CHAPTER 4

205 13 6
                                    

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

Habang tinatahak namin ni Stanley Perez ang daan patungo sa kabilang bahagi ng hotel na kinaroroonan namin, panay ang singhap ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang putukan. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Stanley habang patuloy kami sa pagtakbo palayo sa gulo.

"This way," ani Stanley at hinila ako patungo sa fire exit door. Mabilis kaming pumasok doon at tahimik na sinilip ang hagdan pababa. "Kaya mo na bang mag-isang bumaba mula rito?" tanong pa niya sa akin at binitawan na ang kamay ko.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Iiwan mo ako?"

"Kailangan kong bumalik sa loob, Aurora. Nasa loob pa rin ang pamilya ko at-"

"Nasa loob din ang daddy ko!" bulalas ko at matamang tiningnan ito. "Please, hindi ko kayang umalis sa lugar na ito mag-isa, Stanley," dagdag ko pa na siyang ikinatigil nito sa harapan ko. "Ni paghakbang ay hindi ko nagawa kanina. Kung hindi ka lang dumating sa banyo, paniguradong nasa loob pa rin ako ngayon. Hindi ko magagawa ito mag-isa kaya naman please, huwag ka nang bumalik sa loob. Ikaw na ang nagsabing delikado roon. We need to leave this place as soon as possible."

"Fine," anito at humugot ng isang malalim na hininga. Muli nitong hinawakan ang kamay ko at nagsimula na kaming humakbang pababa ng hagdan. "We're headed towards the parking lot. Naroon ang kotse ko," imporma nito sa akin at mas binilisan namin ang pagbaba sa hagdan. Kahit na sobrang sakit na ng mga paa ko ay hindi na ako nagreklamo. Buhay namin ang nakasalalay dito. Kailangan kong magtiis hanggang sa maging ligtas na kaming pareho ni Stanley.

I just hope my dad, my dear friend Fiona, and her family are safe too. Sana'y walang masaktan sa kanila sa gulong nangyayari ngayon sa event hall ng hotel.

Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at isinantabi ang lahat ng mga iniisip ngayon. Kailangan kong ituon ang buong atensiyon sa ginagawa naming pag-alis sa lugar na ito. Hindi ako maaaring ma-distract dahil baka ito pa ang ikapahamak naming dalawa ni Stanley! I sighed and continue walking. Malalaking hakbang na ang ginagawa namin ngayon ni Stanley at noong makarinig kami ng isang putok ng baril mula sa itaas kung saan kami nanggaling kanina, napasigaw ako.

"Shit!" bulalas ni Stanley at hinila ako papalapit sa kanya. "They're here," dagdag pa nito tiningnan akong mabuti. "Aurora, take this," aniya at ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan nito. "Open the next fire door exist. Parking lot na iyon at hanapin mo roon ang sasakyan ko."

"What? No, Stanley. Hindi kita iiwan dito!"

"Stop arguing with me, young lady. Kailangan mong makaalis sa lugar na ito!"

"Pero... paano ka?" takot na tanong ko sa kanya.

"I will distract them," simpleng sambit niya at may kung anong kinuha sa likuran niya. Segundo lang ay napaawang ang labi ko noong makita kung ano iyon. "Go, Aurora. Susunod din ako sa'yo."

"I... I can't drive, Stan-"

"Susunod ako. My car is bulletproof. Mas ligtas ka sa loob nito. Susunod ako sa'yo at sabay tayong aalis sa lugar na ito. Now go," aniya at muling binitawan ang kamay ko. Wala sa sariling napatango na lamang ako kay Stanley at dahan-dahang tinalikuran ito. Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi bago muling tumakbo pababa sa may hagdan.

Panibagong putok ng baril naman ang narinig ko kaya ay hindi ko napigilan ang sarili sa pagtigil sa pagkilos at sa pagsigaw. Inilagay ko na lamang ang kamay sa may bibig at muling inihakbang ang mga paa. At noong namataan ko ang fire exit door na tinutukoy ni Stanley, mabilis akong lumapit dito at binuksan iyon. Dali-dali akong pumasok sa may pinto at isang malawak na parking space ang bumungad sa akin.

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon