Chapter 21

506K 13.2K 1K
                                    

Chapter 21

Reconciliation

Disyembre na. Ang bilis talaga ng panahon...

Naghahanda na ako papasok sa school. Huling araw na kasi ngayon ng klase. Nakakalungkot dahil sa darating na linggo ay aalis na si Apxfel papunta sa ibang bansa. Aalis siya para mag celebrate ng pasko at bagong taon kasama ang mga magulang niya roon.

Ang tagal naming hindi magkikita, sa pasukan na rin kasi ito babalik. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Pero hindi bali, nangako naman si Apxfel na lagi siyang magtetext at palagi niya akong tatawagan.

Balak ko pa naman din siya ipakilala kila Mommy at Daddy. Uuwi kasi sila rito sa Pilipinas ngayong darating na pasko.

Nakarinig na ako ng busina sa labas. Nariyan na ang kumag!

"Good Morning, Ms. Beautiful." bungad niya pagkalabas ko ng gate.

"Good Morning, Mr. Kumag." sabi ko sabay tawa.

Paano kasi 'yung mukha niya ang cute! Kumunot kasi agad iyong kanyang noo.

"Ang daya naman ng tawag mo sa'kin eh." anito habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Sorry na po, Mr. Pogi." sabi ko tapos ay napatawa naman din siya agad. Asus!

Mabilis kaming nakarating ni Apxfel sa PrigeWood. Naalala ko na ngayon nga rin pala iyong bunutan para sa exchange gift namin sa Christmas Party.

Nag-organize kasi ng party si Zimmer kasama ang buong section namin, pati na rin yata iyong ibang mga 4th year students.

Pagdating namin ni Apxfel sa room, ayun nag bubunutan na nga sila.

Lumapit naman agad sa amin si Paui.

"Oh guys, bunot na kayo." aniya sabay abot ng bote na may mga maliliit na papel na nakatupi.

Bumunot na kaming dalawa ni Apxfel.

"And guys secret yan ha, bawal ipagsabi kung sino ang nabunot!" Paalis na si Paui ng lumingon ulit ito sa amin. "Bawal ha kahit mag jowa kayo shhh lang!"

Ang kulit talaga ni Paui.

"Oo na." sabi ko rito habang nakatawa.

Binuklat ko 'yung papel. Sayang, hindi si Apxfel ang nabunot ko. Si Camille. 'Yung isa naming kaklaseng babae.

"Sino 'yung nabunot mo?" tanong ni Apxfel.

"Secret!" sabi ko sabay dila sakanya.

Gusto ko nga rin itanong kung sino ang nabunot niya e, pero nanahimik na lang ako.

Lumapit naman si Zimmer sa amin para isulat doon sa notebook na hawak niya 'yung mga pangalan na nabunot namin.

Pagkatapos ng klase, sabi ni Apxfel mauna na ako sa kotse niya kaya ayun nauna na ako.

-

Apxfel's POV

Pinauna ko na si Abigail doon sa kotse. Gusto ko kasing malaman kung sino ang nakabunot sa kanya. Kung sino man iyon, makikipagpalit ako.

"Sige na bro, patingin na kasi nung notebook." pamimilit ko kay Zim.

Kanina ko pa siya pinipilit pero ayaw pa rin niyang ipakita.

"Bro, confidential to 'no." ani Zim.

"Tsk! Daming arte, pakita mo na kasi!"

Lahat na yata ng pamimilit ay nagawa ko na.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon