BMDN Chapter 15

112K 3K 365
                                    

Huminto kami sa isang malaking gate. Halos tatlong oras din ang biniyahe namin, nakatulog na nga ako nagising lang ako dahil ang sakit ng leeg ko. Pero si Kisza ang sarap ng tulog, ibinaba ni Spencer ang salamin ng kotse sa gilid nya saka kinausap ang guard na nagbabantay. Pagkakita ng guard kay Spencer ay halatang nagulat pa ito.

Nag usap pa sila pero hindi ko maintindihan. Ang sakit na ng pang upo ko dahil sa tatlong oras na pag kakaupo tapos ang bigat pa ni Kisza.

Bumukas ang malaking gate saka muling pinaandar ni Spencer ang sasakyan. May natanaw ako sa hindi kalayuan napaka laking bahay, masasabi kong mas malaki ito sa bahay nila. Puro puno rin ang nakapaligid sa bahay.

Huminto kami sa front door, hindi ko alam kung gigisingin ko ba si Kisza o hahayaang matulog nalang. Lumabas si Spencer akala ko ay iiwanan nalang nya kami dito pero umikot sya at binuksan ang pinto sa tabi ko.

"Bubuhatin ko nalang sya" sabi ko saka pilit inaabot ang seat belt ko.

Tumitig lang sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Nagulat ako ng kinuha nya si Kisza sa kandungan ko, binuhat nya ito at ipinilig ang ulo sa balikat nya.
Agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko at saka nagmamadaling lumabas, napangiwi ako ng maramdaman kong parang may tumutusok sa paa ko. Muntik pa akong masubsob kung hindi lang ako nahawakan sa bewang ni Spencer.

"You okay?" Tanong nya gamit ang hindi familiar na tono.

"Medyo namamanhid lang ang paa ko" sagot ko saka umayos ng tayo pero hindi nya parin binibitawan ang pagkakapalupot ng braso sya sa bewang ko. Naiilang ako kahit na parang wala lang sakanya na nakalapupot sakin ang braso nya.

"Kukunin ko lang yung mga gamit" sabi ko saka umambang aalis pero mas lalo lang nya akong hinapit papunta sakanya. Muntik pa akong mapasubsob sa dibdib nya kung hindi ko lang naiharang ang kamay ko.

"May kukuha nyan"

Sabi nya saka nag umpisang mag lakad kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil ang kamay nya ay nakahawak sa bewang ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko at alam kong naririnig ni Spencer yon. Naiilang ako sobra, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya sabi nya noon lumayo ako pag nakikita ko sya, na ayaw nyang mag kakasalubong kami. Pero ano to? Ayaw nya akong pakawalan kaya paano ko magagawa ang pinag usapan namin?

"Tito"

Napatingin ako sa binatilyong lalaki na pababa ng hagdanan, blonde ang buhok nito at kulay asul ang mata. Tingin ko ay nasa fourteen o fifteen ang edad.

"Artemis" bati ni Spencer, nakahinga ako ng maluwag ng bitawan nya ako dahil tinap nya ang ulo ng lalaking tinawag nyang Artemis.
Lumayo ako sakanya ng kaunti napatingin naman sakin si Artemis.

"Girlfriend mo ba sya tito?" Nakangiting tanong ni Artemis, nagkibit balikat lang si Spencer.

"Hindi nya ako girlfriend Na-"

"Spencer"

Napatingin ako sa lalaking tumawag kay Spencer. Isang lalaki na may mahabang buhok, naka white shirt ito at boardshort. Maganda ang pangangatawan at mukhang may sinasabi sa buhay, napatingin ako kay Artemis at sa lalaking tumawag kay Spencer. Mag kamukha sila at parehong may asul na mata kaya nakatitiyak ko na mag ama sila.

"Pierre" sabi ni Spencer.

"Kamusta? Mukhang nakakarami ah" nakangising sabi ni Spencer habang nakatingin sa isang babaeng pababa sa stair malaki anag tyan nito at tingin ko ay limang buwan na syang buntis may hawak syang batang babae na wavy ang buhok at katulad ng buhok ni Pierre ay blonde din ang kulay, sa likod ng babae ay may batang lalaki na nasa limang taon ang edad, hindi katulad ng mga naunang bata ang isang ito ay itim amg buhok ang malalim ang mata na bumagay sa matangos nitong ilong, hindi rin ito kaputian tulad nila Artemis.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon