Chapter 3

60 10 2
                                    

IPINIKIT niya ang mga mata habang nasa biyahe at hinayaan si Jarek magmaneho. Kahit ngayon lang niya nakasama ang binata ay kampante siya. She feels safe with him pero hindi siya magkakamaling sabihin iyon kay Jarek. Lalo lang itong mangangahas na landiin siya.

Tem doesn't know how long she was asleep pero nang magising siya ay nakahimpil na ang kaniyang kotse at wala si Jarek sa driver's seat. Tumuwid siya ng upo at inayos ang kaniyang buhok. Nang lumingon siya sa gilid ay nakita niyang may binibili itong bulaklak at nakangiti sa matandang naglalagay ng tali.

Nag-iwas ng tingin si Tem at sumandal. The flowers can't be for her. Imposible. Bulalo lang ang ipinunta nila rito. At wala naman silang relasyon para isipin niyang para sa kaniya ang mga bulaklak na 'yon.

Nang magbukas ang pinto sa may driver's seat ay nagtama ang mga mata ni Tem at Jarek.

"Gising ka na pala. These are for you." Inabot ni Jarek ang bulaklak sa kaniya. They were all white roses. Tatlong dosena yata ang bilang ng rosas.

"Thanks. You didn't have to—"

"I want to." He smiled at her.

Hindi na siya umimik at itinuon ang mata sa harap. Bakit white? Hindi ba kapag nanliligaw pula ang kulay ng bulaklak? She gets it now. Hindi nanliligaw si Jarek. Gusto lang siguro nitong makipagkaibigan sa kaniya. Tama!  Iyon na lang ang iisipin niya.

Tahimik silang nagbiyahe papunta sa restaurant. She was afraid to turn her head dahil ramdam niya ang mga titig ni Jarek kapag may pagkakataon katulad ng red light.  Nang makarating sila sa restaurant ay ipinark ni Jarek ang kotse. Tem didn't wait for him to open the door for her at lumabas na siya ng kaniya saka inilagay ang bulaklak sa upuan bago isara ang pinto.

Jarek looked disappointed pero hindi na binigyang pansin ni Tem.

"Should we go inside? I'm starving." Totoo naman 'yon. Nagugutom talaga siya dahil hindi niya nakain ang meryenda na binili ni Darius para sa kaniya.

Tumango si Jarek at sumunod sa kaniya. They were seated by the host at saka nag-order. While they were waiting, Tem felt Jarek's stares at hindi na siya nakatiis.

"Bakit ka ba titig ng titig?" Bukod sa uubanin at magkakasakit siya sa puso ay mukhang dadami rin ang pileges niya sa mukha kahit eighteen pa lang siya.

Nagkibit balikat lang si Jarek peor hindi inalis ang mga mata sa kaniya.

"Alam mo, kung hindi ko lang alam ang mga type mo, iisipin kong may crush ka sa akin." Tem didn't know kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya but she was able to voice it out as if she was joking with him. Not bad.

"And what is my type?" Hindi mabasa ni Tem ang mukha ni Jarek kaya itinuloy na lang niya ang sinimulan kanina.

"Pretty, sexy, dumb and drooling over you."

"So you are saying you are not like that?"

"Excuse me?" maang na tanong ni Tem. Tangina! Humina yata ang IQ niya. Bakit hindi niya kaagad na-gets ang sinasabi nito?

"Ibig sabihin, pangit ka. Hindi ka sexy. Matalino ka. At hindi ka attracted sa akin. Tama?" He was trying hard not to laugh but he failed dahil ilang segundo lang ay umalingawngaw na ang malakas na halakhak nito. "Look at your face." Hinaplos ni Jarek ang pisngi niya habang tawa pa rin ng tawa. Siguro dahil nakanganga pa rin si Tem.

She was never lost for words lalo na kapag lalaki ang kausap pero ngayong kaharap niya si Jarek ay daig pa niya ang naputulan ng dila.

"If I've known you're this funny, I would have asked you out sooner."

Take Me As I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon