandidiri na akala mo may nakakahawang sakit ako

Dali dali na ako pumunta ng room namin at nakita ko nakatayo dun si luna

" AUTUMN " sigaw niya

Tumingin ako sakanya na naluluha

" Are you ok? Sinaktan kaba nila ?" Nag aalala niyang sabi

Umiiling Ako

" Ui autumn ikaw ah akala ko inosente ka nasa loob pala kulo mo ah " natatawang sabi ni jester

" IKAW NGA MANAHIMIK KA NGA WALA KANG ALAM " sigaw ni luna

Dali dali ako tumakbo pumunta sa pinaka dulo ng school na never pinuntahan ng estudyante

Iyak lang ako ng iyak wala akong kasalanan hindi ko naman ginusto na gustuhin din niya ako gusto ko lang maranasan na mahalin din naman . Masama bang mag mahal ako ? Bawal ba ako mahalin?

Kahit sarili kong pamilya gusto na ako itakwil . Sarili kong pamilya kinakahiya ako sarili kong pamilya sinabihan ako ng masasamang salita sariling pamilya ko na akala ko na sila ang kakampi ko sa ganitong problema.

Sino paba pwede ko kapitan sa ganitong sitwasyon sarili ko nalang ang meron ako

Dahan dahan ako tumayo at lumabas ng school may shortcut dito na pwede lumabas aakyat kalang sa gate first time ko gagawin to

Sumakay nalang ako ng jeep pupunta nalang sa nag iisang kakampi ko sa buhay.

Nang makarating ako sakanya naupo agad ako at hinawakan ang lapida niya

"Lola balik kana please balik kana miss na miss na kita " iyak lang ako ng iyak

" Lola galit na sakin ang lahat malandi daw ako nag mahal lang naman ako eh masama bang may mag mahal sakin ? Bawal bang mahalin din ako?"

Iyak lang ako ng iyak sakanya siya lang ang meron ako kaso kahit siya kinuha nila sakin

Naging masama ba akong anak ? Kapatid ? Naging masama ba akong tao ? Lahat ng gusto nila ginawa ko naging masunurin ako pero bakit sa ganitong sitwasyon iiwanan nila ako .

Gusto kong mag sumbong sainyo

Ma , pa inaapi nila ako sinabihan nila ako malandi ma pa ang sakit po wala ako makapitan ngayon wala kahit sino.

Pero paano ako lalapit sakanila kung sila mismo ang unang nag judge sakin .

"Autumn " nagulat ako sa boses na nasalikod ko

"Paanong - " gulat na gulat ko padin sabi habang luhang tumutulo saking mata

" Diba na kwento mo sakin dati pag wala kang kakampi saknya ka lalapit na siya lang lalapitan mo " dahan dahan siyang lumapit sakin at pinunasan ang luha saking mata

I Love You , SirTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang