Chapter 8

49 9 0
                                    

Dave’s POV

Bilang GUARD talaga? Hindi ko inaasahan ito ah… hindi ako handa…. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon… Ang tanging napaghandaan ko lang ay ang pakasalan ang apo niya at hindi para maging body guard niya…. Asar talaga... bakit ba ang arte kasi ng apo niya…

Dito na ako ngayon sa bahay nila.. at hinihintay naming bumaba yung apo niya…

“Hijo, pasensya ka na sa naging plano namin ng lolo mo…..Ito lang talaga ang naisip namin para magkalapit kayong dalawa….”

Haixt ano pa nga ba ang magagawa ko… hindi ko naman pwedeng hindian si lolo..

    Mag-iisang oras na akong naka-upo dito bakit hindi pa siya lumalabas… arte talaga.. eh tinawagan na siya ng lolo niya kanina ah…

“Oh ito na pala siya…” medyo napalingon ako sa pagkakaupo dahil medyo nakatalikod ako sa hagdan. Maganda nga siya… maganda rin naman ang katawan pero asar pa rin ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit ako magiging bodyguard…. Bakit ba naman kasi tinangka pa niyang tumakas…

Gwen’s POV

Nagulat ako nang tumawag si Lolo sa akin… bigla niya akong pinagbihis.. at parating na raw sila… hindi ko na natanong kung sino ang kasama niya basta sinunod ko na lang siya… hanggang ngayon kasi medyo may trauma pa rin ako sa kanya..

   Oo nga, kagabi nabanggit niyang pupunta siya kila Lolo Ricardo… (uy lolo FC lang, feeling close..  paki niyo ba…)

Habang naliligo ako bigla ko na lang naisip na… aiiiiiiiiiii baka kasama niya na ung lalaking sinasabi niyang pakakasalan ko… Oh no…. wala na akong ligtas…….

Pwede bang wag nang mag-ayos para di niya ako magustuhan…. Kung pwede lang…. pero naaalala ko pa rin hitsura ni lolo na galit… sige na nga  ayos ayos…. Pabango pabango… 

Matapos akong makapagbihis lumabas na ako ng kwarto at tutungo sa sala… Medyo nasilip ko si lolo na naka-upo, nakaharap sa hagdan… nakita ko rin ang isang clean-looking guy…. Macho, maputi, at mukhang mabango… Tumitingin-tingin siya sa suot niyang relo.. naalala ko medyo isang oras na nga rin pala akong nagbihis mula nung tumawag si lolo sa akin… naiinip na siguro siya…. Eh buti nga sa kanya….

Narinig ko si lolo na nagsalita nang nasa bandang baba na ako ng hagdan, mga 3 steps pa bago yung floor.. Napatayo siya at nilingon lang ako ng bahagya with that serious look at saka tinungo ang tingin kay lolo….

“Dave, meet my granddaughter Gwen.” Inabot niya ang kanang braso niya patungo sa akin para makipagkamay…

“Hi, I’m Dave. Nice to meet you mam.” Seryosong sabi niya…. Napakatipid namang kumilos at magsalita nito… kulang nalang isipin kong robot siya….

“Ma’am?” ?????

“Oo Gwen, hindi muna kita ipakikilala sa apo ni Ricardo. Bibigyan kita ng panahon para maghanda at habang hinihintay natin ang panahong iyon… kumuha ako ng personal body guard mo para bantayan ka habang minamanage mo ang business natin…”

“Lolo hindi ko po kailangan ng body guard….. hindi naman na po ako tatakas ulit eh..”

“No way… I have to make sure na hindi ka talaga tatakas…”

“Please Lolo…”  biglang na-conscious ako sa hitsura ko.. kasi parang bata akong nagmamakaawa na mabilan ng laruan… tinignan ko si Dave at nakita kong nakatingin siya sa akin na para bang “what-she’s-doing face”… Inirapan ko na lang siya… sayang gwapo pa man din siya kaso parang istrikto katulad ni Lolo.. mukhang mahihirapan ako sa isang ‘to…

please vote po...;)

Oh My Guard!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon