Chapter 7

88.9K 2.2K 807
                                    

"Psst... MACARIO SANDOVAL," pabulong kong tawag sa lalaki.


Kaharap ko siya sa table. Nandito kami sa isang 5-star restaurant. Para walang masyadong mga mata na titingin sa amin. Solemn and ambiance. Dim ang lightning.


Treat niya na naman ngayon, syempre, wala naman akong pera. Wala pa akong allowance mula kina Mama at Papa. Saka, hindi rin talaga ako pinagbabayad ni Macoy kahit mamilit pa ako. Sagot niya lagi.


"What?" bulong din niya. Nakasombrelo siya, just in case.


"Ako lang yata ang estudyante rito." Ako lang ang naka-uniform. PUP uniform. Pagkatapos kasi ng klase ko ay nakipagkita agad ako kay Macoy. Hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Akala ko ay maghaharutan lang kami sa kanyang kotse.


"E ano naman?" Natawa siya sa akin.


Napalabi ako. "Iyong mga babae kasi rito ay puro halos naka-formal clothes. May mga naka-dress pa."


Nabura ang pilyong ngiti ni Macoy. Bigla siyang sumeryoso. "'Doesn't matter. Ikaw naman ang pinakamaganda sa lahat ng nandito." 


Lumukot ako ng tissue na nasa table at binato ko siya. "Naneto."


Gayunpaman, sa sinabi ni Macoy ay automatic na naglaho ang pagkailang ko. Tss, mula talaga nang mamulat ako kung gaano kayaman ang boyfriend ko, tinubuan na ako ng sandamakmak na insecurities.


Hindi naman ako sobrang naghihirap sa buhay, nakakapag-aral ako at may magandang inuuwiang bahay, pero iba lang talaga ang katayuan ni Macoy sa katayuan ko. Sa kabila ng mga iyon, hindi naman nagkulang si Macoy na iparamdam sa akin na basta kasama ko siya, hindi ko kailangang manliit o mag-alinlangan.


"Gorgeous lady, here's the menu." Inabot niya sa akin ang menu ng resto. 


"Thank you..." Pilit kong pinipigilan ang ngiti sa aking mga labi nang tanggapin ang menu. 


Nangalumbaba si Macoy sa mesa habang namumungay ang magagandang mga mata niya na nakamasid sa akin. "Pili ka ng main course na gusto mo."


Napahawi naman ako ng buhok habang nakatingin sa menu. "Uhm, main course?" Binasa ko ang menu. "Gusto ko sana pritong talong."


Nagki-crave kasi ako sa talong mula pa kanina. 


"The food here is way better than pritong talong. Go on. Choose your main course."


Napakamot ako sa ulo. "Ina naman ng resto na 'to. Kakain na lang, pahihirapan ka pa. Sana nag-exam na lang ako sa school." Hindi ko kasi maintindihan iyong pangalan ng mga pagkain na nasa menu. 


Saka bakit ganito ang presyuhan dito? Iyong pinakamurang main course ay allowance ko na yata ng isang linggo. Napaangat ang mukha ko kay Macoy. "Ang pricey, beshy." 


Inagaw sa akin ni Macoy ang menu. "Don't worry about that. Let me surprise you." Pagkatapos ay tinawag niya ang waiter.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon