Kabanata 18: Pangungulila

2 1 0
                                    


Liram—

Naalimpungatan ako nang may narinig ako'ng ingay.

“Mmm?”
Nagkusot ako ng mata saka tiningnan kung ano ang ingay na yun.

“Mikan?” Inaantok na tanong ko.

“Paumanhin. Nagising ba kita?”

“Ang aga mo namang gumising. May pupuntahan ka ba?”

“Mn. Pupunta ako sa Engklan may hahanapin ako'ng libro.”

“Libro na naman? Hindi ba pwedeng mamaya na. Ang aga pa O inaantok pa ako.” Ani ko saka nagtalukbong ng kumot.

“Matulog ka na lang ulit diyan. Lalabas ako.” Sabi niya.

“Mn.” Tanging sagot ko at nakatulog ulit.
.
.
.

Nagising ako sa huni ng mga ibon at tiktilaok ng tandang. Bumangon ako saka nag-inat, bumaba  sa higaan,tinupi ang kumot at inayos ang higaan.

“Mikan, Umaga na. Gising na.”

•   •   •  

“Woy, Mikan.”

•  •  •

Kakaiba,isang gising ko lang sa kanya noon gigising na siya.
Inalis ko ang nakaharang na tela sa pintuan ng silid niya.

“Hoy! Mika...”...an.Napatigil ako nang makitang wala na siya sa higaan niya.
Saka ko lang naalala na lumabas nga pala siya kanina pa.

Pagkalabas ko sa silid namin ni Mikan,siya rin ang paglabas ni Bagis sa kanilang kubo.

“Magandang umaga, Liram.”Bati niya habang nangunguha ng ano sa mata.

“Himala at ang aga mo'ng gumising ngayon.”

“Inaantok pa ako.” Inaantok na aniya.

Pagkasara niya sa pinto siya ring pagbukas ng pintuan sa kubo nila Lawin at Liwa.

“Magandang Umaga sa inyo Engkantre Lawin,Engkantres Liwa.” Bati ko sa kanila.

“Magandang umaga Engkantre Lawin, Engkantres Liwa.” Bati ni Bagis.

“Magandang umaga rin sa inyo Engkantre Liram, Engkantre Bagis. Mukhang hindi pa gising si Engkantre Mikan.” Malumanay na ani ni Engkantre Lawin.

“Gising na siya. Maaga siyang gumising kanina may hahanapin daw siya'ng aklat.”

“Aklat?” Patanong na ani ni Liwa. Nagtaka ako sa tono ng pagkakasabi niyang iyon.

“Mn.” Sagot ko na may kasamang konting tango.

“Aklat? Anong aklat? Aklat ba ng alamat ng gintong ohas?” Gising na gising na tanong ni Bagis.

“Parang kanina lang inaantok ka pa A. Hindi ko alam kung ano ngunit sa palagay ko ay alam ko na kung ano'ng aklat iyon.”

“Aklat ng alamat ng gintong ohas?” Panghuhula ni Bagis.

“Hindi ko babasahin ang tungkol sa alamat na iyan. Nangako ako kay Liwa—este Engkantres Liwa.” Biglang singit ni Mikan. “Magandang umaga Engkantres Liwa, Engkantre Lawin.” bati ni Mikan sa dalawa.

“Ehem!ehem!may nanalo na—aga! Liram naman e.”Reklamo niya nang sikuhin ko siya.

“Ang ingay mo. Matulog ka nga ulit dun mukhang kulang ka pa sa tulog e.”

“Ang sama mo talaga.” Nakabusangot na sabi niya. Agad din namang nagbago ang mukha niya at humarap kay Mikan. “sangko, anong libro yang dala mo?” Tanong niya.

“Alamat ng nawawalang lungsod ng sinag.” Sagot ni Mikan.

Sabi ko na nga ba.

“Nabasa mo na ba? Ano'ng nakuha mo?” Tanong ko.

“Babasahin ko palang..” Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa aklat. “Ang totoo hindi ko alam kung babasahin ko pa ba ito.”

“Pero umaasa ka parin?” Tanong ko. Tumalikod siya bago sumagot.

“Palagi naman..”Huminga siya ng malalim saka nagsalita ulit. “Mauna na kayong mag-agahan ni Bagis. May gagawin lang ako.”Sabi niya saka naglakad paalis.

“Huwag kang magtatagal dun A. Susumbong kita kila Ina.”

“Sandali lang ako.”
.
.
.
.

—Liwa——

Pangungulila....

Iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Mikan.

“Liwa.”

“Uy,Liwa.” Bumalik ang diwa ko nang pumitik ang kapatid ko sa aking mukha.

“Ha?”

“Kanina pa kita tinatawag. Sumabay na tayo kila Engkantre Liram kumain.”

“Mauna na kayo.” Sabi ko atsaka pumasok pabalik sa aking kubo.
.
.
.
.

—Bagis——

“Uy, Liram! Hindi ba natin susundan si sangko?” Malungkot na tanong.

“Gusto ko ngunit alam ko'ng ayaw niya.”

“Kahit palihim lang.”

“Matalas ang pandama ni Mikan at isa pa,nakikiusap na siya sa amin noon. Na kapag gusto niya'ng mapag-isa hahayaan muna namin siya.”

“Ano nga pala ang meron sa  nawawalang lungsod ng Sinag?” Tumingin ako kay Liram.

“Sa pagkakaalam ko gusto niyang malaman kung saan ang daan patungo doon.”

“May libro si Ama tungkol sa nawawalang lungsod ng sinag.” Sabay kaming napatingin ni Liram kay Engkantre Lawin.

“Talaga?!/ Totoo?!” Sabay namin na sabi. Tumango ng konting-konti si lawin. Nakaramdam ako ng pag-asa.

“Kaya lang mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagbasa sa librong iyon. Mabigat ang maging parusa sa kung sinumang magtangkang bumasa nito.”
At agad ding nawala ang pag-asa na nabou dahil sa sinabi niya.

“Bakit naman?” Tanong ni Liram.

“Iyan ang hindi namin alam.”

“Maari kayang may alam ang iyong ama tungkol sa nawawalang lungsod ng Sinag?” Tanong ko.

“Wala rin siya'ng sinabi sa amin ngunit may isang pagkakataon na narinig ko ang sinabi ng tauhin niya nung minsan..”

“Ano—A! Liram naman e.” Reklamo ko nang hilahin niya ko palayo kay Engkantre Lawin.

“Maari mo bang sabihin sa amin?” Ani ni Liram. Napansin ko ang pag-alinlangan ni Lawin.

“Paki-usap.” Nakiki-usap na ani ni Liram.

“'Buwis-buhay ang daan patungo sa Lungsod ng Sinag,bawat hakbang ay katumbas ng kamatayan' iyon ang narinig ko.”

“Kilala mo ba kung sino ang nagsabi nun.”
Umiling si Lawin.

“May takip ang kanyang mukha nung pumunta siya sa aming nayon.”

“Pangalan, Alam mo ba ang kanyang pangalan?”

“Wala silang binanggit na pangalan.”

“ Salamat, engkantre Lawin. Sasabihin ko ito kay Mikan,sigurado ako'ng magugustuhan niya ito. Maraming Salamat talaga.Utang na loob ko ito sa iyo.” Tuwang-tuwa na pasasalamat ni Liram kay Engkantre Lawin.

“Walang anuman. Hindi rin ako sigurado kunng makakatutulong ba ang mga yun.”

“Malaking tulong ito sa paghahanap ni Mikan sa nawawalang lungsod ng sinag.”
Tumango-tango ako ng konti bilang pagsang-ayon.

Hindi ko pa rin alam kung bakit hinahanap ni sangko Mikan ang daan patungo sa  nawawalang lungsod.

Ngunit isa lang ang nasisigurado,may pangungulila sa mga mata niya

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon