16

4.6K 137 35
                                    


"DO YOU really want us to talk here in the dark?" Jared asked."At least, you'll know that dark stables aren't just for kissing and petting... So, ano ang ibig mong sabihin uli?"


Nagsimulang ilahad ni Jared ang dahilan kung bakit kailangan nitong mag-asawa. Ni hindi tinangkang putulin ni Serena kahit isang sandali ang paglalahad nito. Ni hindi niya makuhang paniwalaang sa bibig mismo nito manggagaling ang kalutasan ng suliranin niya... nila ni Christian.


Habang nagkukuwento ito ay pinasasalamatan niya nang lihim si Don Benedicto—saan man ito naroroon ngayon.


"Nang... magkakilala tayo'y pinlano mo nang ihayag sa akin ang... ang proposal mo na iyan?""To tell you frankly, no. Naisip ko lang ang bagay na ito nang magbiyahe ako kahapon pauwi rito mula sa Maynila."


"I see." May ilang sandali siyang pinalipas bago nagpatuloy. "And your twin brother must have married in a rush for the same reason." It was more of a statement than a question.He shrugged. "My Aunt Carrie have known the bride for a long time. Adriana's her husband's daughter."


Hindi iyon ang sagot na gustong marinig ni Serena. But she didn't push. "Ang... ang nangyari lang ngayon, kasama ba sa plano mo?"


Tinitigan siya ni Jared, mula ulo hanggang paa. Huminto ang mga mata nito sa dibdib niya. Napahugot siya ng marahang hininga.


"Believe me, no," he said finally. "I intended to court you... to woo you slowly. Alam kong iyon ang gusto ninyong mga babae. The kissing part came naturally... you made me lose control of myself, Serena."


It was a backhanded compliment and she was silently pleased. "At sa nangyari'y para ka pang tinulungan ni Tiya Adel sa binalak mong panunuyo," sarkastikong sabi niya."As I said, I'll call it 'pikot.' Or preemption."


"At hindi ba naaayon iyon sa plano mong makapag-asawa para matugunan ang kahilingan ng mga abogado ninyo? Mapipikot ka nang ayon sa kagustuhan mo."


His dark eyes gleamed in the dark as he stared at her. "I preferred honesty, Serena. I hate manipulation. I don't want being pushed. After the wooing, I would have told you of my plans. As it is, your aunt preempted it. In a manipulative way, minadali ng tiya mo ang balak kong pagtatapat sa gusto kong mangyari. In the process, I might as well go along with your aunt.""How brutally honest," she said sarcastically. "Paano kung ako mismo ang tumanggi, Jared?" Which is the most stupid thing, you idiot... nagpapakipot ka pa... "Tulad mo, I also hate being manipulated."


"Would you?" he challenged. At nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "I really like you, Serena... desire you, in fact. Kung ang nangyari lang kani-kanina ang pagbabasehan natin." He gave her a once-over.


Mas nararamdaman ni Serena kaysa sa nakikita ang pagnanasa ni Jared habang pinaglalandas nitong muli ang mga mata sa kabuuan niya. May pakiramdam siyang hubad siya sa paningin nito. She shivered a little. Shivering that had nothing to do with the cold wind that crept inside the stable.


"And I know you feel the same way, too," patuloy nito. "At least, kung magpapakasal tayo ay may pundasyon tayong pinagbabasehan."

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon