Chapter 14

15.5K 660 456
                                    





AYOKO


"Are you mad?! Why would you say things like that to him?!" Naya gasped loudly. "Malamang magagalit talaga iyon! You're igniting the fire that's already burning, Iana!"


Nakapahalumbaba ako rito sa kama habang katawag si Naya. I told her what happened awhile ago when our topic went on about Ansel.


Ansel left after our argument. Argument na pinangunahan ko na naman. Away naming sinimulan ko na naman.


"Totoo naman ang mga sinabi ko hindi ba?"


"Gaga! Kilalanin mo muna ng husto 'yung tao tsaka mo siya husgahan!" Gigil na sigaw sa akin ni Naya sa tawag. I had to move my phone away from my ears.


"Am I being too much?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang unti-unti ay dumadamba sa akin ang mga reyalisasyon. Ang mga masasakit na salitang itinapon ko kay Ansel. Ang mga akusasyon na hindi ko naman napatunayan.


"Yes, Iana! You are being too much and based on the sound of your voice, alam mo na sumobra ka na!" She reprimanded me. "Masakit ka pa naman magsalita minsan! Your words are like knives that stab repeatedly!"


Napapikit ako.


"You know what Iana. You were always good at judging someone correctly regardless if it's a man or a woman. Tama ang nga hinala mo sa kanila. Pero bakit pagdating kay Ansel Monterro, labis ang pangungutya mo sa kanya kahit hindi mo pa siya lubusang kilala? Paki explain, bes."


Maski ako ay nalilito sa sarili ko. "I don't know. I just hate his guts. I hate him for making me feel like an object. I feel worthless. Kasi hiningi niya akong pambayad ng utang ng mga magulang ko. Are there no other options aside from forcing me into marriage with him?"


"Okay, I don't have the right to defend him for that. And I don't have the right to tell you that everything is fine because I don't feel what you're feeling now and I am not in your shoes," she sighed.


Pumatak ang mga luha ko. I feel so frustrated. Parang pinipiga ang utak ko kakaisip ko sa mga nangyayari.


"Mahirap ang pinagdadaanan mo. Sino ba naman ang sasaya kung paggising niya isang araw ay naipakasal na siya sa hindi niya kilalang tao diba?" Aniya.


"I know you're still trying to process and grasp what happened. Pero ayaw mo bang subukan na kilalanin kahit kaunti si Ansel? What if that marriage won't be as bad as you think?"


Natahimik ako at patuloy siyang pinakinggan.


Naya sighed. "Let me ask you this. When you entered his house, did he ever lay a finger at you?"


Umiling ako. "No."


"Did he hurt you physically?"


"No," pabulong kong sagot.


"Did he care for you? Kahit simpleng bagay na gawain o kung ano man na nagpapakita na may halaga ka sa kanya. May napansin ka ba? Naramdaman mo ba?"


I bit my lip and let my tears fall. Agad kong pinunasan iyon. Bakit nagiging emosyon na ako masyado? Mabigat ang dibdib ko.


All the things he did for me came flashing back. The way he tried to assure me that it's only me so he took me with him in France. But the moment a girl kissed him, I immediately disregarded his effort. His simple updates if he's coming home or not, but I just accused him of being with another woman. The time when he assigned Mang Tasyo para maghatid-sundo sa akin because he's busy with work and he couldn't do it himself. Kahit nagmatigas ako na kaya ko dahil sa kayabangan ko at ego ko, inatasan niya pa din si Mang Tasyo bilang personal deiver ko. 'Yung pagbigay niya sa akin nung master's bedroom na dapat ay doon siya natutulog pero siya mismo ang lumipat sa guest room at sinabing manatili ako roon. Palagi ko siyang inaakusahan at inaaway pero siya pa rin ang nanggamot sa sugat ko sa paa. Sa kabila ng mga masasakit na salitang binato ko sa kanya ay walang ni isang beses na sinaktan niya ako ng pisikal. Kahit galit siya ay nagagawa niyang utusan si Mang Tasyo para alalayan ako.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon