Chapter 34

57K 2.4K 1.9K
                                    

Found








Tipid akong napangiti at nag-iwas ng tingin kay Kuya Wil matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.

Hindi naging madali ang ginawa naming paglayo ni Hartemis. Lalo na't alam kong hindi lang naman mga tao ang iniwan namin...nandoon na din ang mga ala-ala na kahit pa saan kami pumunta ay dala dala na namin.

Muli akong napalingon sa gawi ni Kuya Wil nang marinig ko ang pag-iingay ni Hartemis. Matamis akong ngumiti sa baby ko dahil naka tingin siya sa akin habang ginagawa 'yon, para bang kinakausap niya ako.

Hindi naging madali ang adjustment para sa aming dalawa. Nakaramdam din ako ng takot noong una, pero dahil sa kanya...naging matapang ako, sa kabila ng aking takot ay nagawa ko pa din. Dahil sa baby ko.

Inabot ko ang pisngi niya, she giggles again. Natawa ako dahil sa pagiging sweet niya. Marahan kong hinaplos 'yon, hanggang sa nanggigil ako sa kanya at pinisil ang maumbok niyang pisngi.

"Ang lambing..." nakangiting puna ni Kuya Wil dito.

It's still a relief for me na kahit papaano ay hindi pa mararamdaman ni Hartemis ang epekto ng mga nangyayari sa amin ngayon. I'll do my best para hindi niya maramdaman 'yon. Hindi ko hahayaan na mahirapan ang baby ko.

"Kahit anong maging desisyon niyo...sususportahan ko kayo," paninigurado ni Kuya Wil sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. As much as I want to stand on my own, hindi ko mapagkakailan na I need someone like him...someone who will support me and got my back.

"Thank you po, Kuya Wil."

Matapos kong sabihin sa kanya 'yon ay lumipat ang tingin ko sa katabi niya. Nakita ko kung paano umirap sa kawalan si Ate Monica, asawa niya.

Una pa lang ay ramdam kong hindi kagaya ni Kuya Wil...hindi siya pabor na nandito kami ni Hartemis.

"Wag kang mag-alala sa kanya. Nandito kami ni Monica, kami ang bahala kay Hartemis habang naghahanap ka ng trabaho."

Gustuhin ko mang hindi iwan ang baby ko sa pangangalaga ng ibang tao ay hindi maaari. I need a source of income para sa amin, hindi naman pwedeng sina Kuya Wil at Ate Monica ang gagastos ng lahat para sa aming dalawa.

"Wish Mommy luck," malambing na paalam ko kay Hartemis bago ako umalis para maghanap ng trabaho.

Hindi ko din naman kailangang mag-alala, kita ko namang malapit at kumportable si Hartemis kay Kuya Wil. Nakita ko kung paano niya ituring 'to na parang apo na din daw niya.

"Ate, aalis na po muna ako..." paalam ko kay Ate Monica.

Tahimik lang siya simula ng dumating kami dito. Halos tango at iling lang ang isinasagot niya sa akin, para bang ayaw akong kausap. Kung hindi lang siguro dahil kay Kuya Wil ay hindi talaga niya ako papansinin.

Tipid na tango lang ang ibinigay niya sa akin bago siya nag-iwas ng tingin.

Hindi naman naging mahirap para sa akin to find a company, ang naging takot lang sa akin ay baka maulit nanaman 'yon mga past experience ko sa ibang company na inayawan kaagad ako, the moment they knew about me being the daughter of Atheena Salvador.

Tahimik ako habang inihahanda ang sarili ko for an interview. Maganda ang receiving are ng company na pinuntahan ko. Accommodating din ang secretary nila, looks like she's genuinely nice. Kilala ba niya ako? Napanuod na ba niya yung news sa tv?

Lately, pag mabait ang tao sa akin...nagdududa na ako. Parang mas tanggap ko pa na iba ang magiging pakikitungo nila sa akin just because of our family issues.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon